18: Trying

1.8K 40 1
                                    

Aira

Lunch Time

"Ai? Saan ang punta mo?" Tanong ni Tim habang naglalakad akong mag-isa.

"Kay Camille. Sa student's council. Bakit?"

"Di ka ba kakain?"

"Di na. Pipicturan ko pa yung mga candidate eh. Di kapa din ba kumakain?"

"Di pa nga rin. Sama naman ako."

"Ano naman gagawin mo dun?"

"Edi tutulong sayo."

"Whe? Kunwari kapa. Kaya ka lang naman sasama sakin kasi nandoon si Yumi eh."

"Nandoon ba siya? Hehehe" Sabay kamot ng ulo niya.

"Ayan kana naman. Alam mo na yun eh."

"Hahahaha. Oo na!! Sama na ako. Tara na."

"Basta wag kang magulo dun ha!"

"Opo. Hindi po."

Pagdating namin ni Tim ay nandoon na ang ibang candidates maliban kay Yumi. Nagsimula na akong picturan sila at si Tim naman ay naupo lang sa tabi ni Camille.

Mabilis na natapos ang pag pipicture ko sa kanila kaya naging maluwag na ang kwarto.

"Oh asan na yung Yumi mo? Siya nalang walang picture dito oh." Tanong ko kay Tim.

"Hindi niya sinasagot eh. Baka kumain."

"Wow! Tayo nga di kumain para gawin to tapos siya magpapahintay. Matatapos na yung lunch time oh."

"Kalma kalang Ai. Eto naman masyadong mainit talaga ang ulo pag dating kay Yumi." Sabi naman ni Camille.

"Di naman ah. Kalma lang kaya ako."

"Ai please. I love her so much. Just give her a chance." Seryosong nakiusap si Tim sa akin.

"Seryoso kaba talaga????"

"Oo naman. Please please please."

"Fine. I'll take it easy on her."

"Promise?????!!!!!"

"Oo na. Para sa best friend ko!!!"

"Oh yeah!!! I love you Ai!!!!" Sabay yakap nito sa akin ng mahigpit.

"I'm sorry na late ako. Pwede pa bang magpapicture?" Sabay kaming lumingon ni Tim. Si Yumi pala ang dumating.

"Oo naman!! pasok ka." Sabi ni Camille.

"Halika. Pwesto ka dito oh. Gusto mo pa ba munang mag retouch?" Tanong ko naman ng mahinahon.

"Magsusuklay lang ako. Wait lang."

"Okay, take your time."

Mabilis na ang ayos ng sarili si Yumi at pumwesto na kaagad.

"Ready 1 2 3 smile! Ayan. Okay naba to?"

Pinakita ko sa kanya ang kuha ko at okay naman daw.

"Okay na. Sige, salamat."

"Tapos naba yung iba?" Tanong nito.

"Oo. Ikaw nalang yung hinihintay namin eh." Si Tim ang sumagot.

"Sorry ha? Naiwan ko kasi sa bahay yung wallet ko kaya kinuha ko pa ito kay Dad."

"So hindi kapa din kumakain?" Tanong ko.

"Hindi pa."

"Kain muna tayo. Sabay kana sa amin ni Aira." Yaya naman ni Tim sa kanya.

The Missing Piece (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon