"Yes." Sagot niya. Napatayo naman si Lance para yakapin siya. Napapalakpak ang mga nakapaligid sa kanila.

"Are you sure?" Bulong ni Lance sa tenga niya. Nagdulot ng milyon-milyong boltahe ng kuryente sa kanyang katawan ang mainit na hininga ng binata sa kanyang leeg.

Kung hindi kang nakaakap sa kanya ang binata ay paniguradong nalugmok siya sa lupa sa panlalambot ng kanyang mga tuhod. Lance has a way of making her feel this way. Kahit na hindi pa ito gumawa ng kahit na anong galaw.

"Yes, I am sure." Pabulong din niyang sagot. Bahagya siyang itinulak ni Lance para magkaharap silang dalawa.

Malapad at makahulugang ngiti ng binata ang sumalubong sa kanya na nagbigay ng ibayong kaba at pagkalito. Titig na titig sa kanya si Lance na parang ito na ang huling pagkakataong gagawin yun ng binata kaya napalingon siya sa paligid. Tsaka niya pa lang nakita na nakaupo na ang pamilya ni Lance sa kanang hilera ng mga upuan at sa kaliwa naman ang pamilya niya. Sinulyapan niya ito nang may pagkalito.

"Ano ang ibig sabihin nito, Lance?" Tanong niya. May ediya na siya sa maaaring mangyari pero hindi siya sigurado.

"Remember when you told me that you are ready to get married, anytime, anywhere?" Tumango siya. "Well, here it is." Dugtong nito.

"Ngayon na?" Saad niyang wala sa loob. Inilibot niya ang tingin sa palid, mabilis niyang nakita ang buong senaryo sa kanyang utak, ang dekorasyong mga bulaklak, ang color motif, ang damit ng mga abay, ang gown niya... lahat ng ito ay bahagi ng kanyang dream wedding, pati ang lugar. Napaluha siya. Hindi niya akalaing mangyayari ito.

"Surprise?" Tanong ni Lance nang masiguro niyang na-realize na ni Majz kung ano talaga ang nangyayari. Malapad ang ngiti nitong naiiyak na tumango. Maagap niyang niyapos ang fiancé ng ubod higpit.

"I love you." Malambing na saad ni Majz.

"I love you more." Saad naman ni Lance at siniil niya ng isang maalab na halik si Majz at tinanggap naman niya yun kaagad ng buong puso.

"Huy! Hindi pa sinasabi ni Father na "you may kiss the bride" nakatuka ka na!" Sigaw ni Cookie. Para pa silang nahiyang dalawa kaya nilingon ito at nginitian.

Hinanap ng mga mata niya si Makai. Nakita niyang nasa likuran na ito ni Celso at Ray, umiiyak. Para namang nilamutak ang puso niya. Lahat ng mga pinagsamahan nilang dalawa simula pa ng mga bata sila kasama ang pamilya nila, ang piknik sa tuwing pagtatanim at anihan sa bukirin na ito, ang trahedya at lungkot ng pagpanaw ng kanilang mga ina at saya sa bayang ito ay isa-isang dumaloy sa isipan niya.

Mabilis niyang iniwan si Lance sa altar, bitbit ang laylayan ng gown niya at nilapitan si Makai. Nagyakap silang magpinsan at umiyak.

"I'm sorry, Kai." Saad niya sa pagitan ng luha, hikbi at singhot.

"I'm sorry din, Majz." Puno ng luha ang magpinsan ganun din ang pamilya nila.

"Oy tama na yan." Saway ni Lupita. "Lusaw na ang makeup ni Majestic, McNight." Dugtong pa nito. Nagtawanan silang magpinsan kahit na hilam pa rin silang pareho sa luha.

"Nak, ayusin mo na ang sarili mo. Ituloy na natin ito." Sambit ni Sepring. Nakalapit na pala ito sa kanilang dalawa ay pareho silang inakbayan.

"Mabuti na lang waterproof yang makeup mo." Puna ni Bebeng na lumapit na rin kasama ang kapatid.

"Salamat kay Lupita at naisip niyang puro waterproof makeup ang gamitin sa ating lahat." Natatawang sabat ni Doray habang tinapik-tapik ang balikat ni Lupita.

"Macaria, Bunso. Mag-ayos na kayo. Ituloy na natin ito." Singit ni Manuel. Nagyakapan sila. Parang katulad lang noong mga bata pa sila, si Sepring, Bebeng, Doray at Manuel, kasama silang dalawa ni Makai. Silang anim laban sa mundo.

Lights! Camera! I've Fallen...Where stories live. Discover now