Chapter 19

578 20 1
                                    

--🌸--

Habang nagdadrive si Yixing papunta sa lugar na sinabi ng kumidnap kay Kyungsoo, hindi siya mapakali dahil baka kung ano na ang ginawa nila kay Kyungsoo.

Lalo na si Chanyeol. Kanina pa siya hindi mapakali. 'Kahit Loko ka at Pilosopo ka Do Kyungsoo, Kaibigan pa rin kita at mahalaga ka sa akin. Hinding hindi ko hahayaang mawala ka sa akin'

Nakasunod sa kanila ang mga pulis, ayaw kasi ng mga pulis ang hindi sila samahan dahil baka daw mapahamak sila Chanyeol.
Kaya wala silang nagawa kung hindi pumayag.

"Hyung malapit na ba tayo??" Tanong ni Chanyeol kay Yixing.

"Oo, Kaunting tiis nalang Yeol." Sagot ni Yixing.

Huminga ng malalim si Chanyeol at tumingin sa bintana ng Kotse.

-

Nang makarating na sila sa kinaroroonan ni Kyungsoo. Bumaba na ang lahat sa kotse at ang mga pulis naman ay I-pinark ang kotse sa ibang lugar.

Tinawagan uli ni Junmyeon ang unknown number.

"Hello? Nandito na kami sa lugar na sinabi mo"

Napahalakhak ang kabilang linya. "Magaling. Ngayon, pumunta kayo sa may basement. Lumingon ka lang sa kaliwa mo at iyon na ang basement"

Lumingon si Junmyeon sa kaliwa at itinuro kung nasaan ang basement. Agad na pinatay ni Junmyeon ang cellphone niya. At agad na tumakbo papunta sa basement.

Sinundan naman siya nila Yixing at Chanyeol.

"Ito na siguro ang basement" Bulong ni Junmyeon at sinipa ang pinto ng napakalakas.

Pumasok sila sa loob at binuksan ang ilaw. Dito na sila nagulat sa nakita nila. Nakita nila si Kyungsoo na puro pasa at putok ang labi nito.

Agad agad na lumapit sina Junmyeon at niyakap si Kyungsoo.

"Kyunggie! Sa wakas natagpuan ka nanamin!" Naiiyak na sabi ni Junmyeon.

Unti-unting iminulat ni Kyungsoo ang kaniyang mga mata at tumingin kina Chanyeol. "J-junmyeon..." mahinang sabi ni Kyungsoo.

"Nandito na kami...ililigtas ka namin.." Sabi ni Chanyeol.

Ngunit napatigil sila dahil sa sunod sunod na pagputok ng baril mula sa labas. Agad na napatayo si Yixing.

"Pakawalan niyo na si Kyungsoo at umalis na kayo dito" Sabi ni Yixing at lumabas.

Agad naman nilang tinanggal ang tali sa kamay at paa ni Kyungsoo at inalalayan nila ito. Pagkalabas nila, nakita nila ang dalawang pamilyar na lalaki na nakaluhod at nakaposas. May tama din ito ng baril sa braso.

Lumapit silang dalawa at nanlaki sa kanilang nakita.

"Z-zitao..? K-kris...?" Nauutal na sabi ni Chanyeol. Tumingin naman ang dalawa kay Chanyeol.

"Kamusta Chanyeol? Long time no see" Nakangising sabi ni Kris ngunit si Zitao ay umiwas ng tingin. Napansin din ni Chanyeol na may tama ito sa kanang bahagi ng kaniyang braso.

"Walang hiya ka.." Susugudin na sana ni Yixing ang dalawa ng harangan siya ng pulis.

"Kami na ho ang bahala sa kanila" Itinayo ng mga pulis sina Kris at isinakay sa kotse.

Hindi makapaniwala si Chanyeol sa nangyayari, biglaan nalang na tumulo ang luha niya. 'Paano mo to nagawa Zitao? Akala ko ba okay na tayo..?'

_

Nakatulog si Jongin sa sofa habang nakanganga at tumutulo ang laway. Habang si Baekhyun naman pinagtatawanan siya at kinuhanan ng litrato.

Pero napatigil siya ng biglang nag ring ang cellphone niya. "Hala? Tumatawag si Mr. Park" Sinagot niya ang tawag.

"Hello po sir?"

((Pumunta kayo ni Jongin sa **** hospital))

"Anong room number po?"

((Room 320))

"Sige po sir" Binaba na ni Baekhyun ang cellphone niya. Lumingon naman siya kay Jongin na hanggang ngayon ay nakakanganga pa rin.

"HOY KIM JONGIN!! GUMISING KA DIYAN AT MAY PUPUNTAHAN TAYO!!" Sigaw ni Baekhyun at agad namang napatayo si Jongin at pinunasan ang laway.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Jongin.

"Sumunod ka nalang sa akin" Sabi ni Baekhyun at lumabas. Sumunod naman si Jongin. 'Saan kaya kami pupunta ni Baekkie?'

My Boss is Inlove with Me [ChanBaek] (Tagalog) ||On-hold||Where stories live. Discover now