Abot tenga ang ngiting nakaukit sa labi ko habang lihim na pinapanood at pinapakinggan si James mylabs na kumakanta. Bahagyang nakabukas ang pinto ng kanyang kwarto kaya malaya ko siyang nakikita.

"If you just realize what I just realized,
Then we'd be perfect for each other,
And we'll never find another.
Just realize what I just realized.
We'd never have to wonder if
We missed out on each other now."

Hindi ko rin talaga masisisi ang mga babaeng nagkakandarapa sa lalaking ito. He's almost perfect. Sobrang swerte ng babaeng mamahalin niya.

"Huy Puritz! Susmaryusep! Sinisilipan mo si Fafa James?!" Halos mapasigaw ako sa biglaang pagkalabit sa akin ni Rafa. Pinandilatan ko siya at sinenyasan na tumahimik.

"Hindi ah! Ba't ko naman sisilipan ang asawa ko? Pinapakinggan ko lang siyang kumanta 'no," mahinang usal ko. Tumaas ang manipis niyang kilay saka dinungaw si mylabs sa kwarto nito.

Nanlaki ang mga mata ng juding at pagkaraa'y ngumisi nang malaswa. "Hindi pala sinisilipan, huh. Naku Puritz, kahit kailan talaga sinungaling ka," anitong ikinakunot ng aking noo. Bahagya rin akong dumungaw sa pinto at muntikan pa akong mapatili nang makitang halos nakahubo na ang asawa ko. Nakasuot lamang siya ng boxer at palagay ko'y huhubarin niya pa ito.

"Ayan na... OMG!" Agad kong hinila ang naglalaway nang juding palayo roon bago pa man maalis ni mylabs ang natitirang saplot niya sa katawan.

"Walang'ya ka Puritz! Ayun na yun eh! Ang KJ mo talagang bruha ka! Makakakita na ulit sana ako ng little junjun ng ibang fafa sa totoong buhay!"

Walang tigil sa kangangawa ang juding hanggang sa makarating kami sa labas ng rest house. Hindi ko na lang ito pinansin hanggang sa umalis ito dahil sa pagtawag ng boyfriend niyang si John.

Naupo ako sa buhangin at inaliw ang sarili sa panonood sa mga tao sa paligid.

"Pwede tumabi?" Inangat ko ang ulo ko para makita ang asawa ko na may dalang gitara. Marahan akong tumango at lihim na ngumiti nang tabihan niya ako.

"Marunong ka nito?" tanong niya habang nilalaro ang mga strings ng gitara.

"Hindi eh," iling ko.

"Do you want me to teach you?" Naexcite ako sa tanong niya. Tumango ako kaya iniabot niya sa akin ang gitara. Hinawakan ko iyon katulad ng pagkakahawak niya.

"Ganito ba?" Nagsimula akong mag strum na ginagabayan niya. Nakakakilig lang sa tuwing nagdidikit ang mga balat namin. Ang lapit niya. Amoy na amoy ko kung gaano siya kabango lalo pa at kagagaling niya lang sa ligo.

Pagkatapos niya akong turuan ay nag request ako sa kaniya ng kanta. Iminuwestra niya ang gitara at nagsimulang tumugtog.

"Magkalayong agwat
Gagawin ang lahat
Mapa sa'yo lang ang
Pag-ibig na alay sa'yo
Ang awit na 'to ay awit ko sa'yo
Sana ay madama
Magkabila man ang ating mundo."

Hindi ko mapigilang hindi mahawa sa ngiti niyang nakakaakit. Si James talaga ang perpektong patunay na napakamalikhain ni Papa God.

"Dito ay umaga at d'yan ay gabi
Ang oras natin ay magkasalungat
Ang aking hapunan ay
Iyong umagahan
Ngunit kahit na anong mangyari
Balang araw ay makakapiling ka."

Bagay na bagay sa aming dalawa ang kantang ito. Totoong magkabila ang aming mga mundo. Gwapo siya, crush ng bayan, almost perfect, samantalang ako, hamak na pangit lamang. Pero hindi naman masamang umasa na darating ang panahon na ang magkabila naming mundo ay magkukrus din ng landas. Ika nga sa isa sa mga linya sa kanta, "Ngunit kahit na anong mangyari, balang araw ay makakapiling ka."

Balang araw, asawa ko.

"Lotlot?" Nabalik lamang ako sa sariling huwisyo nang tawagin niya ako. "Lotlot, may I ask you something?"

"Sige lang, James. Ano ba yun?"

"Um, meron kasi akong kaibigan Lotlot, and this friend of mine fell in love with his friend. Naguguluhan siya ngayon kung sasabihin niya ba sa kaibigan niya ang nararamdam niya rito o hindi. He is afraid to risk their friendship." Tumango tango ako habang pinapakinggan ang kwento ni mylabs.

"So Lotlot, kung ikaw yung kaibigan ng kaibigan ko, anong magiging reaksyon mo kapag nalaman mong mahal ka pala ng kaibigan mo?" Saglit akong napaisip sa tanong niya.

"Ang hirap naman ng sitwasyon ng kaibigan mo. Pero siguro kung ako man ang nasa posisyon ni girl na kaibigan ng kaibigan mo, hindi malabong bigyan ko siya ng chance. Kung gusto ko rin naman yung guy friend ko, bakit hindi diba? Advantage nga iyon dahil kilala na namin ang isa't isa." Lumawak ang ngiti sa labi ni mylabs at nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin.

"Really? You'll give me a chance?"

"Ha?" Bumitiw siya sa yakap ngunit hindi pa rin mapalis ang ngiti niya.

"Uh... wala. Thanks for your opinion, Lotlot."

**

Nagising ako kinabukasan nang may halong lungkot. Ito na kasi ang huling araw namin dito sa Batangas. Tiyak na mamimiss ko ang lugar na ito. Gusto kong libutin ulit ang lugar bago kami umalis kaya alas singko pa lamang ng umaga ay mulat na ako.

Hindi pa sumisikat ang haring araw ay nasa labas na ako ng rest house. Yakap yakap ko ang sarili habang naglalakad sa gilid ng dagat dahil sa malamig na simoy ng hangin.

"Damn it!" Napahinto ako nang matanaw si James na natumba sa buhangin. Mabilis akong tumakbo palapit sa kanya upang daluhan siya.

"Jusko James! Ano bang nangyari sayo?" Hindi pa man siya sumasagot ay alam ko na ang sagot sa tanong ko. Nakainom siya. Hinawakan ko siya sa kanyang balikat upang itayo. Ngunit ang ikinabigla ko ay itinabig niya ang aking kamay.

"James?" Tumatawa siya habang dinuduro ako.

"Bakit kasi ang manhid mo?" Rumehistro sa aking mukha ang pagkalito.

"A-anong ibig mong sabihin, James?"

"God! Is it that hard to realize what I feel for you?! Damn it! Ganun ba kahirap maramdamang mahal kita?" Napaatras ako sa sinabi ni James. Pilit kong hinihinuha kung nagbibiro ba siya o hindi. Seryoso ang mukha niya. Walang bakas na nagsasabing nagbibiro siya. Ngunit ganun pa man ay pinilit kong tumawa.

"Ano ba James? Lasing ka lang. Huwag ka ngang magbiro ng ganyan. Sige ka, baka umasa ako." Yumuko siya saka walang salita akong tinalikuran. Bago siya tuluyang naglakad palayo ay may sinabi siyang ikinagulantang ng aking mundo.

"Yes, I am drunk, but I know what I am saying... and I am very sure with my feelings."

Lablayp ng PangetWo Geschichten leben. Entdecke jetzt