Chapter 21: A DATE ???

Start from the beginning
                                    

Napaupo ako sa sahig at nagulat nalang ako ng may kamay na inabot sa akin. Dahan dahan kong inangat ang ulo ko at nagulat nalang ako ng makita ko si Levi.

"S-salamat." sabi ko ng tulungan niya akong makatayo.

"Hey you." nakita ko si Renalyn na nakasimangot na lumapit sa amin.

Nagulat nalang ako ng hilain ako ni Levi. Nalagpasan na namin si Jamie at nabigla nalang ako ng pagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya.

Napatingin ako sa mga estudyanteng nakapalibot sa amin. Nakita ko ang pagkagulat nila at narinig ang ilang bulungan tungkolsa akin. "Totoo nga yung chismis na nangyari sa canteen." Narinig kong sabi nila.

Naalala ko ang nangyari sa canteen nung isang araw nang sabihin ni Levi na girlfriend niya ako.

Nagulat nalang ako ng inilapit niya ang kanyang bibig sa tenga ko. Naramdaman ko ang hininga niya. Medyo malamig. "Sumakay kana, hahatid na kita." , sabi niya.

"Levi?" ,napalingon ako ng magsalita si Renalyn.

"Sumakay kana." ,utos ni Levi kaya sumakay narin ako dahil sa sinabi niya.

Pagkasakay ko ay sumakay  narin agad si Levi tsaka isinara ang pinto ng kotse na hindi pinansin si Renalyn. Napatingin ako kay Renalyn at ang sama ng tingin niya sa akin na napasigaw pa ata sa inis.

Umalis na kami at naiwan namin si Renalyn na naiinis. Si Jamie na natutulala at ang mga estudyante ng AUS na pinag-usapan kami.

Napatingin ako kay Levi. Seryoso ang mukha niya. Nakakatakot. Gusto ko siyang kausapin at tanongin kaso baka bigla nalang ako sigawan.

Ngunit naglakas na ako ng loob para kausapin siya. "Hey? Bakit mo na naman ginawa yun?"

Napalingon siya. "Yung alin?"

"Baka yung kanina po. Ang weired mo. Nakakainis ka. Paano kong mas lalo talaga ako pag-initan ng mga yun? Haist." ,napacross arm nalang ako at nakatingin sa harapan.

"Salamat pala."  Napatingin ako sa kanya.

"For what?" Napaisip ako.

"Kasi andun ka kanina."

"Huh? Anggulo mo Mr. Fuentes. Pwedi bang deretsohin muna?" ,nakakainis na ewan. Pero napapangiti rin ako kasi bumabait na nga siya talaga sa akin.

"Ayaw mo ba umuwi?." ,sabi niya. Bigla niyang hininto yung sasakyan niya.

"Huh? Akala ko ba ihahatid mo ako?"  Nang mapatingin ako sa labas ay nasa amin na pala ako.

Napangiti ako. "Okey bye." Hindi man lang niya sinagot yung tanong ko. Disadvantage din talaga para sa mga malalapit ang bahay kung may moment na ganito.

"Teka!" Narinig kong pigil niya nang buksan ko na yung pinto ng sasakyan para lumabas.

Humarap ako sa kanya. "May pupuntahan tayo." Nakangiti niyang sabi. Napakagat nalang ako sa kuku ko at napangiti sa kilig. Ewan. Pero kinikilig ako. Hmmmm.

Umalis na kami at sandali pa'y hininto na niya ang kotse niya sa isang tabi. Madilim narin ng makarating kami. Napatingin ako sa labas. Anong gagawin namin dito sa park? Napaisip ako.

Lumabas siya at ganun din ako. Napatingin ako sa paligid. Napapangiti ako sa mga nakikita ko. Ang ganda ng mga makukulay na light post sa paligid. May musikang nakakarelax. Ngunit napaisip ako ng may makita akong ilang mga couples na naglalakad. What the . . .

"Hey, let's go." Sabi niya at naunang maglakad. Napatingin lang ako sa kanya ng nilingon niya ako. "Ano?" Ngumiti lang ako at sumunod na sa kanya.

"Levi, gagawin natin dito?" ,pangungulit ko sa kanya. Ngunit hindi siya sumagot at nagulat nalang ako ng hawakan niya ang kamay ko. Hindi ako nakaimik at tahimik lang na nakasunod sa kanya.

The Lucky 6 and IWhere stories live. Discover now