"Bitawan mo siya, Papa. Anong ginawa mo?" mataas ang boses niyang sinabi.

My mind went blank and all I want is to escape from this another version of hell. Impyerno din 'to na nagtatago sa likod ng pagkukunwari.

Walang sapin sa paa, puno ng pasa at sirang damit, tumakbo ako palabas ng magarang bahay na 'yon bitbit ang aking pinsan. Walang dala na kahit ano. Hindi na ako nakapag-isip nang maayos. Gusto ko lang makatakas. Gusto ko na maging ligtas ako, maging ligtas kami.

"Maella, magiging ayos din ang lahat," I whispered.

Puno ng determinasyon na makalayo, nilakad ko ang madilim na pasikot-sikot ng eskinita.

Hindi ko alam kung dapat ko ba itong ikatuwa. Punong-puno ako ng negatibong emosyon ngunit ni isang patak ng luha ay walang umalpas sa aking mata. Panibagong masamang pangyayari ngunit nanatiling matatag ang aking kalooban.

Hindi ko alam kung anong oras na at kung gaano katagal akong naglalakad. Alam ko lang na malayo-layo na dahil kahit gabi ay ang liwanag ng paligid dahil sa mga maliliwanag na imprastraktura at mga sasakyan. Matagal na ako sa Manila ngunit hindi ganito kaabala ang lugar sa amin.

Sinulyapan ko ang tulog na si Maella sa aking bisig. Kanina ay ibinaba ko siya at sabay kaming naglakad ngunit hindi man makapagsalita ay alam kong pagod siya kaya binuhat ko na lamang. Ako lang itong hindi makaramdam ng pagod dahil sa dami ng iniisip.

Napahinto ako at natulala. Tumingin-tingin ako sa paligid. Ikinalma ko ang sarili at pumikit nang mariin. Bigla akong natakot. Baka mabaliw ako dahil sa mga nararanasan. Hindi maaari dahil walang mag-aalaga kay Maella. Hindi lang emosyonal ang kailangan kong patatagin. Pati na rin ang mental na aspeto dahil baka hindi tumagal at wala na ako sa aking katinuan.

Nasulyapan ko ang ibang mga tao na tulog na tulog sa tabi ng kalsada. Ito ang ayaw kong maranasan ni Maella kaya lang dahil sa sitwasyon namin ay wala akong magawa. Ngunit 'di bale. Ngayon lamang ito. Lumapit ako sa may sulok at umupo sa malamig na semento. Ikinalong ko si Maella at pinagmasdan ang kaniyang mukha. Siya na lang ang paghuhugutan ko ng lakas.

Napatingin ako sa kalsada at dumagundong ang kaba nang makita ang pamilyar na kotse ng lalake na nagtangka sa akin kanina. Kilalang-kilala ko 'yon dahil may parteng pina-customize siya. Mabagal ang takbo nito. Unti-unting bumaba ang bintana nito sa bandang driver seat. Napasiksik ako lalo sa sulok at yumuko habang mahigpit na yakap si Maella. Nanginig ang aking katawan sa takot.

Hindi ko namalayan ay nakatulog na ako. Nagising ako dahil sa sipa sa aking paa. Pagmulat ko at pag-angat ng tingin ay isang security guard na may malaking baril sa kaniyang katawan ang bumungad sa akin. Nanlaki ang aking mata at napaatras. Nakasabog pa ang aking buhok sa mukha.

"Miss, umaga na. Umalis na kayo dito kasi bukas na ang bangko. H'wag kayo pakalat-kalat dito kasi naiilang ang mga customer sa mga pulubi," saad niya at umalis sa harap ko. Nilapitan niya rin ang iba pang natutulog at ginising ang mga iyon.

Kinusot ko ang mata at sinulyapan si Maella. Gising na ito at tulala pa. Napangiti ako at tumayo.

"Halika na?" saad ko. Inabot ko ang kaniyang palad at mahigpit 'yon na hinawakan.

Akma kaming maglalakad nang makita ang mga palaboy, karamihan ay bata, ay nagsisigawan at nagsisitakbuhan dahil sa parating na sasakyan. Nakita ko ang tatak ng sasakyan at nanlaki ang mata. Agad akong lumapit sa may lupa sa tabi at pinunasan ang damit ni Maella pati ang mukha niya. Sunod ay sa sarili ko naman. Bahagya ko ring pinunit ang damit niya. Sa akin ay hindi na kailangan dahil mayroon na itong mga punit.

Lumapit kami sa sasakyan at pinagmasdan ko ang pilit na pagkawala ng mga palaboy. Kami lang ata ni Maella ang nagkusa na lumapit.

"Oh, may dalawa dito. Ano, hindi kayo magwawala?" natatawang tanong ng isang babae, nakasuot ng shirt na may tatak ng pinagtatrabahuan niya.

The Vampire's KissWhere stories live. Discover now