Chapter 10 (Part 1)

678 16 1
                                    

--🌸--

Ilang araw ang lumipas nang makalabas na ng ospital si Chanyeol, nagbago ang ugali niya. Lagi siyang nakangiti at good mood.

"Byun Baekhyun ang necktie ko" Nakangiting sabi ni Chanyeol kay Baekhyun. Tumango naman si Baekhyun at kinuha ang necktie ni Chanyeol.

Dahan dahan na isinuot ni Baekhyun ang necktie ni Chanyeol.

"Ang ganda" Nakangiting sabi ni Chanyeol.

"Ang ano po sir? Ang araw niyo?" Tanong ni Baekhyun.

Umiling iling si Chanyeol. "Hindi, Napakaganda ng aking mukha. Ako na ata ang may pinaka gwapong nilalang na nakilala  ng lahat" Sabi ni Chanyeol with matching pogi sign.

Napailing si Baekhyun at napaubo. "Sir? Parang ang lakas ata ng hangin."

Napatingin naman sa kaniya si Chanyeol.
"Tch, Bwisit" Naasar na sabi ni Chanyeol

"May iuutos po ba kayo sa akin sir?" Tanong ni Baekhyun.

Umiling si Chanyeol at tumingin sa kaniya ng seryoso. "Wala, Kung wala kang gagawin pwede ka nang umuwi."

Napangiti si Baekhyun at tumango. "Sige po Mr. Park..Uuwi nalang po ako, wala naman po akong gagawin."

Pumasok si Yixing sa office ni Chanyeol habang nakangiti. "Baekhyun, Nandito ka pala. Tara sabay sabay na muna tayong kumain ng snacks"

"Naku, Wag na po Sir Yixing. Uuwi na din po kasi ako" Sabi ni Baekhyun habang nakatingin kay Yixing.

"Wag ka nang mahiya" Sabi ni Yixing habang nakangiti kay Baekhyun.

Hinila ni Yixing si Baekhyun at pinaupo sa sofa. Tumabi naman si Yixing sa kaniya habang si Chanyeol ay nasa swivel chair niya may pinipirmahan na mga files.

Binigyan ni Yixing si Baekhyun ng snack at humarap kay Baekhyun habang nakangiti.

"Ilang taon ka na ba?" Tanong ni Yixing.

"26 years old po" Sabi ni Baekhyun

"Wag ka nang mag 'po' sa akin kasi hindi naman ako gurang" Sabi ni Yixing at tumawa.

"S-sige" Nahihiyang sabi ni Baekhyun

"Nga pala pwede mo kong tawaging Yixing hyung tutal secretary ka naman ni Chanyeol"

Tumango nalang si Baekhyun.

"Single ka pa hindi ba?" Tanong ni Yixing.

"Huh? Uh..Oo Yixing hyung.." Nakangiting sabi ni Baekhyun.

"Pwede ba kitang idate kahit minsan?"

"H-huh?"

Tumawa si Yixing. "Joke lang. nga pala, kaibigan ka ni Jongin hindi ba..?"

Tumango si Baekhyun habang nakangiti. "Oo Yixing hyung, bakit mo naitanong?"

"Wala naman" Sabi ni Yixing at kinain na ang pagkain niya.

Maya-maya lang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Zitao na nakatingin kay Chanyeol. Napatayo si Yixing habang tinitingnan si Zitao ng sobrang sama.

"Anong ginagawa mo dito?!" Galit na tanong ni Yixing.

"Yixing, kalma ka lang. Hindi ako manggugulo." Mahinahon na sabi ni Zitao.

"Ano ba talagang kailangan mo?" Kalmadong tanong ni Chanyeol.

"Nandito ko para makipagkasundo muli sayo, narealize ko na mali ang nagawa ko.." Sabi ni Zitao at yumuko.

My Boss is Inlove with Me [ChanBaek] (Tagalog) ||On-hold||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon