Chapter 57

513 15 1
                                    

Yesha's P.O.V.

Tulad ng dating ginagawa ni Tyron sinundo niya ulit ako sa aking pinagtatrabahuan.

Pagdating namin sa bahay. Inimbitahan ko itong pumasok sa loob na pinaunlakan naman nito agad. Inakbayan ako ni Tyron pagkapasok namin ng bahay dahil alam naming na sa loob si DJ. Gusto naming ipakita rito na totoong boyfriend ko na si Tyron tulad ng napagkasunduan namin.

Nakita ko agad ang magkasalubong na kilay ni DJ nang makita kami pero nagkunwari akong hindi ito nakita.

"Hon, maupo ka muna r’yan sa sofa magbibihis lang ako." malambing kong sabi kay Tyron.

"Sige hon, dito lang ako. Bilisan mo ha? Alam mo namang mabilis kitang mamiss." sinabayan din ni Tyron ang paglalambing ko.

Tinugunan ko naman ng hagikhik na parang kinikilig para effective ang pagpapanggap namin sa harap nito tiyaka umakyat na sa kwarto ko.

Dylan's P.O.V.

Parang gusto kong basagin ang pagmumukha ng Tyron na ‘yon dahil sa pinagsasabi nito kay Yesha. Sa totoo lang inis na inis ako habang lihim na tinitingnan ang mga ito kanina. Dahil umiiwas naman ako sa gulo kaya pinigilan ko ang sarili ko na huwag itong sugurin ng suntok baka ma-kick-out pa ako ng bahay ni Tita Karla.

Maya-maya pa ay dumating din si Ayesha kasama ni Zyrus.

"Oh, nandito ka pala Tyron. Dito ka na rin kumain samahan mo na si Zyrus dahil dito na rin siya kakain." sabi ni Ayesha nang makita si Tyron doon.

"Sige ba. Hi pare boyfriend ka ni Ayesha?" baling nito kay Zyrus.

"Ah hindi. Kaibigan ko lang si Ayesha." Zyrus.

"Ahh, akala ko kayo pasensya na. Ako naman pala ang boyfriend ni Yesha." nakangiti nitong pakilala na parang proud na proud pa.

Nakita kong napatingin si Zyrus sa akin naparang kinaklaro kung totoo ang sinabi ni Tyron.

"Zyrus. Long time no see kumusta ka?" masayang bati ni Yesha na kalalabas lang ng kwarto. Nakasuot ito ng maiksing short at puting spaghetti strap. Parang gusto kong takpan ang katawan nito na nakabalandra sa mga lalaking nandoon. Mas lalo tuloy uminit ang ulo ko dahil alam kong wala akong karapatang gawin iyon.

"Marami pala tayo ngayon. Mag-inuman kaya tayo pagkatapos kumain?" masayang paanyaya ni Ayesha.

"Tiyak naman na papagalitan tayo mamaya ni mommy dahil siguradong mag-iingay tayo." tanggi ni Yesha.

"Nagpaalam sa akin kanina si Tita Karla hindi raw siya makakauwi ngayong gabi dahil hindi siya pinayagan ng bestfriend niyang umuwi." sabi ko naman.

Naghanda na nga kami ng makakain. Magkatabi sina Yesha at Tyron sa kabila naman magkatabi rin si Ayesha at Zyrus. Ako ang na sa gitna. Nagmukha tuloy akong padre de pamilya.

Pagkatapos namin kumain ako na ang nagligpit at naghugas ng mga pinggan nagmukha naman tuloy akong maid ng mga ito.

Kahit pakiramdam ko hindi ako kasali dahil may kanya-kanyang partner ang mga ito pinilit ko pa ring makipagsiksikan. Sinamahan ako ni Zyrus na bumili ng beer sa malapit na 7/11 sa kanilang lugar.

Sa paglipas ng oras habang masayang nagpapalitan ng kwentohan ang mga ito ako naman parami ng parami ang alak na nainom ko. Hindi ako madaling malasing pero sa nakikita kong ka-sweetan ng dalawa parang madali ring nalasing ang buo kung sistema.

Yesha's P.O.V.

Kunting alak lang ang ininom ko dahil hindi ako pwedeng malasing alam niyo na naghuhubad kasi ako dahil sa init sa pakiramdam.

Napapansin ko si DJ na na sa harapan ko na sunod-sunod ang pag-inom ng alak. Pakiramdamam ko nga lasing na ito dahil pumupungay na ang magagandang mata nito. 

Pagkatapos naming uminom nagpaalam naman agad si Tyron dahil medyo nalasing na ito. Inihatid ko ito hanggang sa may gate at bumalik din kaagad.

Si Ayesha lasing na rin pero si Zyrus mukhang hindi pa gaano kalasing dahil napansin ko ring hindi ito uminom masyado dahil halos ubusin ni DJ ang beer.

"Zyrus, pwede mo bang ihatid si DJ sa kwarto niya? Ako naman ang bahala kay Ayesha." sabi ko.

I-aangat ko na sana si Ayesha para patayuin ngunit winaksi niya ang kamay ko.

"No ghustoo ko shi Zyrus ang magbubuhat sha akin." sabi nito na winasiwas pa ang kamay para hindi ako makalapit. Mababakas sa pananalita niya ang sobrang kalasingan.

Nagpumilit pa ako ngunit gusto talaga nito na si Zyrus ang maghahatid nito sa kwarto kaya sa huli wala rin akong nagawa kung ‘di ang makipagpalit kay Zyrus.

Agent Vlogger Becomes My Lover(Book 1)Where stories live. Discover now