Chapter 7

814 24 1
                                    

--🌸--

Kumakain sina Sehun at Baekhyun ng ice cream sa isang bench. Feeling ni Baekhyun nagdadate silang dalawa ni Sehun.

"Uh...Mr. Oh? May--" Naputol ang sasabihin ni Baekhyun ng biglang tumingin si Sehun sa kaniya habang nakangiti.

"Sehun. Tawagin mo nalang akong Sehun tutal mas matanda ka pa sa akin."

"Ah...Sige Mr. Oh--Sehun" Nakangiting sabi ni Baekhyun.

"So..May gagawin ka pa ba after this..?" Tanong ni Sehun.

"Ah..Ewan ko lang, Kasi wala namang sinasabi si Mr. Park sa akin eh" Sabi ni Baekhyun habang naka pout.

Napatango nalang si Sehun. Naubos na ni Sehun ang Ice Cream niya, magsasalita na sana si Sehun ng biglang nag vibrate ang phone niya.

"Sandali lang ha?" Sinagot ni Sehun ang tawag.

"Hello? Sino po sila?"

[Oh...Sehun..? Tama ba? Pumunta ka dito sa office ko.]

"P-po? Sino po ba kayo?"

[Ako si Tao. Huang Zitao]

Napabuntong hininga nalang si Sehun. Alam kasi ni Sehun na mag kaaway sina Chanyeol at Zitao.

"Ano nanamang kailangan mo?"

[Pwede bang pumunta ka nalang?]

"K. Pupunta na ako"

Binaba na ni Sehun ang phone niya at tumingin ulit kay Baekhyun na kakaubos palang ng Ice cream.

"Kailangan na nating umalis." Walang emosiyong sabi ni Sehun at hinila si Baekhyun papunta sa Kotse niya.

'Bakit kaya siya nawalan ng emosiyon?'
"Uhm..Sehun? May problema ba?" Tanong ni Baekhyun habang nakatingin pa rin kay Sehun.

"Wala." Pumasok na silang dalawa sa loob ng kotse at pinaandar na ni Sehun ang kotse niya.

"Sigurado ka ba?" Nag aalalang tanong ni Baekhyun. Tiningnan ni Sehun si Baekhyun at  tumango bago magsimulang magdrive.

--🌸--

"Anong kailangan mo?" Tanong ni Sehun kay Zitao na nakupo at umiinom ng wine. Tumingin sa kaniya si Zitao at ngumisi.

"I see. Kaibigan ka nga pala ni Chanyeol, papabigay ko lang naman sana itong wine kay Chanyeol."

Umirap si Sehun. "Pwede bang ikaw nalang? Kasi may paa ka naman at mga kamay eh"

"Magkagalit nga kami hindi ba? Ayaw niya kong makita." Sabi ni Zitao habang sinesenyasan niya si Sehun sa ibigay ito kay Chanyeol.

"Fine." Padabog na kinuha ni Sehun ang baso na may laman na wine at lumabas.

Napangisi si Zitao. 'Pihadong mahihirapan ka  Chanyeol hanggang sa mamatay ka'.

--🌸--

"Ano yan?" Tanong ni Chanyeol na nakataas ang kilay.

"Sa malamang Wine" Sabi ni Kyungsoo ng walang emosiyon.

"Pwede bang wag kang makisabat? Baka mabawasan ko pa sweldo mo eh" Umirap si Chanyeol. "Si Tao nanaman ba ang nagpabigay? Well, sorry hindi ko iinumin yan baka kasi may lason pa eh"

"Bahala ka iiwan ko yan sa Table mo hyung, sige aalis na ako" Nilapag ni Sehun ang wine at umalis.

"Aish!" Pasigaw na sabi ni Chanyeol.

"No choice ka, Inumin mo yan" Sabi ni Junmyeon habang nakaakbay kay Kyungsoo.

"Fine" Ininom ni Chanyeol ang wine at nilapag ang baso sa table niya.

"Oh? May nangyari ba?" Tanong ni Junmyeon.

"Wala nama---" biglang napahawak si Chanyeol sa tiyan niya dahil sa biglaang pagsakit nito. Medyo nahihirapan din siyang huminga.

"Argh!!" Napasigaw sa sakit si Chanyeol at nabagsak siya sa sahig.

Napatakbo naman sina Junmyeon at Kyungsoo kay Chanyeol.

"Chanyeol! Anong nangyayari?!" Nag aalalang tanong ni Junmyeon.

"Tatawag na ako ng abulansya" Kinuha ni Kyungsoo ang phone niya at tumawag ng abulansya. Naramdaman ni Chanyeol na nasusuka siya kaya pumunta siya sa banyo ng office niya at sumuka sa lababo.

Sinundan naman siya ni Junmyeon. Hinimas himas ni Junmyeon ang likod ni Chanyeol.

"Chanyeol! Ano bang nangyayari sayo?!"

"Y-yung w-wine--" Hindi na natuloy ang sasabihin ni Chanyeol at tuluyan na siyang nawalan ng malay.

"Chanyeol!!" Niyugyog ni Junmyeon si Chanyeol.

"Do Kyungsoo!! Nandyan na ba ang abulansya?!"

"Oo!" Sigaw ni Kyungsoo at pumasok ang mga ilang nurse para ibigay si Chanyeol sa stretcher at isinakay sa abulansya.

Napahawak sa noo si Junmyeon at napahinga ng malalim. 'Huang Zitao..Anong ginawa mo sa kaniya?'

My Boss is Inlove with Me [ChanBaek] (Tagalog) ||On-hold||Where stories live. Discover now