Chapter 27

63 8 0
                                    

THIRD PERSON OF POV

At that moment, wala nang nagawa pa si Baekhyun kundi ang bumalik sa office ni Chanyeol, nakaramdam siya ng lungkot at guilt. Hindi niya naman alam na may nararamdaman si Sehun para sa kaniya, diba? O baka sadyang manhid lang siya?. Saktong pagkabalik niya, nakita niya si Chanyeol na nakaupo lang sa Swivel Chair niya at walang ginagawa.

Sinara niya ang pinto at lumapit sa kaniyang kasintahan. "Babe...?" Mahinahon at malungkot na wika ni Baekhyun, tumingin lang sa kaniya si Chanyeol at napabuntong hininga.

"Alam ko, Pasensya ka na sa kilos ni Sehun kanina, He really acts like that kapag nagagalit o nagtatampo siya," Bahagyang napangiti naman si Baekhyun sa mga sinabi ni Chanyeol.  "So if ever na may nasabi man siyang masakit sayo, sana maintindihan mo. Lahat naman tayo nakakaranas ng ganito, hindi ba?"

Napatango naman si Baekhyun atsaka lunapit sa kaniyang boyfriend. Umupo siya sa lap nito at niyakap ang kasinatahan. "Thank you Mr. Park.. sobrang nagui-guilty kasi ako, pakiramdam ko lubos lubos kong nasaktan si Mr. Oh.." Sabi ni Baekhyun na sa mga oras na iyon ay naluluha na.

Tinitigan naman siya ni Chanyeol at niyakap pabalik, napansin niya na naluluha na ito. Napailing nalang si Chanyeol at saka pinitik ang forehead ni Baekhyun. "Dumbáss, wag kang umiyak, I don't want to see my baby cry."

Baekhyun laughs and wipe his tears away, bahagyang namula din ang pisngi nito dahil sa sinabi ni Chanyeol, bagama't may halong insulto, kinilig naman siya. "Lakas talaga ng tama mo eh no?" Baekhyun laughs again and nuzzles into Chanyeol's neck.

"Oo, malakas ang tama ko sayo" Sabi ni Chanyeol, dahilan upang mas lalong matawa pa si Baekhyun, "May tinatago ka din palang ka-cornihan eh noh?" Baekhyun said while Chanyeol just rolled his eyes and pouts.

"Minsan na nga lang babanat, ayaw mo pang suportahan" Napailing nalang si Chanyeol at hinalikan nito ang ulo ni Baekhyun. "Sorry na baby ko~" Pang-aasar na sagot naman ni Baekhyun.

Dahil sa sweet times ng dalawa, hindi nila namalayan na binuksan na pala ni Jongin yung pinto, gulat na gulat siya dahil sa nasaksihan niya. "Oh god, What kind of miracle is this?" Sabi nito na dahilan upang ikagulat ng dalawa.

Agad na umalis sa pagkakaupo si Baekhyun, napaubo naman si Chanyeol at umupo sa swivel chair. "Mr. Byun, please continue your work, thank you." Baekhyun turn his head to Chanyeol at saka tumango bago lumabas ng room.

Sobrang hiyang-hiya siya dahil may nakakita sa kanila, ang mas malala, yung best friend niya pang si Jongin, agad siyang pumasok sa office niya at umupo sa swivel chair niya. "Ano ba yan, bakit pa kasi bigla biglang pumapasok yung kaibigan kong iyon eh".

"Baek!! Hoyy Baekla!" Bumukas ang pinto ng office niya at iniluwa nito si Jongin. "Kakasabi ko palang eh.." bulong nito sa sarili habang si Jongin naman ay lumapit sa kaniya. "Huy! Chika mo naman sa akin, kailan pa naging kayo??" Pagtatakang tanong ni Jongin.

"Alam mo, napaka-chismoso mo talagang lalaki ka, naging kami pa lang.. as in ngayon palang." Sagot naman ni Baekhyun na ikinagulat ni Jongin. "Grabe, anong pinakin mo don?? Hindi naman ganon yun ah?" Tanong ulit ni Jongin.

"Aish.. of course wala akong ginawa sa kaniya, bakit, alam ko ba na ganon yung  nararamdaman niya para sa akin. Atsaka, when it comes to love, no matter what kind of emotions you're feeling or kahit what type of personality na meron ka, cold ka man or what, kung inlove ka, inlove ka." Sabi ni Baekhyun atsaka nailing, pwede ba, kumalma ka, palibahasa hindi ka lang pinapansin ni Kyungsoo eh." Pang-aasar na wika ni Baekhyun.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Jongin atsaka inirapan. "Aba, atleast hindi mo ko kasing landi, pisting to" Sagot naman ni Jongin.

"Oh talaga??" Ngumisi ng nakakaloko si Baekhyun atsaka tinuro ang taong nasa likod nila. "Bakit hindi ka lumingon sa likod mo? Kanina ka pa tinitingnan oh". Agad namang kumunot yung noo ni Jongin atsaka tumingin sa likod niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 05, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Boss is Inlove with Me [ChanBaek] (Tagalog) ||On-hold||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon