Chapter X: Final

41 4 1
                                    

Third person's POV

Nasa kinalalagyan na nga ngayong silid ng Spirit ring sina Demon, ang mga Spirit guides at ang Genesix.

Pumagitna si Athenna para kunin ang kasalukuyang nakalutang na singsing sa ibabaw ng isang kulay puting poste na may habang isang metro.

"Gamit ang singsing na ito maari nating tawagin ang espirito ni Hellius at tanungin siya sa mga bagay-bagay. Sa paarang iyon mas mapapadali ang inyong trabaho at mawawala na rin ang aming pag-aalala..." sabi niya at isinuot ito sa kanyang gitnang daliri sa kanang kamay.

Biglang umilaw ang batong nakakabit dito ng kulay berde maging ang mga mata ni Athenna.

"Tinatawagan kita, magpakita ka sa akin..." sabi niya at biglang may narinig silang parang pagsabog sabay sa enerhiyang lumabas mula sa singsing.

Napapikit silang lahat dahil sa lakas nito at sa pagmulat nila ay nasa harap na nila ang ispirito ni Hellius. Suot pa rin nito ang napakabigat nitong gintong baluti o armor at mapapansin ang hugis araw na marka sa gitna ng kanyang dibdib.

Mabilis na naghanda sina Demon gamit ang kani-kanilang kapangyarihan

К сожалению, это изображение не соответствует нашим правилам. Чтобы продолжить публикацию, пожалуйста, удалите изображение или загрузите другое.

Mabilis na naghanda sina Demon gamit ang kani-kanilang kapangyarihan.

"Huwag kayong mag-alala, hindi na niya tayo masasaktan dahil purong multo na lang siya. Maaari niyang subukan ngunit tatagos lamang ang kanyang mga atake at madidismaya lang siya..." sabi ni Athenna.

"Ano ang kailangan ninyo sa akin?" sabi ni Hellius gamit ang mababa niyang boses.

"Hellius..." dahan-dahang sabi ni Demon.

Nilingon ni Hellius si Demon at bigla itong napangiti.

"Munting Demonyo..." sabi niya.

"Hellius, may mga katanungan kaming nais naming masagot mo..." sabi ko.

"Tanong?" --

"Oo tanong. Tanong tungkol sa pinagagawa mo dati at kung may kinalaman pa rin ba kayo sa mga nangyayari ngayon..." sabi ko.

"Tungkol ba ito sa mga jewelsphere? Kung sa gayon kumikilos na ang aking kapatid..." sabi niya.

"Kapatid? Sagutin mo kami ng maayos!" napasigaw si Demon.

"Alam niyo kasi, isang maliit lang na parte ang mga jewelsphere sa malaki naming plano..." biting sabi ni Hellius.

Makikita naman sa mukha ni Demon ang pagkapikon.

Bigla namang iniangat ni Athenna ang kanyang kamaong may singsing at bigla itong nagliwanag na siyang nagpahirap kay Hellius. Bigla itong nabalutan ng kulay berdeng kuryente kaya napaluhod ito sa sakit.

DETECTIVE DEMON: INTO THE SPIRIT WORLD (CSU SERIES #10)Место, где живут истории. Откройте их для себя