53: YumiXTim

1.5K 27 9
                                    


Yumi

Malapit na ang bakasyon at ang dami dami ng plano ng boyfriend ko. Gusto nitong umuwi sa La Union kasama ako pati na ang mga barkada niya. Syempre kasama si Aira doon. Ikinuwento nito na mula pagkabata ay walang bakasyon na hindi sila magkakasama doon. Ilang beses nadin itong nagtatanong kung ano ang pinag awayan namin ng best friend niya pero hindi ko parin sinabi. Alam kong nahihirapan din ito at napapagitna siya sa sitwasyon pero wala eh. Ayoko namang umamin sa kanya kasi alam kong masasaktan ko siya at tama si Camille na baka mag away din sila ni Aira.

"Alam mo super excited nako Love."

"Umuwi sa La Union?" Hula ko dito.

"Pano na nalaman? Hahahahha"

"Malamang. Yan lang naman palagi laman ng utak mo eh."

"Hahahah eh kasi naman po gustong gusto ko ng mag beach. Tsaka magiging masaya to kasi kasama kana namin ngayon. Marami kaming mga kaibigan na taga doon Love, kasama palagi naming mag surf."

"Talaga Love? Turuan mo kong mag surf ha?"

"Syempre naman. Alam mo mas magaling si Aira sa amin eh kaso di naman kayo ok. Haaaaaaaay! Bakit nga ba kasi Love?"

"Ayan kana naman Love. Hayaan mo na kami ng bestfriend mo. Magiging ok din kami in time."

"Dapat as soon as possible na para happy na tayo pag-uwi natin sa Laguna."

"Sana nga. Wait? Pang ilang babae nakong inuwi mo dun?" Agad ko namang iniba ang usapan.

"Hahahahhahaha. To be honest? Ikaw palang."

"Whe?! Di nga?"

"Hahahaha bat ayaw mong maniwala?"

"Sa chickboy mong yan?"

"Wala nga akong dinala dun kasi taga doon na sila."

"Aaaaaaaaah!! Yun pala!"

"Past is past. Halika ka nga dito!" Sabay yaka nito sa akin.

Ilang buwan narin kami ni Tim at so far so good naman. Minsan may mga pinagtataluhan din pero naaayos naman.

Hindi ko lang minsan maiwasan na ma awkward kapag nasa classroom na. Halos lahat ng teknik sa pag iwas ay nagawa ko na pero hindi ko ito sapat para hindi ko mapansin ang bawat galaw ni Aira.

May mga times din na aksidente kaming nakakatinginan kaya dali-dali naman kaming umiwas. I can't deny na miss na miss ko na sya. Minsan tinititigan ko lang ito nag panakaw kapag may kausap itong iba at lalo na kapag masaya itong tumatawa. Tama nga lahat ng mga sinabi ni Camille. Halata namang masaya na si Aira kay Calvin kaya wala ng rason para umiksena pa ko.

~~~~~~~~~~~~~

Last week na ang pasokan ngayon. Konti nalang ang mga estudyanteng makikita mo. Karamihan nalang ng mga nandito ay nagpapapirma nalang ng clearance at mga graduating students. Sa Friday na ang graduation at Wednesday na ngayon. Lahat kaming nasa student's council ay may u-usher at usherette sa graduation kaya kailangan ko pang mag report sa mga susunod na araw. Palagi kong kasama si Camille at hindi din maiwasan na magkasama kami ni Aira. Sympre photographer siya kaya halos sabay kami sa mga gawain.

Na notice ko one of this days na parang matamlay ito at namumutla. Parang laging pagod at natutulala kaya hindi ko na naiwasang mag tanong kay Camille.

"Cams?"

Nilapitan ko ito sa table niya.

"Oh Yumi?"

"May tatanong lang sana ako. Ok lang kung ayaw mong sagotin"

"Hahaha tungkol kay Aira o kay Tim?"

"Kay Aira sana."

"Ooooh. Sige, bakit?"

"Napansin ko kasi na parang ang tamlay niya at ang putla eh. Ok lang ba sya? May dinaramdam ba siya?"

"Uy ha? Concern ka parin kay Aira?"

"Syempre concern ako no. Naging magkaibigan din naman kami kahit papaano."

"Kung sa bagay. Ok lang yan, may konting trangkaso lang pero kaya niya yan."

"Talaga? Parang iba kasi."

"Siguro meron siya o nag away sila n Calvin."

Hindi nalang ako sumagot at nagpa thank you nalang sa kanya.

Maraming beses kong ginustong lapitan at kausapin si Aira o kaya kamustahin pero naiisip ko ang mga sinabi ni Camille. Alam ko naman na hindi na ito magiging tulad ng dati kaya wag nalang muna pilitin.

Sana dumating na ang panahon na maging magkaibigan kami ulit. I know it's not impossible and I'm looking forward for that day to come.

The Missing Piece (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon