47: Tim's Birthday (part 2)

744 21 9
                                    


Aira

Ewan ko ba pero parang hindi ako comportable sa pinag uusapan ni Tim at Yumi kaya nag pasya nalang akong puntahan sila Camille at Marie na sa kabilang side ng pool. Tapos na silang maligo pero hindi pa nakapag banlaw. Basa pa ang mga ito habang nag ba-barbque kasama ang mga iba din naming mga classmates.

"Oh ano Aira, di parin ba sinasagot ni Yumi si Tim?" Tanong ni Marie.

"Mukhang sasagutin sa siguro. Kaya ko nga sila iniwan para di ko maistorbo."

"Buti naman. Tagal na kayang nanliligaw ni Tim sa kanya. Ano pa ba kasi ang hinahanap ni Yumi? Mabait naman si Tim. Gwapo tsaka mayaman pa." Sabi pa ulit nito habang nakatingin kami sa kanila.

Pangiti ngiti lang si Camille sa aming dalawa ni Marie pero alam ko kung ano ang laman ng utak nito. Gustong gusto na siguro ako nitong asarin.

Habang patuloy kami sa ginagawa namin ay dinig na dinig ko ang lakas ng tawa ni Tim.

"Mukhang sila na nga ah. Tingnan mo niyo naka akbay pa oh!" Tawag ni Marie sa amin sabay turo sa dalawa.

Kitang kita naming lahat kung paano halikan ni Tim sa labi si Yumi. Biglang sumikip ang dibdib ko sa sa aking nakita.

"Confirmed" Bulong ni Camille sa akin

Ngumiti lang ako sa kanya at nag kunwari na wala lang. Di ko alam kung bakit ganito ang nadarama ko. Dapat hindi. Dapat wala lang to. Dapat masaya ako sa kaibigan ko.

Tim noticed na parang nakatingin kaming lahat sa kanilang dalawa kaya sumigaw ito.

"Kami na ni Yumi!!!!" Sabay taas ng dalawang kamay niya.

Tinawag sila ni Camille kaya lumapit ito sa amin.

"Congrats guys" Bati ng mga classmates namin sa kanila.

Paglapit nila ni Tim ay halatang halata na sobrang lasing na nilang dalawa ni Yumi. Hindi na kumikibo si Yumi at pangiti ngiti nalang. Sobrang pula na ng mga pisngi nito at mapungay na ang mga mata. Si Tim naman ay sobrang ingay na hanggang sa nasuka ito.

"Sh*t!!! I'm sorry!!" Sabi nito habang naka yuko at kakatapos lang sumuka.

"Tama na Tim. Awat na sa pag inom.! Saway pa ni Camille sa kanya.

"No Cams! It's my happiest birthday kasi sinagot na 'ko ni Yumi kaya iinom tayo hanggang umaga!!!!! Uuuggghhhhhh!" Sabay suka ulit nito.

"Kadiri kana Tim ha! Maligo kana nga para mawala yang kalasingan mo tsaka amoy suka kana oh. Mahiya ka naman sa girlfriend mo!" Sabay tulak ka sa kanya papasok sa bahay nila.

"Oo na Ai! Oo na!!!"

"Girlfriend! Ligo lang ako ha? Sama ka?" Biro nito kay Yumi.

"Loko ka! Bilisan mo na!" Sagot ni Yumi sa kanya.

Inalalayan ko si Tim paakyat ng kwarto niya. Halos hindi na ito makalakad ng maayos sa sobrang kalasingan.

"Ai? M-mmasaya kaba parin sakin?" Tanong nito sakin

"Oo naman! Syempre alam ko namang matagal mo ng gusto si Yumi eh."

"Gandang birthday gift nito Ai! Ang saya ko! Ang ganda ng syota ko!"

"Di lang maganda. Mabait, matalino tsaka di mahirap mahalin."

"hahahahha alam mo kung may sira lang ang ulo ko, iisipin kong may gusto ka sa kanya! Munting na kitang pagdudahan dati eh!"

Nagulat ako sa sinabi ni Tim at natauhan. Bakit ba kasi ganun ang nasabi ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya kaya tumawa nalang ako.

" Nakakatawa no?! Hahaha Hindi ka naman tomboy pero naisip ko ang mga ganung bagay sayo. Gago talaga ako Ai! Hahahahah"

"Gago ka nga Tim. Maligo kana. Bababa nako ha! Mag ingat ka dyan!"

Hinintay ko lang si Tim na makapasok sa banyo at bumaba narin agad ako.
Pagdating ko ay lasing na lasing na si Yumi at nagsasayawan na sila. Uminit ang ulo ko sa nakita ko at mas lalo pa itong nadagdagan kasi may hawak padin itong bote ng beer.

" Yumi! Awat na! Akin na nga yan!" Sabay kuha ko ng hawak nitong beer.

"To namang si Aira ang kj! Shot!!!!!!!" Sagot nito habang inaagaw sakin ang boteng kinuha ko sa kanya.

"Ai stop it. We're just having fun!" Sabi pa ni Marie.

"No! Lasing na lasing na to. Hindi na to tama. Halika nga dito!" Sabay hila ko sa kanya papalayo.

Wala namang nagawa ang mga classmates namin at natahimik nalang.

Hindi kumontra si Yumi sa ginawa ko at kusa itong sumama. Saktong nasa labas na kami ng gate nila Tim ng bitawan ko siya.

"Alam kong masaya ka ngayon kasi kayo na. Alam kong gusto mong mag celebrate pero wag naman sana ganito ka sobra! Diba sabi ko wag kanang uminom? Paano ka uuwi ng ganyan? Si Tim lasing na din oh! Sinong mag hahatid sayo?!" Galit kong pagkasabi.

Wala itong imik at tinititigan lang ako ng mapupungay nitong mga mata.

" Hindi ka magsasalita kasi tama ako? Ayokong ganyan ka Yumi. Alam kong wala akong karapatan para pigilan ka pero please naman kahit ngayon lang makinig ka sakin."

"Ang dami mong sinasabi Aira. Halika nga dito!"

Bigla ako nitong hinawakan sa leeg at hinalikan sa labi. Isang malakas at madiin na halik.

Tumagal ng halos tatlong segundo na magkadikit ang labi namin bago ako kumalas.

Nagulat ako at hindi nakapagsalita sa ginawa niya. Siya naman ay nakatitig lang din sa akin.

Ang dami kong gustong sabihin at itanong sa kanya. Pero ni isa walang lumabas sa bibig ko. Sobrang lakas ng kabog ng bidbid ko na parang puputok ang puso ko. Parang ayaw ng mag function ng utak ko sa mga oras na ito.

Wala akong ginawa kundi ang tumakbo. Tumakbo papalayo sa kanya. Iniwan ko si Yumi sa kinatatayuan niya.

Iniwan ko siya.

Kailangan ko siyang iwan.





















The Missing Piece (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon