36: Talk

1.5K 37 23
                                    

Buong araw akong naghahanap ng tyempo para kausapin si Yumi. Half day lang sila ngayon dahil sa practice sila tuwing Friday kaya wala siya ngayon dito. Last period na namin pero hindi ko parin nakakausap si Yumi. Parang iniiwasan din ako nito at lumalayo kapag lumalapit ako.

Mula umaga ay hindi narin niya ako kinakausapan o tinitignan man lang. Marami na kaming kaklase ang nagtatanong kung bakit hindi kami nagpapansinan pero dinededma ko lang sila. Matamlay si Yumi ngayon at hindi masyado nakikipag usap sa iba naming mga classmates. Naka upo lang ito sa silya niya kapag wala pa ang teacher at hindi gaya ng dati na nakikipagkulitan kung saan saan. Mas lalo akong na concensya kapag nakikita siyang ganito. Kasalanan ko kung bakit naging ganito siya ngayon.

Tapos na ang klase namin at uwian na pero wala parin akong lakas ng loob na kausapin siya. Nauubusan na ako ng oras ay ayoko ng patagalin to.

"Yumi!" Sabay hawak ko sa bag niya.

Lumingon ito sa akin na mukhang nagulat pero hindi nagsalita.

"Ahmm. Pwede ba tayong mag usap?"

"May practice pa kasi ako eh."

"Ganun ba?...Hihintayin kita."

"Okay lang sayo? Baka matagalan kami. May dance number kasi kami para sa sports fest."

"Okay lang. Mag hihintay ako."

"Sige, ikaw bahala."

Lumakad ito palayo sa akin ng hindi nag papaalam. Dumiretso na ako kay Camille sa Student's council office para tumambay.

"Cams?"

"Oh, Aira! Di kapa ba uuwi?"

"Hihintayin ko pa kasi si Yumi eh."

"Wow ha? Talaga?????? Okay na kayo?"

"Hindi. Kakausapin ko nga siya."

"Asan ba siya? Nasa practice?"

"Oo. Dito na muna ako ha?"

"Sure. Pero hanggang 5:30 lang ako dito. Susunduin ako ni Papa."

"Talaga? Saan ang punta niyo?"

"May pupuntahan kami nila Mama eh. Sa birthday ng tita ko sa QC."

"Ahhhh. Sige."

"Anong sasabihin mo pag tinanong ka ni Yumi kung bakit ka ganyan?"

"Hindi ko nga alam eh. Ano ba sasabihin ko Cams?"

"Hindi ko nga rin alam pero parang mali tong idea natin na iwasan mo siya."

"Oo nga. Habang iniiwasan ko siya, mas lalo ko siyang namimiss. Hayyyyyyyyyyyyy! Anong gagawin ko?!!!!!!!"

"Aamin ka?"

"Of course not! Hindi ko gagawin yan! Masisira kaming dalawa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Of course not! Hindi ko gagawin yan! Masisira kaming dalawa. Pati si Tim magagalit sakin!!"

"Ang hirap naman niyan Ai. Pati ako walang maisip na palusot eh."

The Missing Piece (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon