41: Sport Fest (part 2)

1.3K 41 6
                                    


2:00 Pm ng magsimula ang first game ng basket ball. Grade 9 juniors vs. Grade 8 sophomores. Naririnig ko na ang mga cheer nilang lahat mula dito sa classroom. Ayoko pang lumabas kasi masama ang loob ko.

"Uy Yumi, anong ginagawa mo dito ng mag-isa? Tara na."

"Nagpapahinga lang Marie. Sige, susunod nalang ako mamaya."

"Masama ba pakiramdam mo?"

"Hindi. Okay lang ako. Mamaya nalang ako manunuod."

"Ano kaba? Malulungkot si Tim pag di ka manunuod sa kanya."

"Di naman tungkol kay Tim to eh."

"Eh tara na kasi. Sige na!!! Tayo na!!!!! tayo na! tayo na!"

Hinila ako ni Marie hanggang sa makatayo na ako. Wala akong nagawa kundi ang sumama sa kanya sa covered court.

Pagpasok namin ay patuloy parin ang laro. Pumwesto kami sa kung saan ang mga iba naming ka klase. Tumingin tingin ako sa paligid pero wala doon si Aira kaya nanuod nalang ako.

Half time break ng makita ko siyang bumaba galing kabilang bench kasama si Calvin at ito pa ang nagdadala ng bag niya. Grabe naman si Aira, halatang halata na silang dalawa ni Calvin pero ayaw pa talagang umamin.

Maya-maya pa ay dumaan sila ulit at bumalik na ng bench kung saan sila galing. Kaya pala hindi ko siya mahanap dito, nasa harap na bench lang pala siya. Ayoko ng mag-isip pa. Akala ko lang naman kasi magkaibigan na kami ni Aira pero bakit niya pa sinesekreto sakin ang tungkol sa kanila ni Calvin. Hay nako, bahala siya.

4th quarter na dikit na dikit ang laban. Lamang ng 2 points ang grade 9 pero hindi din naman nagpapatalo ang grade 8. Nahahalata ko na na medyo pikon na si Tim. Mula kasi 1st quarter hanggang ngayon ay nasa court parin siya at walang pahinga. Natapos ang laro at nanalo nga kami. Bumaba na kami ng bench ng tinawag ako ni Tim na nagpapahid pa ng pawis.

"Yumi. Yumi!!! Wait lang."

Lumapit ito sa akin pero tinitignan ko lang siya.

"Nakita mo ba yung laro ko? Para sayo yun."

"Whe? Talaga?"

"Oo naman. Bat ayaw mong maniwala?"

"Matapos mo 'kong dedmahin?"

"I was just jealous. I'm sorry!"

Hindi ako kumibo at tinitignan lang siya sa mata.

"Sorry na. Sorry naaaaa."

"Binasted ko na si Dave."

"Talaga? So tayo na????" Ha??"

"Okay kalang. Di dahil binasted ko na siya eh tayo na."

"Ay!!!! Hayyyyyy nakooooo tagal naman nito Mi."

"Pagod kana? Pwede narin kitang bastedin kung gusto mo."

"Hahahaha. Way naman uy! Ako pagod? Sayo? Hahaha. Never!"

"Talaga lang ha!"

"Oo naman. Bati na tayo ha?"

Tumango lang ako sa kanya.

"Yessss!! Hahahaha. Ano yung next game? Nuod tayo?"

"Volleyball yata eh!"

"Tara, shower lang ako ha? Hintayin mo 'ko sa classroom."

"Sige."

Nagmadaling tumakbo si Tim paalis at ako naman ay nagtungo na sa classroom. Pagdating ko doon ay tamang tama din na dumating sa classroom si Aira at Calvin. Iniabot ni Calvin ang bag ni Aira sa kanya at nagpaalam na. Agad namang pumasok si Aira sa classroom at sumunod din ako.

"Mi!!! Nandiyan ka pala!"

"Uhm!" Sabay tango ko.

"Bat mo 'ko iniwan kay Calvin kanina?"

"Sympre, boyfriend mo yun eh." Sagot ko habang nakatalikod sa kanya.

"Sino naman may sabi niyan? Sinabi ko naman sayo na hindi pa kami diba?"

"Talaga? Eh bakit sabi ni Calvin kay Dave na kayo na?"

"Naniwala ka naman?! Sino ba kaibigan mo?!"

Hindi agad ako nakasagot.

"Galit kaba?" Lumapit ito sa akin at hinawakan ang dalawang braso ko."

"H-hindi ah! B-bakit naman ako magagalit?"

"Maniwala ka sakin. Syempre pag maging kami na, tatlo kayo ni Tim at Camille ang unang makakaalam. Okay?"

Tinitigan ko lang siya sa kanyang mga mata at hindi ulit sumagot.

"Uy!! Okay ba?"

"Ah-Oo! Okay na okay!"

"Plastic!"

"Ano?!"

"Wala! Hahahaha. Ayan na si Tim oh!"

Paglingon ko ay nandito na nga si Tim at lumapit ito sa amin.

"Fresh na fresh na 'ko!" Sabay akbay ni Tim sa akin.

"Ano ba!"

"Ay! Heheh. Tara na, nuod tayo ng volleyball! Tara Ai!"

"Ayoko, kayo nalang ni Yumi. Pagod na 'ko. Gusto ko ng umuwi!"

"Ganun ba? Sayang, maaga pa naman oh."

"Kayo nalang Tim. Na miss ka ni Yumi di mo daw siya pinapansin! Hahaha!"

"Hahaha. Totoo ba yun Mi?"

"Hindi ah! Wag kang maniwala diyan kay Aira!"

"Denial na naman si Yumi oh! Hahaha. Sige, una na 'ko sa inyo ha?"

"Sige, ingat ka Ai ha?"

"Okay. Sige. Bye Yumi."

"Bye Ai."

Agad ng umalis si Aira at kami naman ni Tim ay nagtungo narin sa covered court. 5:30 na ng hapon ng natapos ang volleyball game at grade 8 ang nanalo vs grade 7.

"Ahmmm Mi, hindi kita maihahatid ngayon ha? May pupuntahan pa kasi ako eh."

"Okay lang no! Kaya ko naman eh. Saan ba punta mo?"

"Talaga? Pasensya na ha? Doon lang sa kaibigan ko."

"Ah okay. Sige, sasabay nalang ako sa kanila ni Marie at Jane."

"Sige, mag ingat kayo ha? Text mo 'ko pag nasa bahay kana ninyo."

"Okay. Ingat ka din ha? Bye Tim!"

Pag-alis ni Tim ay agad na akong nagtungo sa classroom. Tamang tama din na pauwi na sila kaya sumabay nalang ako.

Iba ang araw ko ngayon. Merong magagandang nangyari at meron ding masasama. Ayoko mang aminin, si Aira ang dahilan kung bakit ito naging masaya ay kung bakit ito naging masama.

The Missing Piece (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon