Part 1: the Power of Friendship

Beginne am Anfang
                                    

Una kaming nagkita at nagkakilala nung inutusan ako ni Ma'am Aldrea Nartatez (teacher ko sa english) na magdeliver ng notes sa isang tao. 

Binigyan niya lang ako ng papel na may nakasulat na address atsaka hinawak-hawakan ang kamay ko  at nakiusap at nagmakaawa na sundin ko siya.

Of course, di lang ako basta-basta pumayag. Ginamit ko ang Ben Franklin Effect.

"Sige Ma'am, dadalhin  ko 'to sa isang kondisyon!" sabi ko sa teacher ko na nakahawak sa kamay ko. 

"Anything! Please gawin mo lang yun."

"Bilhan mo ko ng bagong reference book. Natapos ko na kasi yung isa kong libro sa science. :D" nakangiti na kaagad ako dahil alam ko namang papayag siya.

"Oo! Sige! Bibilihan kita! Basta pakidala lang yan sa kanya... Ay teka! May isusulat pa pala ako." kinuha ni Ma'am Aldrea ang papel na binigay niya sakin at pagkatapos ay nagsulat siya ng isang pangalan na Kevin Forsburg gamit ang Faber-Castell na ballpen. LV5 Black.

"Ayan. Ibigay mo lang yan sa kahit na sinong taong makikita mo sa cash registrar. May clue ka na, tindahan ang mapupuntahan mo." 

 Ang kulit talaga ngumiti ni Ma'am. Nakakahawa. 


"Tapos na kasi ang pagkakasuspend kay Kevin. Kaya lang, ayaw na niya pumasok. :(" 

"Ganun pala. Pero sigurado ka po ba Ma'am na safe akong pumunta dun?" tanong ko sa kanya dahil medyo nagaalala din ako sa kaligtasan ko.

"Aba oo naman!" ngumiti siya ulit sakin na parang batang binigyan mo ng ice cream. 

 Pagkatapos ng pagdedeal namin, nagsimula na akong bumiyahe sa address na yun.

September 25, 20XX
4:34 pm
Thursday
Weather: Fair

Hmm... tindahan... Ayun! Nagiisa lang pala ang tindahan dito XD

Pumasok na ako sa loob at dumiretso sa cash registrar. Tumingin lalaking nasa kahera sakin nung papalapit palang ako sa kanya. Nagsusulat kasi siya ng kung anuman sa desk at napahinto ata siya ng pagkapasok ko.

Nung malapit na malapit na ako sa kanya, sumama ang itsura niya at sinabing,

"Bawal makigamit ng C.R. dito." napakaseryoso ng pagmumukha ng lalaking to. 

Porke ba lalapit sa cash registrar pagkapasok ng shop makikiC.R. na agad?!

Napakamot ako. "Ah hindi po ako makikigamit ng C.R. Napagutusan lang po ako ng teacher ko na dalhin 'to sa isang tao." pinilit ko pa rin ang sarili kong maging magalang dahil dayo lang naman ako sa lugar nila.

Pagkatapos kong sabihin yun ay inabot ko sa kanya ang mga notes na binalot pa ni Ma'am Aldrea ng manila paper at may letter itong nakadikit sa harap. 

Nakakunot ang noo niya at patuloy na nag-iisip.

Lumipas ang ilang segundo at nagpaalam na ko. "Yun lang naman po ang pakay ko dito. Pakibigay na lang po yan sa kanya."

1 million a month and a love story  웃❤유 [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt