17: Pictures

1.7K 48 4
                                    

Monday

"Yumi! Kamusta ang shooting niyo?" Tanong ni Tim sabay lapit nito sa akin habang naka upo ako sa classroom.

"Okay na sana kaso umulan ng malakas. Hindi namin natapos yung last scene."

"Talaga? Kaya pala sinisipon si Aira at inuubo ngayon."

"Huh?! Talaga?!!!"

"Oo. Wait, mukhang concern ka ah! Kamusta pala kayo?"

"Ahhh. Ganun parin. Dedma parin. Mukhang ayaw niya talaga sa akin eh."

"Bat mo naman nasabi?"

"Basta. Nararamdaman ko. Ako na nga nag re-reache out sa kanya pero siya naman itong lumalayo at nagsusungit."

"Pinagsusungitan ka parin niya?!"

"Medyo. Na stranded nga kaming dalawa lang sa cottage eh. Nag-usap kami ng konti tapos- ."

"Talaga nag usap kayo o nag away?"

"Pareho. Tinanong ko siya kung siya ba yung gumawa ng cross-stitch at sabi niya hindi daw tapos nagalit."

"Aba! Tumanggi pa ha! Nahihiya siguro."

"Nakakainis siya. Basta-basta nalang nagagalit sakin kahit wala naman akong ginagawang masama. Bahala siya. Huling beses ka na siyang kakausapin ng maayos."

"Hayyyyy. Aira talaga ko. Pagpasensyahan mo nalang siya Yumi."

"Ubos na pasensya ko sa kanya Tim. Simula ngayon kakalimutan ko nalang na may Aira. I'm gonna act like she doesn't exsist."

"Kakausapin ko siya tungkol diyan."

"Wag na. Baka sabihin pa niya na inuutusan kita."

"Hayyyy. Okay."

Nakita ko kay Tim ang pag-aalala. Hindi naman niya talaga kailangan pag bati-in kami ni Aira eh. In the first place, we never been friends.

~~~~~

After ng lunch ay  nasa classroom na kami at nag hihintay ng teacher namin para sa next period. Tinawag ako ni Marie para tignan daw namin ang mga scene na na edit na ni Aira. Nandoon lahat ng group mates namin kay Aira at nakatingin sa loptop nito kaya lumapit narin ako para tignan.

Mahusay ang pagkaka-edit niya. Para siyang professional kung gumawa ng video.

"Ai!!!" Tawag ni Camille. Naka tayo ito sa labas ng classroom.

Tumayo si Aira para lapitan si Camille at iniwan kaming nanunuod sa loptop niya. Ng tumayo siya ay ako ang naupo sa pwesto niya.

"Wow ang ganda mo diyan Yumi oh!" Sabi pa ni Marie.

"Ang ganda ng kuha ni Aira. Saktong sakto sa timing." Sabi naman ni Kevin.

"Oo nga. Hahaha!"

"Ibalik mo nga doon sa pangatlong scene."

"Wag muna. Manuod ka nalang kasi."

"Sige na. Diyan oh." Sabay pindot ni Kevin sa next button.

"Wag nga kayong magulo!! Oh ayan na close tuloy." Reklamo ko.

Ang gulo kasi nila Kevin at Marie kaya na close yung pinapanuod namin at bumalik sa home screen.

Dahil ako ang nakaupo sa harap ng loptop ay hinawakan ko ang mouse para hanapin ang folder kung nasaan yung video. Hindi ko inaasahang may makikita akong folder na naka pangalan sa akin.

"Bat may folder ka diyan sa loptop ni Aira?" Tanong ni Marie.

"I-open mo. Tignan natin." Dugtong pa ni Kevin.

I got curious so I opened it. Pagbukas ko ng folder ay puro pictures ko lahat. Karamihan nito ay puro candid photos or stolen shots. Mga picture ko habang nasa booth noong nutrition week, habang nagpa-practice sa covered court at pictures ko habang kasama ko si Philip na nagpa-practice din sa likod ng Science building.

"Bakit puro ikaw yan???" Tanong ni Marie.

"Hindi ko rin alam."

Ng makita kong papalapit na si Aira, I closed it right away.

"Ano? Okay ba?" Tanong nito sa amin. Tumayo naman ako para ibigay sa kanya ang pwesto niya.

"Okay Ai. Galing mo talaga pagdating sa mga ganyan." Sabi ni Marie.

"Di naman. Thank you ha?"

Gusto ko siyang tanongin kung bakit may naka folder akong pictures sa loptop niya pero nahihiya naman ako. Baka sabihin pa niyang pakialamera ako.

~~~~~

Vacant time namin at kasama ko si Marie na nakatambay sa canteen.

"Hindi kaba nagtataka kung bakit may mga pictures ka sa loptop ni Aira?" Tanong nito sa akin.

"Nagtataka din nga naman ako eh. May history ba ng pagiging ano si Aira?"

"Pagiging ano?"

"Pagiging alam mo na!"

"Ano nga?"

"Pagiging lesbian."

"Huh? Parang wala naman yata. Mula grade 7 eh classmate ko na yang si Aira. Ni minsan hindi ko siya nakitaan ng pagkaka gusto sa kapwa niya babae."

"Talaga? Eh bakit ganun?"

"Yun nga lang. Nakakapagtaka diba?"

"Oo nga eh. Meron ba siya dating ibang kaaway?"

"Kaaway? Never kong nakita si Aira na nakikipag away maliban sayo. Mabait yan tapos pala tawa. Ano ba kasi ang pinag awayan niyong dalawa?"

"So ako palang talaga yung unang kaaway niya?"

"Oo. Ikaw lang. Ms. friendship kaya yang si Aira."

"Hindi ko nga rin alam kung bakit galit sakin yan eh. Basta ang natatandaan ko lang eh mula first day of class sinungitan na ako niyan."

"Wala kabang natatandaang ginawa sa kanya?"

"Wala nga eh. Tinanong ko nga siya noong nasa eco park tayo, ayun nagalit lang!"

"Hahahahaha. Baliw talaga yang si Aira."

"Hahahaha. Siguro nga. Na bu-ang na jud kaayo!"

"Ano sabi mo?"

"Hahahahahha. Wala!"

~~~~~~~

Pagkatapos ng klase ay dumiretso akong umuwi. Hanggang sa bahay ay hindi ko maiwasang maisip kung bakit may mga picture ako sa loptop niya. Ayoko naman siyang pagduhan ng kung ano anong mga bagay kasi hindi ko naman makita sa kanya ang pagiging lesbian.

Sakit sa ulo talaga tong Aira na to eh. Di ko alam kung bakit ganito ako ka apektado.


The Missing Piece (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon