Samantalang siya ay halos nahihilo na rin sa kanilang iniinom at tiyak niyang ilang shot na lang ay malalasing na siya na siyang ayaw niyang mangyari. Kaya't pinipilit niya ang sariling huwag magpadala sa hilong nararamdaman niya dahil tuwing nalalasing siya ay hindi na niya naaalala ang kanyang ginagawa.

Ilang shots pa ang pinagsaluhan nilang tatlo at ang dalawang babaeng kasama niya ay nag-eenjoy habang siya naman ay hindi na niya mapigilan ang sarili. Nalalasing na siya at mayamaya lang ay tiyak niyang mawawala na siya sa kanyang sarili.

SANDALING nagpaalam si Neszie para pumunta ng comfort room dahil nakaramdam na naman siya ng tawag ng kalikasan. Napapadalas na ang pagpunta niya sa banyo at nakaramdam na siya ng hilo hudyat na nalalasing na siya. Pero hindi pwedeng malasing siya dahil hindi pa tapos ang misyon niya.

Napag-alaman kasi niya mula sa kaibigan si Marivic kanina nang nagkukwentohan sila habang umiinom na nawawala raw sa sarili si Jz kapag nakainom at nalalasing. Sabi pa ng kaibigan nito ay hindi nito maalala ang pinanggagawa kapag lasing ito. Kaya sinadya niyang damihan ang iniinom na wine nina Marivic at Jz para mas maunang malasing ang mga ito kaysa sa kanya. Nang sa gano'n ay makausap niya si Jz tungkol sa plano na naman niyang pag-apply rito bilang P.A nito.

Pumasok siya sa banyo nang marating iyon at mabilis na nagbawas. Nang matapos ay naghilamos siya para matanggal ang kalasingang nararamdaman niya. Humarap siya sa salamin at pinunasan ang basa niyang mukha gamit ang tissue. Namumula na ang mukha niya at nakaramdam siya ng pangangapal niyon kaya mahina niyang tinampal-tampal ang sariling mukha sa harap ng salamin.

"Hindi ako lasing...hindi ako 'pwedeng malasing. Kailangang mapilit ko muna si Jz para maging P.A niya ako, nang sa gano'n ay makakasama ko na siya araw-araw." Wika niya sa sarili sa harap ng salamin. At ilang sandali pa siya roon bago lumabas ng banyo. Naabutan niya ang kaibigang si Marivic na nakalaylay na ang ulo sa sofa samantalang si Jz ay may hawak pa ring baso sa kamay nito na tila wala na ito sa sarili.

Lasing na ba ang asawa ko? Well, kung lasing na siya, 'pwede ko na siyang kausapin.

Napangiti siyang lumapit dito at naupo sa tabi ng binata. Napatingin naman ito sa kanya at ngumiting itinaas ang wine glass nito. "Gusto mo pa? ipagsalin na kita," aniya rito.

"Sure," nakangiting itinaas pa nito lalo ang wine glass nito.

Inabot niya ang nangangalahating bote ng wine at ipinagsalin ang binata. Agad nitong nilagok iyon na parang tubig lang at muling humingi sa kanya ng wine na siya namang nilagyan niya muli. 'Pwede na niya sigurong buksan ang paksang kanina pa nagsasayaw sa isipan niya.

"Ahm, Jz..."

"Yes?" napatingin ito sa kanya kaya napakagat labi siya. Paano't hindi siya mapapakagat labi eh ang tumama ang paningin niya sa super duper red and kissable lips ng binata. Hindi pa niya napigilang mapalunok ng kanyang laway ng muling ngumiti sa kanya ang binata. At ang puso niya gusto na naman lumandi, pero hindi 'pwede. Kailangan niyang pigilang lumandi ang puso niya. "What is it?" ulit pa nito na hinawakan siya sa kanyang kamay. Muli siyang napalunok ng laway na sinundan ng tingin ang kamay nitong hawak ang kamay niya.

