6: WWIII

2.3K 55 9
                                    

Aira

Pauwi na kami ni Camille ng napansin kong parang may maasim akong naamoy. Si Tim lang naman ang maasim pero di siya namin kasama ngayon kasi may practice pa siya.

"Naamoy mo ba yun Cams? Kanina pa yan eh." Tanong ko sa kanya.

"Ang alin?"

"Yung parang maasim."

"Huh?! Eh baka may panis na pagkain kana naman diyan sa bag mo?"

Agad kong binuksan ang bag ko para tignan. Halos sumigaw ako sa nakita kong laman ng bag ko. Kulay pula na malagkit.

"ANO TO?????!!!!! Pvch@ naman ano to Cams?!!"

"Bakit?! Patingin nga!!!"

Agad kong iniabot kay Camille yung bag ko.

"Eh ketchup to eh. Bat nandito to?! Ano bang kinain mo?!"

"Ketchup nga! Bwiset!!!!"

Isa lang ang pumasok sa utak ko kundi si Yumi! Ang bwiset na babaeng yun!!!!"

Gusto kong mamuntok sa sobrang galit. Agad kong kinuha sa loob ng bag ko ang mga libro tsaka notebook ko. Pati calculator ko kay punong puno ng ketchup.

"Sino ba may gawa niyan Ai?!"

"Edi sino pa kundi si Yumi!!!"

"Huh?! Sigurado ka?!"

"Oo naman. Sino paba gagawa sakin nito?!"

"Eh nakita mo bang ginawa niya yun?"

"Hindi!!!"

"Oh! Edi wag ka munang mag bintang."

"Siya lang ang gagawa nito sakin Cams. Natapunan ko kasi ng ketchup yung project niya noong friday. Di ko naman sinasadya yun eh!!!!! Gusto niya talaga ng gantihan ah!!! Sige!!!"

"Ai kalma ka lang. Okay?!"

"Paano ako kakalma? Tignan mo nga tong mga gamit ko. Magagamit ko pa ba to?! Bwiset!!!! Ugrrrr!! Humanda siya sakin bukas."

"Ai please. Chill kalang ha? Baka anong mangyari sayo."

"Di tama to Cams!!!! Humanda talaga siya sakin."

"Di mo siya basta basta maaway kasi wala ka namang ibidensya. Tsaka just think of it. Sino ba may kasalanan? Nag sorry kaba sa kanya na nagawa mo sa project niya? Hindi diba?"

Napaisip ako sa sinabi ni Camille at naalala ko ang nasira kong project niya. Hindi naman talaga ako nag sorry sa kanya at kasalanan ko din naman yun kahit na hindi ko sinasadyang matapunan ng ketchup. Naalala ko din ang pagwalk out niya habang umiiyak kaninang umaga.

"Bago ka makipag away, isipin mo muna kung nasa tama ka talaga. Mag gagantihan lang kayong dala at di kayo mamatapos sa pagaaway. Gusto mo ba yun Ai?"

"Ayoko din naman ng kaaway no pero sobra naman yata ang ginawa niya sa gamit ko."

"Oo nga, sobra ang ginawa niya pero may magagawa kapa ba kung aawayin mo siya? Ikaw lang din ang mahihirapan."

"Para kang si Mama! Oo na!!! Hayyyy! Nakakainis lang kasi."

"Akin na nga yan. Linisin nalang natin. Patas na kayong dalawa. Kausapin mo nalang siya bukas."

"Humanda siya sakin bukas!"

"Oh ayan kana naman. Sabi ng wag kang makipag away eh. Kakagaling mo lang sa ospital diba?"

"Eh papatayin talaga siguro ako nitong Yumi na to eh."

"Ako muna ang papatay sa kanya bago niya magawa sayo yan!"

"Hahahahha. Ikaw tong nagbabait-baitan kanina tapos ngayon papatay ka na? Hahahahahah baliw ka talaga Camille!"

"Hahahaha. Talaga naman no! Oh ayan, medyo malinis na."

"Thank you Cams ha?"

"Bsta ikaw! Tara na? Ayan na yung taxi oh!"

"Tara."

Pagdating sa bahay ay agad akong sinalubong ni Mama.

"Oh bat ginabi ka? Kasama mo bang umuwi si Camille?"

"Opo Ma. May ginawa pa po kasi kami sa school."

"Anong nangyari diyan sa mga gamit mo? Dugo ba yang nasa uniform mo???!!!!!"

"Hindi po, kalma kalang Ma. Ketchup lang po to. Natapon po kasi kanina sa pag ko habang kumakain ako."

"Anak naman eh. Sa susunod nga mag ingat ka. Tignan mo yang gamit mo."

"Sorry po Ma. Akyat na po ako."

"Magbihis kana at kakain na tayo anak."

"Opo"

Agad akong umakyat para mag bihis at nagmadali akong bumaba para kumain. Binilisan ko ang pagkain at umakyat kaagad sa kwarto. Naisipan kong gawin ang project ni Yumi. Papalitan ko nalang yun para may maisapa siya bukas.

Magdamag akong gumaya ng cross-stitch hanggang sa inumaga na ako. Hindi ko alam kung bakit pinagpupuyatan ko ba to para sa kanya pero na gi-guilty ako pag naalala ko ang pag iyak niya. Ayoko namang dahil sakin ay bagsak ang grades niya sa first grading.

Kinabukasan ay dumiretso ako sa TLE classroom namin para ipasa ang project ni Yumi. Ngayon kasi ang deadline nito sabi pa ni Tim. Nilagay ko ito sa frame at sinulat ang pangalan niya sa likod.

Wala pa ang teacher namin kaya pinatong ko nalang sa table niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Wala pa ang teacher namin kaya pinatong ko nalang sa table niya. Kahit tatlong oras lang ang tulog ko ay okay lang. Kahit halos pumikit na ang mata ko, at least hindi na ako ma gi-guilty at wala na akong utang kay Yumi.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Missing Piece (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon