34: Hurt

1.6K 52 35
                                    

Yumi

Hindi ko alam kung anong nagawa kong mali pero napapansin ko na ilang araw ng malamig si Aira sa akin. Kapag kinakausap ko siya ay isang tanong, isang sagot lang. Parang hindi siya ang Aira na kaibigan ko. Maayos pa naman kami mula noong araw na nanggaling kami sa bahay nila at nag dinner ah. Hindi ko talaga maiisip kong anong nagawa ko. Sumasakit na ang ulo ko sa kaka-alala kung may nasabi ba akong hindi maganda o may nagawa ba akong na offend siya?

Ilang beses ko ding sinubukang kausapin siya pero wala. Matipid ang mga sagot niya sa akin at parang wala siyang gana kausapin ako. Hindi ba niya alam na nasasaktan ako?

~~~~~

Kakatapos lang ng Chemistry class namin ng naisipan kong lapitan ulit siya. Naisipan kong lambingin siya at baka sakaling madala pa.

Iniyakap ko ang isa kong kamay sa bewang niya habang nagbubura ito ng white board. Nagsilabasan na ang iba namin ka klase at konti nalang nag natira sa loob ng laboratory. Nag-isip ako ng iba palusot para makausap lang siya. Sinubukan kong humiram ng notes pero tumanggi ito. Alam kong nagsisinungaling siya na hihiramin ni Marie kasi hindi siya makatingin ng diretso sa akin pero hinayaan ko nalang. Gusto ko din siyang yayaing mag lunch pero hindi daw siya kakain kaya nagpaalam nalang ako sa kanya.

Habang nasa canteen na kami kasama sila Marie at iba pa naming classmates ay nakita kong bumibili ng pagkain si Aira at kasama pa si Calvin. Nag tatawanan pa silang dalawa at parang ang saya-saya.

Akala ko ba hindi siya kakain?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Akala ko ba hindi siya kakain?

Oo, nasaktan ako sa nakita ko kasi nagsinungaling siya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oo, nasaktan ako sa nakita ko kasi nagsinungaling siya. Pwede lang din naman niya akong sabihan na ayaw niya akong kasama kumain eh.

~~~~~

Pagkatapos ng lunch ay agad na kaming dumiretso sa classroom. Dumating na ang teacher namin at wala pa si Aira. Nagsimula na ang klase ay nakita ko siya sa labas kasama si Calvin. Nagmamadali itong pumasok sa classroom at dumiretso sa upuan niya.

Nagtataka ako kung saan sila galing na dalawa. Gustong gusto ko siyang tanongin pero natatakot lang ako na baka umiwas lang siya sakin. Buong araw hapon niya akong hindi pinapansin at hindi ko to gusto. I feel so down at gusto ko ng umuwi at umiyak.

Uwian na ng nagkita kami ni Tim. Kakatapos lang ng practice niya at nagyaya itong kumain sa labas, pumayag naman ano.

"Bat parang ang tahimik mo? May problema ba?" Tanong nito sa akin habang naghahanap kami ng pwedeng kainan sa mall.

"Ah w-wala."

"Sure ka? Kanina kapa ganyan."

"Hayyy. Sorry ha?"

"Ano ba kasi ang problema. Baka makatulong ako."

"Si Aira kasi eh."

"Huh?! Bakit? Inaway kana naman ba niya?"

"Hindi naman pero parang iniiwasan niya 'ko."

"At bakit naman? Nagkasagutan ba kayo?"

"Hindi. Kinabukasan noong nanggaling tayo sa bahay nila. Yung nagluto siya, naalala mo? Yun, naging parang cold na siya sa akin pagkatapos nun."

"Talaga? Bat ganun? Sige, kakausapin ko siya."

"Naku wag na. Baka assuming lang ako."

"Hindi ka naman mag aasume kung walang naging iba sa pakikitungo niya sayo diba? There must be something wrong."

"Hayyyy. Nakakalungkot nga eh."

"Dont be sad na. Tatanongin ko nalang siya mamaya."

"Okay. Sige. Ganyan ba talaga si Aira? Parang di ko siya magets minsan eh."

"Alam mo kasi si Aira hindi yan plastic. Pag ayaw niya sayo, ayaw talaga niya. Pag gusto ka niya, ang daming niyang ginagawang paraaan para maging close kayo."

"Paano siya magalit?"

"Kapag nagalit yan eh panandalian lang. Hindi naman nagtatanim ng galit yan kahit kanino eh."

"Baka sa akin palang."

"Hindi ah! Kahit nga di kayo bati dati nararamdaman ko na may malasakit parin siya sayo. Naalala mo yung cross stitch na ginawa niya? Oh diba?"

"Tama ka nga. Eh paano siya mag mahal?"

"Mag mahal? Hmmmmm. Hindi pa kasi nagkaka-boyfriend yang si Aira eh. Pero kapag mahal ka niya, gagawin niya lahat para sayo. Yung tipong willing siya mag sacrifice para sayo. Ganyan siya sa akin tsaka kay Camille."

"Hayyyy. Ano kaya ang nagawa kong mali? Bakit siya ganito sa akin ngayon?"

"Malamang may rason yan. Kinausap mo na ba siya?"

"Hindi. Iniwasan kasi niya ako."

"Malalaman natin yan. Kakausapin ko talaga siya mamaya kahit tumanggi siya ay pipilitin ko parin."

"Talaga? Salamat Tim ha?"

"Oo naman. Basta para sa mahal ko."

Napangiti nalang ako sa sinabi na Tim. Sa Tokyo Tokyo kami kumain ng dinner kasi mahilig talaga ito sa Japanese food. Pagkatapos naming kumain ay inihatid pa ako nito sa bahay. Kahit papano ay napa gaan ni Tim ang dinaramdam ko. Sana naman bukas ay maging ok na lahat sa amin ni Aira. Hindi naman tama ang bigla nalang niya akong iwasan ng wala namang rason. Kahit hindi niya aminin ay alam kong may mali.







~~~~~~~

Hello mga mahal kong readers. Sorry po hindi ako nakapag update ng ilang araw kasi nag summer outing din yung author niyo eh. Kaya eto, negra na. Hahahah.

Kamusta po kayo? Inom ng maraming tubig at kumain ng maraming ice candy para cool parin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Kamusta po kayo? Inom ng maraming tubig at kumain ng maraming ice candy para cool parin. Hehehhe.

Babawi po ako sa inyo. ❤️
Maraming maraming salamat sa support. Nabubuhay ako at ginaganahan kapag nag cocomment  kayo at vote. Salamat talaga ng super super dami.

The Missing Piece (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon