Chapter 25

268 14 4
                                    


--🌸--

BAEKHYUN

Nagising ako nang biglang nag-ring ang cellphone ko. Kinusot ko ang mata ko bago sagutin ang tawag.

"Hello?" Tanong ko habang inaayos ang buhok ko. Halata pa rin sa boses ko na inaantok ako.

"Mr. Byun? Pumunta ka sa office ko. Ngayon na." Sagot ng kabilang linya. Sa boses pa lang, alam kong si Mr. Park yon. Tiningnan ko ang wall clock at doon kumunot ang noo ko.

"Seriously? 5am? Aish, Ang aga-aga pa eh! Hay nako naman si Mr. Park" I mumbled while shooking my head many times. Alam kong hindi narinig ni Mr. Park yon.

Hindi ko pa nga pinipindot and end call button, bigla nalang namatay yung cellphone ko. Binitawan ko nalang ang cellphone ko atasaka naglakad papuntang banyo.

Pagkapasok ko, Hinubad ko na ang damit ko.
Ngunit bigla akong napatigil nang mapaisip.

'bakit niya ako tatawagan ng ganitong kaaga? May i-uutos nanaman ba siya? 5am palang naman kasi eh...'

Napailing na lang ako atsaka binuksan ang shower, sinabon ko ang katawan ko bago mag-shampoo.

'Noong isang araw, bigla nalang siyang nagalit tapos pinag-day-off ako. Tapos ngayon naman gusto niya akong makita ng ganitong kaaga. Ano ba talaga ang nasa utak ng lalaking iyon?'

ILANG minuto ang nakalipas, lumabas na ako ng banyo atsaka nagbihis. Inayos ko ang necktie ko pati na rin ang buhok ko. Nakasuot ako ng black suit.

Huminga muna ako nang malalim bago lumabas ng kwarto, syenpre sinilip ko muna si Jongin. Tulog pa rin siya hanggang ngayon.

Ang alam ko pinag day-off siya. Sana all. Nakakapagod din kasing maging secretary ng lalaking yun. Aba, kung hindi ko lang mahal yon aalis na ako sa trabaho eh. Char lang.

Sinara ko ang pinto ng kwarto niya nang dahan-dahan atsaka lumabas nang bahay.
Tumawag ako ng taxi, hindi naman ako nabigo dahil may taxi sa ganitong oras.

Sumakay ako sa passenger seat. Huminga muna ako ng malalim bago isinara ang car door.

"Manong, Sa Park Company po. Thank you" Ngumiti ako at tiningnan ang cellphone ko. Saktong napatingin ako sa date nito.

January 13, 2021 na pala. Bukas na ang birthday ng itim na koreano. De char lang.

Nang huminto ang sasakyan sa tapat ng Park Company, nagbayad ako atsaka lumabas. Tiningnan ko ang wrist watch ko atsaka tumango. '5:20 na pala...'

Pumasok ako sa loob, wala pang katao-tao. Napakibit-balikat nalang ako atsaka nagtungo sa opisina ni Mr. Park.

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa loob ng office niya.

"Good morning, Mr. Park" Walang gana kong bati sa kaniya.

As I expected, He was sitting on the couch while crossing his arms over to his chest. Naka-de-kwatro pa.

"Mag-usap tayo ng masinsinan. Byun Baekhyun" He grinned and stand up.

His serious aura makes me feel uncomfortable and nervous. I gulped and walk backwards slowly. Si Chanyeol naman ay papalaput ng papalapit sa akin.

Hindi ko namalayan na tumama na pala ang likod ko sa pader kaya tumigil ako kakalakad.
Napalunok ako atsaka tumingin sa kaniya.

Mas nagulat ako when he suddenly pin me to the wall with his arms. "A-anong...Ginagawa m-mo M-mr. P-park..?" Nauutal kong tanong habang nakatingin sa mukha niya.

He raised his left eyebrow. "Ano ba sa tingin mo? Obviously, I was pinning you to the wall. Any problem?" Casual na tanong niya.

Napatigil ako nang bigla niyang inilapit sa akin ang mukha niya. Sobrang lapit, kulang nalang halikan niya na ako. Biglaan din ang pag tibok ng puso ko. Sobrang bilis nito na animo'y nakikipag karerahan.

"Kaano-ano mo ang lalaking iyon huh?" Tanong niya habang tinitingnan ako ng seryoso. Nakataas pa rin ang kilay niya.

"S-sino? S-si Minseok? EX-BOYFRIEND ko. Happy?" Sambit ko habang nakatitig pa rin sa mukha niya.

Mas lalo niya pang inilapit sa akin ang mukga niya. Halos maduling na nga ako sa sobrang lapit.

"Well, Ayokong lalapit ka sa kaniya. Nagseselos ako." Sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.

"N-nagseselos ka? Bakit?" Kunot-noong tanong ko sa kaniya. Ayoko naman na mag expect ako na mahal niya ako diba? Masakit yun.

He just rolled his eyes and then looked at my face again. "May utak ka ba talaga?" Huminga siya nang malalim at ngumisi. "MAHAL KITA BYUN BAEKHYUN!" Sigaw niya na ikinagulat ko.

Mahal? Tama ba ang narinig ko? Mahal niya ako? Teka, panaginip ba to? Kung oo, paki sampal ako ng napakalakas. Yung siguradong mahigising ako.

"P-pardon?" Nauutal kong tanong.

"BYUN BAEKHYUN MAHAL KITA!! MAHAL NA MAHAL KITA!!" Sumigaw ulit siya.

Bigla akong napatigil at namula. Hindi ko pa rin talaga alam kung anong nangyayari. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

"M-mr. Park, S-seryoso ka b—" Naputol ang sasabihin ko nang bigla niya akong hinalikan sa labi. Mabilis lamang ito. Parang 2 seconds lang ang itinagal.

Nagulat ako sa ginawa niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hinalikan niya ako sa noo atsaka ngumiti na parang anghel.

'Haluuhhh? Totoo ba talaga toh? Baka naman talagang panaginip lang?' 

Agad naman siyang lumayo atsaka huminga nang malalim. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. 

"Baekhyun mahal kita, Alam kong hindi mo ko mahal pe—" naputol ang sasabihin niya nang bigla ko siyang niyakap.

"Mahal din kita. Park Chanyeol" Kumalas ako sa pagkakayakap at ngumiti.

Nakita ko naman na namula siya ng kaunti atsaka niyakap muli ako at hinalikan ako sa noo.

Niyakap ko siya pabalik nang may ngiti sa aking labi.

'Ang akala ko...Hindi niya ako mahal. Ngunit kung tutuusin, mali ang akala ko. Natakot ako na baka kapag umamin ako na mahal ko siya ay balewalain niya lang ako at iwasan. Ang laki ng pasasalamat ko sa iyo. Park Chanyeol. Ipinapangako kong mamahalin kita ng buong-buo at hanggang sa dulo ng buhay mo. Mahal na mahal kita...Park Chanyeol '

My Boss is Inlove with Me [ChanBaek] (Tagalog) ||On-hold||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon