39: Y/N?

1.5K 42 19
                                    

Yumi

After a week

Busy na ang lahat sa paghahanda para sa Sports Fest, bukas na kasi ang opening. Practice dito, practice doon kaya palaging gabi na ako nakakauwi. Kadalasan ay kasama ko si Dave sa pag-uwi at hindi si Tim. Hindi ko na kasi siya pinapahintay hanggang sa matapos ang practice ko eh. Kadalasan nagagalit ito pagkasama ko si Dave pero hindi ko nalang pinapansin. Hindi pa naman kami at pareho silang dalawa ni Dave na kaibigan ko lang.

Minsan lang din kami magkausap ni Aira kasi maaga din itong umuwi. Kung sa classroom naman ay palaging si Marie ang kasama niya. Tuwing lunch time naman ay si Calvin ang kasama niya. Gusto ko siyang tanongin tungkol dito sa kanila pero nahihiya naman ako.

Nasa TLE class kami ng tabihan ko si Aira. Gumagawa kami ngayon ng knitting at kitang kita ko na mabilis itong matuto kaya magpapaturo ako.

"Galing mo ah! Ibang pattern na ba yan?" Tanong ko sabay upo sa tabi niya.

"Ah Oo! Tapos na 'ko sa isa eh. Ikaw? Ay mali naman yan eh!!" Kinuha nito ang gawa ko at inayos.

"Yan dapat oh. Dito mo ihook."

"Ay ganun ba? Mali pala tong ginagawa ko?"

"Mali talaga. Sisimulan mo muna dito tapos ikaw na ang tumapos ha? Sundin mo lang tong ginagawa ko."

Habang ginagawa ni Aira ang knitting ko ay di ko maiwasang masdan siya. Naka-kagat labi pa ito habang nag ni-knit at ang cute cute niyang tignan.

"Oh bakit? Dito ka tumigin, wag sakin."

Di ko namalayan na natutulala na pala ako sa kanya. Napangiti nalang ako at hindi na nagsalita.

"Oh heto na. Gayahin mo lang yung ginawa ko ha?" Sabay abot nito sa akin.

"Thank you? Galit mo talaga sa mga ganito no?"

"Di naman. Hehe."

"May itatanong pala ako sayo. Kung ayaw mo sagutin, okay lang."

"Hmmmm. Ano ba yan?"

"Kayo na ba ni Calvin?"

"Bakit? Kayo na ba ni Tim?"

"Hindi!!"

"Eh ni Dave?"

"Hindi din!!!"

"Ahhh kami din. Hindi."

"Nakakatawa ka! Bakit kailangan mo pang magtanong bago sumagot?"

"Wala lang."

"As if naman may connect sa tanong ko sayo diba? Hahah"

"Hehe. Gusto ko lang din naman kasi malaman."

"Ahhhhhhh. Wala pa akong plano mag boyfriend eh. Stay foot muna sila diyan."

"Ako din. Parang di pa kasi ako ready."

"Talaga????"

"Oo naman! Bat parang nag dududa kapa? Hahahha"

"Eh kasi ang close niyo na Calvin eh. Parang kayo na."

"Bakit kayo ni Tim hindi? Kayo ni Dave??!"

"Hahahaha. Hindi talaga no! Mas iba kayo tignan ni Calvin."

"Uy hindi ah. Ikaw talaga Yumi!!!!"

"Bakit? Totoo naman ah. Kunwari kapa! Hahaha"

"Ikaw din naman ah. Akala mo di ko kayo napapansin ni Dave? O di kaya ni Tim? Teka, sino ba sa kanila ang mas lamang?"

The Missing Piece (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon