Third POV
Nakarating na nga sila vice at ion sa kanilang kakainan, pumasok sila sa loob, agad namang nagtaka si vice dahil sikat itong restaurant ngunit walang ibang tao dito maliban sakanila.
"Nasan ang mga tao?" tanong ni vice kay ion.
"Baka naman wala sila masyadong costumers" palusot naman ni ion.
"Anong wala eh sikat itong restaurant na to, kahit anong oras pa yan, mapa-umaga, hapon o gabi pa puno ito ng tao. Bakit ngayon walang tao...baka naman sarado pa to?"
"Hindi ah, nakapagpa reserve nga ako ng table para saatin eh"
Nilapitan sila ng isang Waiter.
"Mr.Perez this way po" Sabi ng waiter sa dalawa at sinamahan nya ito papunta sa table nila.
Di naman mapakali si vice kaya nagtanong sya sa waiter.
"Excuse me, diba you usually have a lot of costumers?, Bat parang kami lang yung tao dito ngayon?"
"Pina-reserve po kasi ni sir itong buong restaurant" sagot ng waiter kay vice.
Nagulat naman si vice at humarap kay ion.
"Why?" tanong ni vice kay ion.
"Ayokong may iba tayong kasabay sa pagkain ng breakfast, tsaka it's also my way of saying sorry para sa kagabi" nakangiting sagot ni ion.
"But inaccept ko na naman yung apology mo, you didn't have to do this"
"But I want it to be special...di mo ba nagustohan?" pagkasabi nito ni ion ay agad syang nalungkot dahil feeling nya ay hindi naappreciate ni vice ang ginawa nyang pagpapareserve ng resto.
Nakita ni vice na nagiba ang aura ni ion kaya naguilty ito.
"I liked it, it's actually romantic" sagot naman ni vice.
Nagbalik ang ngiti sa labi ni ion nang marinig nyang sabihin ito ng kanyang iniirog.
Maya-maya ay dumating na ang mga pagkain.
Pancakes, vegetable salad, fruits, bacon, eggs at marami pang iba na ipinaorder ni ion.
"Andami naman nito, uubusin natin to?" tanong ni vice kay ion.
"Kung kaya mo yes, kung hindi then no" simpleng sagot ni ion sabay nagsimula na itong kumain.
Nagsimula na ding kumain si vice.
Pagkalipas ng ilang minuto ay tapos na sila, hindi nila naubos ang mga pagkain kaya't ipina-takeout ni ion ang mga ito.
"Kanino mo naman yan ibibigay?" tanong ni vice kay ion.
"Secret, mamaya malaman mo"
Lumabas na sila ng resto at sumakay ng kotse, sa kalagitnaan ng byahe ay biglang itinabi ni ion ang kanyang kotse at akmang baba pero pinigilan sya ni vice.
"San ka pupunta?" tanong ni vice.
"Dyan lang, bibigay ko lang tong takeout natin, wag kang lumabas ah, di ka sanay sa amoy ng Lugar na to kaya stay kalang dito" malambing na sabi ni ion sabay tuluyan nang lumabas.
Nakadungaw lamang si vice sa bintana habang si ion ay namimigay ng pagkain sa mga batang lansangan.
nakita ni vice na sobrang natuwa ang mga bata ng makita nila si ion, at kita nya rin nya na hindi nandiri si ion sa mga bata, parang ang saya-saya pa nga ni ion ng bigyan nya ng pagkain ang mga bata.
