Chapter VIII: El Fuego

28 5 1
                                    

Demon's POV

Nakarating na nga kami sa bayan ng El fuego. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman na para bang nakarating na ako rito.

Kagayang-kagaya ito ng aking inaasahan at kung ano ang itsura nito ayon sa paglalarawan ni ina sa mga kwento niya.

Ang bayan na ito ay may mainit na klima, na sa sobrang init ay buhangin na ang natatapakang lupa at may makikitang mga cactus sa paligid. Para siyang isang western-style town o para bang 'yung sa mga cowboy movies.

Pumasok muna kami sa isang bar o saloon para magtanung-tanong.

Pagpasok ay sinalubong kami agad ng masasamang tingin galing sa mga kalalakihang umiinom na halos nakasumbrero.

"Okay, what a nice welcome..." bulong ni Mindfreeze.

"Tumahimik ka nga..." pagsaway ni Petalfury sa kanya.

Makikita sa kanilang mga mukha ang halatang pagkataka dahil na rin sa pagkakaiba ng suot namin.

At kami na nga ay nagpatuloy at pumunta sa mahabang counter. Makikita ang isang matabang lalaki na tadtad ng tattoo na nasa harap na siyang barista rito.

"Ah... Pwede bang magtanong?" sabi ni Speedfire.

"Nakaisa ka na..." pilosopong sagot ng lalaki.

"Oh sige, pwede bang magtanong ng dalawang tanong?"

"Nakatatlo ka na..." --

"Tatlo, huh, paano?" pagtataka ni Speedfire at biglang napamura. "Ay p*ta."

Bigla namang hinatak ni Petalfury ang kwelyo ng lalaki kaya napasubsob ito sa counter.

"Makinig kang baboy ka, wala kaming oras para makipagbiruan. Kaya naman 'pag tinatanong ka ng maayos, sagutin mo rin ng maayos, maliwanag?" pikon niyang sabi.

"Matapang ka binibini..." sabi ng lalaki at biglang napatingin sa likuran namin sa kadahilanang napalingon din kami.

Nakatingin sa amin ngayon ang lahat ng lalaki na nakatayo na at handa nang umatake.

Nag-stretching naman ako at sinabing...

"Haaaaayy... Hindi ko 'to inaasahan ah..." at napangiti.

"Hindi mo na kailangang mag-aksaya pa ng oras Demon. May malaki pa tayong problemang dapat na masolusyonan" sabi ni Greenwizard.

"Hindi G, mukha kasing masaya 'to. At isa pa mukhang naghahanap kasi sila ng sakit ng katawan..." sabi ko at ngumiti.

"Umiral na naman 'yang pagkademonyo mo Demon..." hirit ni Petalfury at binitiwan ang lalaki ng mapwersa kaya bumagsak ito.

"Alam niyo naman 'di ba na kaya ko silang talunin sa loob lang ng isang segundo?" sabi ni Speedfire.

"Huwag na, ako na lang. Gamit ang yelo kong kapangyarihan ay mabilis ko lang silang matatalo..." sabi ni Mindfreeze.

"Mapapansin niyong halos buhangin na ang lupa nila rito kaya malaki ang aking pagkakataong matalo sila..." sabi ni Sandsurfer.

"Bakit 'di na lang natin sila kalabanin ng walang ginagamit na kapangyarihan?" sabi ni Blackhole.

"Magandang ideya 'yan B..." sabi ko.

"Tama na ang satsat atake na!" sigaw ng isang lalaki at binasag ang isang boteng baliktad niyang hinahawakan para gawing pansaksak.

"Tayo na!" sigaw ko at inatake na nga sila at sumabay na nga rin sina Blackhole maliban na lang kina Petalfury at Greenwizard.

Kinakalaban namin sila ngayon nang hindi gumagamit ng kapangyarihan o sandata.

DETECTIVE DEMON: INTO THE SPIRIT WORLD (CSU SERIES #10)Where stories live. Discover now