Vice's POV
Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may gumalaw sa tabi ko, biglang nanlaki ang Mata ko.
"Shaks, may na booking ba nanaman ako?"tanong ko sa sarili.
Dahan-dahan akong humarap at may nakita akong lalaki, walang t-shirt at naka pants lang, mygas galit na galit yung abs, nakatakip kasi ng unan ang mukha nya kaya hindi ko makita kung sino ito.
Naghihilik ito at obviously tulog na tulog pa,then lumapit ako sa lalaki at tinanggal ang unan, at aba napaupo ako nang makita kong si ion ang katabi ko, kahit tulog pa Ito ay pinagsusu-suntok ko na Ito at pinaghaha-hampas.
"Bastos, pinagsamantalahan mo ako!!" Sigaw ko habang hinahampas sya.
Nagising naman ito at hinawakan ang kamay ko tsaka ngiti.
"Anong ngini-ngiti mo dyan ha?!"tanong ko kay ion.
"Ako, pagsasamantalahan ka, baka ikaw ang sumantala saaking katawan" mayabang na sabi nito.
"Arghhhhhh!"gigil na sigaw ko at umupo tsaka umiyak.
"Oh bakit ka umiiyak?"tanong ni ion.
"Ikaw magising kang may katabi na nakahubad, matutuwa ka ba?!"sagot ko.
"Oo, Basta ikaw"
Tumingin ako sakanya ng masama pero ginantihan nya ako ng ngiti kaya binato ko sya ng unan.
"Walang hiya ka, pinagsamantalahan mo ko....andumi-dumi ko na!!!"sigaw ko kay ion.
Imibis na maawa ay tinawanan nya pa lalo ako.
"Tumatawa ka nanaman!"
"Eh kasi wala naman talagang nangyari, inihatid lang kita dito at pinatulog mo ko sa tabi mo kaya natulog na ako"
"Eh bat wala kang t-shirt"
"Hinubaran mo kaya ako"naiangising sagot nito.
Tinignan ko ito ng masama sabay lapit dito na parang inaakit ko sya.
"Tignan ko lang kung hanggang saan aabot ang kapal ng mukha mo, tignan natin kung di ka mababaluktot sakin"Sabi ko sa isip ko.
Nilapitan ko ito at inislide ko yung isa kong daliri simula sa ilong nya, papunta sa labi at pababa sa abs nya.
"Kung walang nangyari kagabi....pwes ngayon meron"mapang-akit na sabi ko kay ion.
Nanlaki naman ang mata nito at parang naisatwa kaya mas ibinaba ko pa amg daliri ko papuntang belt nya.
"Lumabas ka na sa condo ko....1--2---"
Dali-daling tumayo si ion at kinuha ang kanyang t-shirt sabay lumabas ng condo ko.
"Madali ka lang palang kausap eh" sabi ko sa isip ko.
Ion's POV
~fastforward~
Makalipas ang isang linggo ay naging mas close kami ni jelly, madalas din kaming lumalabas, di ko naman gusto si jelly, I mean hindi ako romantically attracted sakanya, gusto ko lang sya as kaibigan, naaalala ko Kasi sakanya yung childhood friend ko.
12pm lunch break ko, sakto naman na may shooting si jelly malapit sa building kaya tinawanan ko sya upang tanungin kung pwede ba kaming sabay mag lunch.
"Hello, jelly"bungad ko.
"Hi Ion, napatawag ka?"
"Uhm diba may shooting ka malapit sa building ko, sabay tayo mag lunch?"
"Sigesige, may tinawag--"
Nawalan ng connection at namatay ang call namin kaya tinext ko nalang si jelly at sinend kung saan kami kakain, di ko na hinintay ang reply nya.
Paglabas ko mg office ay nakita ko si vice na naka-bag at naghihintay sa elevator, tumabi ako dito.
"Good afternoon"bati ko kay vice.
Di nya parin ako pinapansin.
Simula nung araw na natulog ako sa condo nya, nabad-trip sya saakin at ako naman mapangasar pa kaya ayun hanggang ngayon di nya parin ako pinapansin.
"Hanggang ngayon ba di mo parin ako papansinin?"tanong ko kay vice.
Di Naman ito nakasagot dahil bumukas ang elevator, sinenyasan ko ang mga nakasakay na magsilabas at naiwan kaming dalawa sa loob, eksaktong nagsara ang elevator door ng hawakan ko si vice sa balikat at iniharap sya saakin.
"Oy di mo talaga ako papansinin?"
"Luh teh jowa ba kita?, tampo ka siz?"sarkastikong tanong nya.
"Sorry, sorry kung mapangasar ako"
"Ganon lang yon?, Pagkatapos mo akong pagsamantala--"
Di nya naituloy ang sasabihin dahil tinakpan ko ang bibig nya.
"Wala ngang nangyari saatin"
Kinagat nya ang kamay ko kaya natanggal ko ito.
"Kahit na, lasing ako non bakit tumabi ka pa saken, trip mo rin ako eh noh?"
"Kase niyakap moko"sagot ko.
Natahimik si vice hanggang sa nasa ground floor na kami.
Dirediretso lang sya at hindi lumilingon.
"Woy babae-lalaki-bakla, hintayin mo ko, san ka pupunta?!"pasigaw kong tawag sakanya.
Lumabas si vice na parang wala sa sarili kaya binilisan ko ang takbo at napansin kong may parating na motor kaya mas lalo ko pang binilisan ang takbo at binuhat si vice na parang bagong kasal.
Nag slowmo ang buong paligid, wala akong ibang marinig bukod sa malakas na tibok ng mga puso namin.
