Chapter 22

305 13 1
                                    


--🌸--

Chanyeol's POV

Naglalakad kami ngayon sa isang Horror Booth. Lumapit si Baekhyun sa Cashier at agad ko naman siya sinundan.

"Mr. Park, Gusto ko sanang subukan tong Horror Booth." Sabi ni Baekhyun at nag-pout.

I chuckled. "Sige I-try natin". Sa totoo lang magugulatin ako at hindi ako sanay sa ganitong mga Horror Booth. Sanay kaya siya?

Bigla nalang akong nalungkot nang maalala ko si Zitao....Naalala ko yung mga panahon na mag-Bestfriend pa kami....Dinala ko siya noon sa isang Haunted House...at natawa ako kasi. Naiyak siya dahil sa takot. Hindi ako makapaniwala na maiiyak siya sa isang Haunted House.

"Mr. Park, okay ka lang?"

Napatinag ako nang tanungin ako ni Baekhyun at tumango.

"Naku, Baka iniisip niyan ang future niyong dalawa" Narinig kong sabi ng Babae na nasa Cashier. Bigla namang namula si Baekhyun. Eh ano pa ako? Pulang-pula ako dahil sa hiya at kilig.

'Kalma Chanyeol,Kalma...Wag kang magpapahalata'

Narinig ko namang tumawa ang Babae na nasa Cashier. "Biro lang naman yun. Wag masyadong kiligin HAHAHA"

'Aish...Seriously? Sino ba naman ang hindi kikiligin don?'

"Sige...First time lang to ha? Ako na ang magbabayad para sa inyong dalawa. Kasi ikakasal pa kayo baka maubusan kayo ng pera. Libre ko na. Enjoy niyo na yung date niyo" Sabi ng Babae Habang nakangiti.

"P-po? N-nakakahiya naman po" Sabi ni Baekhyun. Halatang nahihiya siya dahil sa sinabi ng Babae.

Napailing naman ang babae. "Sige na. Pumasok na kayo. Enjoy your date" Sabay Kindat.

Namula naman si Baekhyun at napatango. Teka nga, Talaga bang hindi siya naging affected sa sinabi ng Babae? Nagustuhan niya naman siguro yun.

Sinundan ko si Baekhyun. Pagpasok namin sa  loob, sobrang dilim at may mga naririnig akong sigawan. Eto ang ayoko sa lahat eh. Magugulatin ako kaya ayoko ng ganito.

Napakapit naman sa akin si Baekhyun na siyang ikinagulat ko. Patuloy parin kami sa paglalakad ng biglang may manggulat sa amin. Isang Babaeng Mahaba ang buhok at ang make up niya ay punong puno ng mga dugo.

Napasigaw si Baekhyun at Napayakap sa akin. 'Napasobra naman yata si Baekhyun'

Bigla akong napasigaw nang may humawak sa paa ko na isang duguang kamay. "Aish!"

Napatakbo kami ni Baekhyun, Nakayakap pa rin siya sa akin at takot na takot. 'Ang cute talaga ng Baekhyun na to eh'

Makalipas ang ilang minuto, Nakalabas agad kami sa Horror Booth. Pawis na Pawis si Baekhyun at Hingal na Hingal.

"Kaya mo pa ba Mr. Byun?" Natatawa kong tanong.

Hindi siya nakasagot agad dahil hingal na hingal siya. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at pinunasan ang pawis niya. Napatingin siya sa akin...Habang pinupunasan ko siya, ang bilis ng tibok ng puso ko na para bang sasabog.

Nagkatinginan kami sa mata na ikinatigil ko sa pagpupunas ng pawis niya.

'Baekhyun wag mo akong tingnan ng ganyan. Lalo akong na-I-inlove sayo'

Baekhyun's POV

Bakit ganon? Bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko? 'Mr. Park...bakit ganito ang pinapakita mong ugali? Bakit parang naninibago ako...at ito la ang dahilan kung bakit parang nahuhulog na ang loob ko sayo?'

Biglang napaiwas ng tingin si Chanyeol at ibinigay sa akin ang panyo niya. "Sayo na yan. Punasan mo ng maigi ang pawis mo"

Napatango nalang ako at ngumiti. "S-salamat Mr. Park"

Tumayo na kaming dalawa at bumili ng tubig. "Kailangan na nating umuwi. Hindi natin napansin ang oras. Mag-ga-gabi na. Marami pa akong kailangang gawin" Sabi niya.

Tumango nalang ako at ngumiti. Naiintindihan ko naman siya. Mahirap din kasi kapag ikaw ang CEO. Maraming mga Paperworks at kung ano-ano pa.

***

Hinatid ako ni Mr. Park sa bahay. Bumaba na ako sa kotse at pinasalamatan si Mr. Park.
Nag-enjoy talaga ako noong araw na ito. Pumasok ako sa loob ngunit napatigil ako ng makita ko si Jongin sa sofa na naka-crossed arms habang nakataas ang kilay.

"At saan ka naman galing Mr. Byun Baekhyun?" Taas-kilay na tanong ni Jongin. Natawa ako. Kahit kailan talaga parang boss ko tong si Jongin.

"Kasama ko lang si Mr. Park..."

Ngumiti nang nakakaloko si Jongin. "Wag mong sabihin na nag-date kayo ni Chanyeol" Nakangisi na sabi ni Jongin.

Namula naman ako at binato ng unan si Jongin. "Y-yah!! Kim Jongin Manahimik ka nga!! Hindi kami nag-date okay?? Kaya wag kang ma-issue!"

Tawang-tawa naman si Jongin. "Oo na. Hindi kayo nag-date. Bakit naman parang OA ka? Siguro totoo noh?"

Inirapan ko siya at saka ngumisi. "And don't tell me na may gusto ka kay DO KYUNGSOO?"
ngumiti ako ng sarcastic.

Namula naman si Jongin na siyang ikinatawa ko. "HOY BYUN BAEKHYUN TUMIGIL-TIGIL KA HA!! KAILANMAN HINDI KO SIYA GUSTO!!"

Oh diba? Kung sino yung nang-asar siya pa yung nainis. Hay nako Kim Jongin.

"Oo na. Kaya wag kang OA. Pero ang tanong..Gusto ka ba?" Sabi ko saka tumawa.

Pulang-pula na si Jongin saka binato ako ng unan. Syempre di papatalo ang kagaya ko. Binato ko din siya ng unan. At doon na nag tuloy tuloy ang batuhan namin ng unan.

'Mr. Park. Salamat sa araw na ito. Pinasaya mo ko ng sobra-sobra. Aaminin ko na..na gusto kita.....pero ayokong sabihin. Nahihiya ako dahil baka hindi mo naman ako gusto. Sayang naman kung umasa ako sa wala diba? Pero isa lang ang gusto ko. Ang makasama ka habang buhay ngunit sana ay posibleng mangyari yon. Pero...hindi ako aasa. Kasi alam ko naman na hindi mo ako gusto. Mahal kita Park Chanyeol'


My Boss is Inlove with Me [ChanBaek] (Tagalog) ||On-hold||Where stories live. Discover now