Chapter 16

493 12 0
                                    

--🌸--

Naglalakad pauwi sina Yixing at Baekhyun.
Pagod na pagod na si Baekhyun pero si Yixing tuloy pa rin sa paglalakad.

"Y-yixing hyung...pagod na ako" Hinihingal na sabi ni Baekhyun.

"Ganon ba?"

Tumango si Baekhyun. "H-hyung bakit ba tayo naglalakad? Pwede naman tayong sumakay ng Taxi diba?"

'Para makasama kita nang matagal, mahal kita Baekhyun..' Ngumiti si Yixing. "Para ma-exercise yung mga paa natin"

"Pero hyung, pagod na pagod na ako" Naka-pout na sabi ni Baekhyun

Lumapit si Yixing sa kaniya at sinenyasan si Baekhyun na umangkas sa likod niya.

"T-teka hyung, wag na"

"Umangkas ka na"

Walang nagawa si Baekhyun kundi umangkas sa likod ni Yixing. Hinawakan ni Yixing ang legs ni Baekhyun at nagsimula nang maglakad.

Napangiti naman si Yixing dahil magaan naman si Baekhyun. "Ang gaan gaan mo naman pala Baekhyun" Nakangiting sabi ni Yixing.

Namula naman si Baekhyun dahil sa hiya. Nakangiti pa rin si Yixing habang buhat buhat si Baekhyun.

"Masaya ka ba?" Tanong ni Yixing habang naglalakad papunta sa direksiyon kung saan ang bahay na tinitirahan ni Baekhyun.

"Oo hyung, sobrang saya." Nakangiting sabi ni Baekhyun. "Salamat dahil pinasaya mo ko"

"Wala yun Baekhyunie, para sayo yun" Nakangiting sabi ni Yixing.

"Hyung malapit na tayo sa bahay namin!"

Natawa naman si Yixing dahil sa sinabi ni Baekhyun.

"Oo na"

Maya maya lang, nakarating na sila Baekhyun sa bahay niya. Ibinaba na siya ni Yixing sa gate nila. Ang hindi alam nila Baekhyun at Yixing ay nakatingin mula sa bintana si Jongin habang naka-crossed arms.

"Salamat Yixing hyung" Nakangiting sabi ni Baekhyun saka nagbow kay Yixing. Nag-bow naman pabalik si Yixing habang nakangiti.

"Mauna na ako.." Umalis na si Yixing at pumasok na si Baekhyun at sinara ang gate

Bubuksan na sana ni Baekhyun ang pinto ng bigla itong binuksan ni Jongin habang nakataas ang kilay.

"Byun Baekhyun? Saan kayo galing?"

"Wala Jongin, tumabi ka diyan at dadaan ako" Papasok na ulit sana si Baekhyun nang bigla siyang hinarang ni Jongin.

"Sagutin mo ko, Saan kayo galing?"

"Eh bakit naiinis ka? May nagawa ba akong mali ha?" Umirap si Baekhyun.

"Oo, hindi ka nagpaalam sa akin" Sinamaan siya ng tingin ni Jongin.

"P-pero nagpaalam ako sayo kanin--"

"HINDI KA NAGPAALAM!! WAG KANG SINUNGALING BYUN BAEKHYUN!!"

Napatulala naman si Baekhyun dahil aa sigaw ni Jongin.

"Y-yah, w-wag kang sumigaw..." Sabi ni Baekhyun saka umiwas ng tingin.

Napabuntong hininga naman si Jongin. "Sorry okay? Nag aalala lang ako. At kung nagpaalam ka sa akin kanina, hindi kita narinig dahil tulog na tulog ako noon"

Napangiti naman si Baekhyun kay Jongin. "Okay lang naman yun Jongin, nagulat lang ako..."

Hinila naman siya ni Jongin papasok ng bahay. "Yah, Kayo na ba ni Yixing hyung?"

Nanlaki naman ang mata ni Baekhyun dahil sa sinabi ni Jongin. "H-ha?"

"Aigoo, Sila na nga. Congrats Baekkie" Natatawang sabi ni Jongin.

Hinampas naman ni Baekhyun si Jongin sa braso. "Baliw ka ba? Hindi kami ni Yixing hyung okay?"

"Deny pa Baekkie"

"Hindi nga kami ni Yixing hyung!!"

Natawa naman si Jongin. "Oo na, wag ka ng magalit"

Nilagpasan niya si Jongin at pumasok sa kwarto niya.

--🌸--

"Huang Zitao, Hindi ba't sinabi ko sayo na mag iingat ka?! Tingnan mo ang nangyari! Mabubuking ka na!!" Galit na sigaw ng lalaking nakaupo sa sofa.

"Hyung, hindi ko naman sinasa---"

"Hindi mo sinasadya?! Mag isip ka nga Huang Zitao!!"

"Kris hyung...Sorry na.." Malungkot na sabi ni Zitao.

Napabuntong hininga naman si Kris at tumingin sa kaniya.

"Anong balak mo sa Kyungsoo na yun?"

Ngumisi si Zitao. "Well, It's easy. Let's Kidnapped him"

Napangiti naman si Kris sa sinabi ni Zitao.

"Good thing at may naisip kang paraan"

Ngumisi si Zitao. 'Humanda ka sa akin bukas Do Kyungsoo'

My Boss is Inlove with Me [ChanBaek] (Tagalog) ||On-hold||Onde as histórias ganham vida. Descobre agora