Chapter VII: Shaman

24 4 1
                                    

Demon's POV

Umakyat nga ako sa rooftop kung saan kasalukuyang nag-iinsayo si Azumi.

Pag-akyat ko pa lang ay alam ko na agad na nandito siya dahil sa bango ng mga petals na kanyang ipinalalabas sa kanyang mga palad.

Pagdating ko ay agad ko siyang nakita na suot lang ang isang kulay rosas na sleeveless na damit at hanggang tuhod na shorts na kulay itim. Nakatali ang kanyang buhok pataas na lumilikha ng bilog na hugis kaya naman kitang-kita ko ang kanyang dalawang matutulis na tenga na namumula pa ng kaunti.

Hawak niya ang isang mahabang kahoy habang ipinaiikot ito sa kanyang mga kamay at katawan at sa hangin na may sumasabay pang petals na kulay pink na lumilipad na para bang mga paru-paro.

Ayon sa dami ng kanyang pawis na makikita sa kanyang dibdib at bandang tenga, sa palagay ko'y ilang minuto na siyang nandito.

"Azumi..." pagbati ko.

"Oh Demon... Whoo..." sabi niya at huminga. Kinuha niya ang isang tuwalyang nakasabit at pinunasan niya ang kanyang pawis.

"Ang aga mo yata ngayon? Dati naman ako ang nauunang magising sa'yo ah. Bago 'to ah..." sabi ko.

"Ah oo nga eh. Hindi ko nga rin alam basta't nagising na lang ako bigla kanina kaya pumunta na lang ako rito at nagpapawis..."

"Maganda na rin 'yun dahil aalis na tayo..." sabi ko.

****************

Nandito na kami ngayon sa gitna ng mansion sa unang palapag. Nakatayo kami habang nakapabilog na posisyon na para bang ginagaya namin ang hugis ng mat na kulay lila na bilog din.

Suot-suot namin ang aming nga costumes na para bang mga superheroes kami. Astig ah.

Mr. Deathcold is supposed to be with us, kaso hindi naman natin nakokontrol ang ibang bagay, kaya naman hindi na siya makakasama.

"Ngayong araw ang tunay na simula ng ating misyon. Tandaan ninyo ang araw na ito. Oo't may mga kapangyarihan kayo pero 'di 'yun nangangahulugang handa na kayo. Maging alerto pa rin kayo sa kung ano mang panganib ang dumating. Laging tandaang nakasalalay sa atin ang buhay ng sinuman. Dapat tayo ang maunang humanap sa bagay na iyon bago pa mahuli ang lahat..." sabi ni Greenwizard.

Bigla namang humirit si Speedfire...

"Teka lang ha, 'di ko kasi mapigilan. Hindi ba nasabi niyo na may tagapagbantay ang Spirit ring na ito? So bakit kailangan pa natin itong kunin?"

May punto nga naman siya.

"'Di tayo nakasisigurong mabuti o masama ang tagapagbantay na ito... At isa pa, makapangyarihan din ang mga kalaban natin kaya maari rin nilang kalabanin at sapilitang kunin dito ang singsing..." sabi ni Greenwizard.

"Kaya mas mabuting tayo ang mauna... B..." sabi ko sabay senyas kay Blackhole na agad namang lumikha ng portal sa taas ng mga ulo namin na mabilis kaming nilamon at nawala na lang bigla.

************

Third person's POV

Samantala sa loob naman ng tinatawag nilang Spirit World na kung saan ang paligid ay nababalot ng kulay berdeng ilaw at usok. Sa isang nakalutang na malaking bato na may nag-iisang punong kahoy na nakatayo ay makikita ang isang lalaking kalbo na nakaupo habang nakapikit na para bang nagme-meditate.

Humihinga siya ng malalim habang parang may iniisip ding malalim.

Bigla namang nabasag ang kanyang katahimikan nang bigla na lang may nagpakitang pusa na para bang gawa sa kulay berdeng usok o para bang multo at biglang ginulat ang lalaking ito.

DETECTIVE DEMON: INTO THE SPIRIT WORLD (CSU SERIES #10)Where stories live. Discover now