Ion's POV
Nagstop over muna kami sa isang gas station para makapag cr kami, marami na kami ngayon sa sasakyan.
Ako si vice, si Jhong, Vhong, stephen, Anne, Karylle, tyang Amy, Ryan at si ate Mariel.
Close kaming lahat kaya walang awkward moments.
Si Ryan at Karylle ay magpinsan, si Anne naman ay sisteret ni vice, si ate Mariel ay pinsan ko, si tyang Amy ay tita ko sya ang pinakamatanda saaming lahat.
So ganito ang pwesto nila
Driver empty Jhong
Stephen Vhong
Tyang Amy ate Mariel at ryan
Vice ako anne.
It's only 9am, at malapit-lapit na rin kami sa resort.
Nagkape muna ang iba samantalang ako si vice at si baby Daniel ay naiwan sa van.
Binuhat ko muna si baby bago gisingin si vice.
"Vice, gising na malapit na tayo baka gusto mong mag Cr or magkape?"
"Hmmm" ungot nito bago imulat ang mata.
Pagmulat ng nga mata nya ay kaagad itong napangiti at kinuha si baby.
"Lika, baba muna tayo" Sabi nito sabay tumayo at nauna pa saaking bumaba ng sasakyan.
Pagkababa namin ay nag cr muna ako pagkabalik ko ay nakain na si vice at nainon na rin ng gatas si baby dan.
Ang cute talaga nilang tignan para silang mag-ina.
Tumabi ako kay vice at kumuha ng cookie na kinakain nya.
Kinukulit ni Ryan ang Bata kaya medyo nairita ito at umiyak.
"Waaaahhh!!, Wahhhhhhh!!" iyak ni baby Daniel.
"Ahh tahan na baby" pagbababy talk ni vice.
Tumayo si vice at hinele ang Bata.
"Inaantok parin to, kanina pa naiirita eh" Sabi ni vice habang hinihele ang Bata.
Habang ako ay abala sa pagkain bigla kaming nagkatinginan ni vice sa mata.
"Sarap na sarap sa cookies ah, subuan mo nga ako, nagugutom ako" utos nito saakin.
Sinubukan ko naman sya, tuloy-tuloy ang pagpapakain ko sakanya kaya ayun medyo nainis din sya hehe.
"Anu ba, di ko pa nalulunok yung kinagat ko kanina binibigyan mo na ako ng panibago" inis na suway nito.
Nginitian ko lang ito at inilapit uli sakanya yung cookie.
"Bagal kasi ngumuya!....kain na baby ang ganda-ganda ng baby eh" pangaasar ko pa sakanya.
"Chee, bahala ka nga dyan! dalahin mo yan sa sasakyan papasok na ko sa loob"
Pumanik na sila sa loob bg sasakyan.
Susunod na aana ako ng lapitan ako ni tyang Amy.
"Ion" tawag nya saakin.
"Po?, Bakit tyang Amy?"
"Matanong ko lang" bulong nya saakin sabay lapit
"ano na ba kayo ni vice?"