"May sasabihin sana ako," aniyang hinayaan ang kamay nito na nakahawak sa kanyang kamay. Hindi na siya nag-abala pang tanggalin iyon dahil iyon naman talaga ang gusto niya. Kung 'pwede nga lang na yakapin din siya nito ay tiyak na sasaya pa lalo ang puso niya. Malandi na kung malandi pero iyon talaga ang nasa isip niya, ang mayakap at madama niya ang abs ng inaangkin niyang asawa. "Naririnig mo ba ako? May sasabihin ako sa'yo," ulit niya ng hindi magsalita ang binata. "Jz, Jz, tulog ka na ba? Pukaw niya pa rito nang kusang pumikit ang mata ng binata at lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay.

Hindi 'pwede! Kausapin mo muna ako Jz!

"Jz, gumising ka muna, may sasabihin pa ako sa'yo," muling pukaw niya na hinila sa matigas nitong braso ang binata.

"Hmm?" pinilit nitong imulat ang mga mata sa kanya at napakunot noo ito saka tumawa ng mahina. "Go ahead, makikinig ako," sabi nitong ipinikit muli ang mga mata.

"Kasi gusto ko talagang maging P.A mo. 'Di ba sabi kanina ni Marivic kailangan mo ng P.A para may naghahanda ng mga gamit mo? Para hindi ka na mahirapan pa at ako na ang bahala sa'yo, sa mga kakailanganin mo. Please Jz, kunin mo na akong P.A mo please. Promise, gagawin ko ang lahat para sa'yo, kahit na mag-overtime ako, okay lang. Kahit palinisin mo pa ako nitong bahay mo okay lang din sa akin. Kahit nga lahat lahat ng ipapagawa mo sa akin ay gagawin mo, basta tanggapin mo lang ako bilang P.A mo." Mahaba niyang wika sa binatang hindi nakapagsalita. "Jz, please...I'll do what you want me to do, promise." Dagdag pa niya.

Unti-unti nitong iminulat ang mga mata at sandali siyang tinitigan. "Is that what you want?" he sighed.

"Yes."

"Then you're hired." Ngumiti ito.

"T-talaga?! Yes!" napatayo siya at ipinalakpak ang mga kamay sa sobrang saya sa pagpayag nito na maging P.A siya nito. At ipinapangako niya na ito na ang simula ng love story nila ng lalaking pinakamamahal niya.

Natigilan siya ng bigla na lamang napayukyok sa kinauupuan nito ang binata. And great! 'Cause he fall asleep habang siya na lamang ang natirang nasa tamang katinuan dahil kanina pa nakatulog ang kaibigan niyang si Marivic at maging ang pinakammahal niyang lalaki dahil sa kalasingan.

Kailangan niyang maipasok ang dalawa sa kwarto at sa guest room naman si Marivic bago niya lisanin ang bahay ni Jz. Tiningnan niya ang kanyang relongpambisig at mag-aalas otso na ng gabi. May oras pa siya para maiayos ang dalawa sa kwarto. Nang sa gano'n ay matuwa naman sa kanya ang lalaking mahal niya na siya ng magiging boss niya dahil sa pagtanggap nito sa kanya bilang P.A nito.

Ngumiti siya ng sobrang lawak dahil sa sobrang galak. Hindi rin kasi niya inaasahan na papayag ng gano'n kadali si Jz sa pag-apply niyang P.A rito. Nilingon niya ang binata sa kanyang tabi at inumpisahan niyang ilipat ito sa kwarto nito sa taas. "Damn, ang bigat," nausal niya ng muntikan siyang mawalan ng balance sa pag-alalay kay Jz na maiakyat sa taas. "Kunting tiis lang at makaka-akyat na tayo sa taas," aniya sa sarili at itinuloy ang pag-alalay sa binata.

Love Shot by CatchMe (Complete)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang