31: Master Chef Aira

1.5K 40 12
                                    

Yumi

Matapos naming mag grocery ay nagtungo na agad kami sa bahay nila Aira. Pagdating namin doon ay naghihintay na si Tim.

"Congratulation sa pinaka-mamahal kong best friend!!" Sabay yakap nito kay Aira.

"Tagal niyo naman. Anong lulutuin?"

"Fried chicken tsaka sinigang na hipon." Sagot naman ni Camille.

"Wow! Talaga??? Gusto ko yan!!"

"Lahat naman gusto mo eh."

"Isang lang ang pinaka gusto ko sa lahat. Si Yumi lang." Sabay akbay nito sa akin.

"Kamusta araw mo? Namiss mo ba ako?"

"Okay lang naman. Konti lang!"

"Uyyyyyy. Ang cheesy naman. Pasok na nga tayo." Sabi pa ni Aira.

Pagpasok namin ay agad naman kaming sinalubong ng Mama ni Aira at ipinakilala ako nito sa kanya. Kamukha niya ang Mama niya. Bata pa ito at maganda. Nandoon din ang nakababatang kapatid ni Aira na si Liam. Matangkad na bata at kasundong kasundo ito ni Tim.

Habang nasa sala sila Camille at Tim kasama si Liam ay tinutulungan ko naman si Aira magbalat ng mga ingredients para sa lulutuin niya.

"Ako nalang dito Mi. Sumali ka nalang dun sa kanila sa sala oh."

"Wag na. Tulungan nalang kita dito para mas mabilis."

"Mapapagod kalang eh. Kaya ko na to."

"Ayaw mo ba akong kasama dito?"

"Huh?! Yan agad naisip mo?"

"Eh pinapaalis mo 'ko eh."

"Hindi naman sa ganun."

"Tsaka gusto ko matutong mag luto."

"Ganun ba? Sige tuturuan kita."

"Yehey! Bat parang ang galing mo sa lahat?"

"Uy grabe ka naman. Sa lahat talaga?"

"Oo naman. Magaling ka sa photography. Magaling kang mag edit ng kung ano-ano. Tapos magaling kapang magluto. Ngayon ko lang nalaman na makata karin pala."

"Hahahahah. Yun lang naman ang mga alam ko eh."

"Speaking of pagiging makata, para kanino ba yung piece mo kanina? Ang lalim ng hugot mo ah."

"Yun ba? Hmmmmm. Basta. Wag mo nalang itanong."

"Bakit naman? Di ko ba pwedeng malaman?"

"Wala naman kasi talaga yun. Hindi ko alam pero yun ang salitang naiisip ko eh. Pure free style talaga yun."

"Kung yun ang naiisip mo, sigurado yun din ang laman ng puso mo."

"Ganun ba yun?"

"Wag ka na ngang mag kunwari na di mo alam. Alam ko na alam mo yan nu!"

"Hahahah. Di ko nga alam kung bakit ako pa nanalo eh."

"Ikaw yung nanalo kasi ikaw lang ang nagsalita ng may laman. Yung parang ramdam namin yung bigat ng bawat salita na binibitawan mo. Di gaya ng iba na mahaba yung pyesa tapos madiin din nilang ibinigkas yung mga salita pero parang mga walang laman. Alam mo yun?"

"Yun ba yon?"

"Oo yun yon kaya ka nanalo. Wala ka kasing bilib sa sarili mo. Para kay Calvin yun no?"

"Hindi ah!!! Bakit naman para sa agad sa kanya?"

"Eh syempre siya siguro nagpapasaya sayo ngayon."

The Missing Piece (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon