Natigilan ako sandali at doon ko narealize yung mga sinabi ko kanina. Bigla akong napa-face palm sa isipan ko. Ayy grabe! Hindi ko man lang narealize yun?! Grabe, Gail matulog ka na! Iba pala mag-isip ang mga ‘to! Kainis!

“Adik! Hindi yun ang ibig kong sabihin!” sigaw ko at napatigil naman sila. “Ang malisyoso niyo!” singhal ko sa kanila. Bumuntong hininga na lang ako. “Bakit niyo ba kasi ako hinatak?” tanong ko sa kanila at bigla na namang kumislap ang mga mata nila. Yung totoo? Ano na namang meron?

“Ahhh, ganito kasi yan Gail…” sabi ni Asha habang pilit na ngumiti sa akin. “May party kasi kami para sa official opening ng fans club niyo ni Jared, you know… ang dami na kasing sumali… at gusto sana naming nandun ka… kayo sana ni Jared. At hindi kami papayag na hindi kayo pupunta!” biglang nalaglag yung panga ko sa sinabi niya.

Teka? Parang halos isang buwan mula nung malaman nilang may relasyon kami ni Jared tapos biglang may ganito na? Ano ba yan? Parang celebrity lang yung dating? Si Jared naman kasi eh!

“Huwag niyo nga akong dinadamay sa ganyan, ikaw Asha ah! Ikaw may pasimuno nito no?” halos kainin ko na siya ng buhay dahil sa nararamdaman ko ngayon. Baliw talaga ‘tong isang ‘to! Buti pa si Darryl, chill lang.

“Uyy, hindi ah! Vice president lang ako ng fans club niyo, si President talaga yung nagplano ng party, sagot nga daw niya eh! Tas siempre sumama na rin ako. Kaya sige na please? Punta ka na, sayang naman ‘to. Maagang blow-out na rin namin sa’yo ‘to! Birthday mo na kaya sa linggo, maagang debut celebration mo ‘to” sabi niya with her pleading look. Shems. Sabi na nga ba’t gagamitin niya ‘to, mahina pa naman ako sa ganito.

“Sige na Gail, punta ka na please???” rinig kong sabi nung iba. I sighed exasperatedly at nalagay ko yung dalawang kamay ko sa magkabilang pisngi habang tinitignan yung mga nagmamakaawang mukha nila. Lord, paano ko po matatanggihan ang mga mukhang ito?  

“Please Gail?” pagmamakaawa pa nila. Grabe na ‘to. “Suportahan niyo rin yung fans club niyo! Tsaka sayang effort namin kung hindi ka naman pupunta” nangongonsenyang sabi nila. I looked at them and I hate their faces, joke! In the end, I sighed and nodded.

“Oo na” pagsuko ko sa kanila at nagsimula na naman silang magsaya. Ang weird talaga minsan ng mga ‘to/ Pero in the end, masaya ako kasi suportado nila kami, yung iba kasi binubully kapag ganito kaya nagmumukhang kawawa lagi si girl at alam mo na typical drama. Pero sa akin kakasimula pa lang may fans club agad?

“Tara na guys!” sigaw ni Asha at hinawakan ako sa balikat at nagsimulang maglakad kaya napasunod na lang ako at umiling. Kasunod naman namin yung iba.

***

Nagulat na lang ako ng mapadpad kami sa isang bar na malapit lang halos sa University, naalala ko ‘tong bar na ‘to, dito ko unang nakita si Jared… dito… shems! Bumabalik sa isipan ko yung nangyari dati, at ang pagkakaalala ko si Ethan ang may-ari nito. Hala? Baka mamaya may magsumbong na naman kina Mama nito at malagot na naman ako.

Pero bigla akong natigilan nung marealize ko na iba yung set-up ng bar, maraming bulaklak sa paligid. At parang ang romantic ng ambiance ng lugar. Bigla tuloy akong nakaramdam ng matinding hiya sa ginawa nila.

“Ayyy, wala pa si President?” sabi ni Sabina, isa din daw siya sa mga officers ng fans club.

“Nagtext siya sa akin, parating na daw sila” sabi naman nung isa. Hindi ako makapaniwalang tinignan sila at nagkumpul-kumpol na naman sila at may mga binulong sa isa’t isa. Napailing na lang ako at nagpasyang gumala sa lugar.

Beauty and the BeastWhere stories live. Discover now