1: First day

11.1K 122 11
                                    

JUNE

SY: 2010-2011

" Aira Flores? "

"Present"

First day of class. Bitin pa ako sa bakasyon pero okay lang. Atleast may allowance na naman ako. Grade 9 student sa isang private school dito sa Mandalungyon. Isa akong journalist at editor sa school new paper namin. Mahilig ako sa photograpy kaya kinuha nila ako dito.

Isa lang naman akong simpleng estudyante na hindi kasali sa PE dahil sa sakit ko. Pagtinatanong ng mga kaklase, sinasabo kong artificial ang mga paa ko kaya bawal itakbo sabay tawa sa kanila pag pagod at nahihingal na sila sa PE class namin.

Matapos ang checking of attendance ay nagsimula nang magsulat sa board ang aming teacher. English ang first subject namin ngayon.

"Grabe naman si Ms. First day na first day magtuturo agad. " Bulong ko sa classmate ko.

"I heard that Ms. Flores. Gusto mo bang first day na first day eh tumayo ka until next subject?"

Patay narinig pala.

"No, Ma'am." Sabay ngiwi ko sa kanya.

"Now you're making faces huh? Please stand up ang proceed at the back."

"Hala bakit po?????"

"I said stand up! I want you to face the wall until the end of my period."

Wala akong nagawa at sinunod ang sinabi ng teacher namin. Kilala siyang terror teacher dito sa campus at masunggit palagi. Iniwan ko ang back ko sa upuan at tumayo na sa likod.

Nagpatuloy ang kanilang klase hanggang sa may dumating na late na estudyante.

"Good morning Ma'am. This is Yumi Clarisse Tan, transferee galing Cebu."

Agad akong lumingon para tignan ang bago naming ka klase.

"Good morning. Pasok kana and look for a seat. Wait, wala yatang bakanteng upuan ah. Oh, there. Doon sa chair na bakante sa tabi ng window."

Wait? Upuan ko yun ah! Paglingon ay doon na nga naka upo ang bago naming classmate kaya nagsalita na ako.

"Ahmmm Ma'am? Upuan ko po yan eh."

"Bakit naka upo kaba? I told you to stand for the rest of my period. Right?"

Pagtingin ko sa upuan ko ay nasa sahig na ang aking bag kaya lumapit ako at hinila ito. Ni hindi man lang pinulot ng babaeng to ang mga gamit ko at hinayaan nalang sa sahig. Kainis!

Buti nalang ay tumunog na ang bell at natapos na ang period. Bago lumabas si Ma'am ay kinausap muna niya ako at pinagsabihan na wag nag uulitin kung ayaw kong tumayo ulit.

2nd period na at wala akong upuan kaya sa likod parin ako naka upo sa broom box namin. Siya dapat ang naka upo dito at hindi ako. Oo, cute siya kaya marami ang lumalapit sa kanya ay kumakausap lalo na mga ka klase naming lalaki. Hindi naman siya ganun ka ganda ah! Uso lang talaga ang mga chinita look ngayon kaya sikat agad siya. Siguradong sigurado ako na napaka arte ng babaeng to.

Break time namin ng kumuha ako ng isang upuan sa kabilang room para may ma upuan akong matino.

"Aira, ang puti puti ng bago nating classmate no? Kausapin natin?" Tanong pa ni Tim.

"Ano ka? Bat ko naman kakausapin yun eh kinuhaan ako ng upuan!"

"Eh di ka naman naka upo kanina eh."

"Eh ano naman?! Akin parin yun! Tsaka nahulog na yung bag at gamit ko sa sahig di man lang niya pinulot!"

"Baka di niya naman sinasadya!"

"Alam mo, bwiset ka! Kung gusto mo siyang kausapin, puntahan mo na dun! Wag mo akong guluhin dito!"

"Ang sunggit mo naman. I just want you to make friends! Hindi puro camera yang kasama mo!"

"Okay na ako dito. Tsaka friend din naman kita diba? Kayo ni Camille."

"Oo nga. Friends tayo, but what I mean is you need to make new friends naman."

"Hay nako Tim, kung gusto mong kausapin yung singkit na babaeng yun, mag-isa ka!!"

"Ang suplada mo naman! Meron kaba?!"

"Leche ka Tim ha!"

"Hahahahah. Diyan ka na nga!!"

Umalis na nga si Tim at lumapit doon sa babaeng transferee. Bahala siya, hinding hindi ko siya papansinin.

Uwian na at magkasama kami ni Tim at Camille na umuwi. Iisang subdivision lang kasi kami nakatirang tatlo kaya naging matalik na magkaibigan na kami.

"Di naman pala masunggit yung si Yumi eh. Medyo hindi lang nagsasalita kasi cebuana. Hahahaha." Sabi pa ni Tim.

"Wala akong pakialam sa kanya!" Sagot ko naman.

"Galit na galit ka talaga sa kanya ha?"

"Eh nakakainis kasi siya!!"

"Whe? Baka insecure ka lang? Hahahah! "

"Duh?! Bakit naman?! Tumigil na nga kayong dalawa!"

Tinatawanan parin nila ako pero hindi ko lang sila pinapansin hanggang sa bumaba na ako ng jeep.

Hindi maganda ang unang araw ng klase pero okay lang, marami pang pwedeng mangyari and I'm looking forward for good things to happen.

Pagdating sa bahay ay agad akong sinalubong na Mama habang dala-dala ang hinanda nitong miryenda para sa amin ng kapatid ko. Dalawa lang kami ni Liam at 11 years old pa lamang siya. Si Mama ay house wife lang at nag nenegosyo ng mga cup cakes. Mahilig siyang mag bake at siguro sa kanya ko nakuha ang hilig ko din sa pagluluto. Si Papa naman ay isang seaman kaya tatlo lang kaming tao dito sa bahay.

Habang nasa kwarto na ako at nag lilinis ng camera ay bigla tumawag si Camille.

"Hello?"

"Check mo yung messanger mo dali."

Agad naman akong lumapit sa loptop ko at tinignan ang messanger. I sinend pala niya sakin yung picture ng bago naming classmate.

"Oo, siya nga to Cams."

"Maganda siya. Sigurado, kukunin siya ng school band."

"Eh ano naman. Di naman siya ganun ka ganda eh. Maputi nga lang tsaka cute yung mata."

"Hahahaha. Edi maganda nga!"

"Di padin! Mas maganda ako kesa sa kanya."

"Oo na! Sige ikaw na! Ahaha matulog na nga tayo. Goodnight Ai."

"See you bukas. Goodnight din. Bye!"

Agad ko ng niligpit ang mga gamit ko para matulog. Tomorrow is another day.

Sana naman may maayos na upuan na ako.

The Missing Piece (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon