Chapter 14

828 36 4
                                    

Yesha's P.O.V.

Hindi ako makatulog nang gabing iyon. Palaisipan pa rin sa akin ang pagkatao ni Dylan. Alam kong may itinatago ito kaya hindi nito masagot ng maayos ang mga tanong ko kanina.

Naalala ko ang binigay nito kanina sa simbahan. Bumangon ako at kinuha sa bag ko ang isang maliit na kahon na binigay niya. Binuksan ko iyon at napamangha ako sa ganda ng kwentas.

Nagdadalawang-isip ako kung tatanggapin ko ba ito o isasauli bukas. Kahit papaano utang ko ang buhay ko rito dahil kung hindi ito dumating kanina malamang pinagpi-fiestahan na ako ng media. Kung isasauli ko naman ito bukas baka ma-insulto ito. Hayst bahala na nga itatago ko na lang muna ito.

Dylan's P.O.V.

Napuno ng alalahanin ang isip ko sa bagong misyong ibinigay sa amin kaya nakalimutan kong batiin si Yesha sa counter dahil nasanay ako na ang kapatid ko ang nandoon.

Isang special group kami ng mga secret agent na nagmula pa ng Korea na nakabase rito sa Pilipinas. Hindi kami opisyal na nagtatrabaho doon kung 'di isang private group kami na ipinapatawag kung may ipinapagawa sila na hindi nila kayang lutasin. Cute Knight ang pangalan ng group namin. Pagkapasok ko pa lang ay ramdam ko na ang mainit na ulo ni Liam. Alam kung dahil iyon sa nangyari no'ng nakaraan.

"Guys we have a new mission. Mayro'ng gumagala ngayon na puting van na nangunguha ng mga dalaga. Ayon sa impormasyong nakuha ko sa head office ang grupong ito ay mudos ng mga terorista dahil ang mga babaeng nakukuha nila ay pinapadala sa Korea para ibenta. Ang perang kanilang kinikita mula rito ay ginagamit nila sa pagbibili ng mga bagong armas. Napag-alaman kong limampu na ang nabibiktima nila mula rito sa Pilipinas, kaya dapat nating mapuksa agad ang grupong ito para hindi na madagdagan pa ang biktima nito." paliwanag ko.

"Tapos ka na ba?" malamig na sabi ni Liam.

"Yes! Kaya ngayon dapat nating planuhing mabuti kong paano natin sila mapupuksa." sabi ko habang nakatingin kay Liam.

"May mahalagang lakad ako ngayon kaya sabihan niyo ako kapag nakapagplano na kayo." malamig na sabi ni Liam sabay lakad lang niya ng deretso sa pintuan.

"Pwede ba, kung galit ka sa akin 'wag mo isabay sa trabaho?" inis kong sabi dahil hindi ko na nagugustohan ang inaakto nito.

Lumingon ito sa akin.

"Ano bang problema ninyong dalawa?" Zyrus.

"Wala." sabay naming sabi habang nagsusukatan kami ng tingin.

"Kung wala, bakit para kayong mag-gf na may LQ kung makapag e-mote?" Clark.

"Aalis na ako dahil hindi ko kayang makasama ang isang taong walang respeto sa mga babae." tinalikuran ako ni Liam kaya biglang uminit ang ulo ko.

Mabilis ko siyang nilapitan at hinawakan ang kwelyo ng damit nito at saka malakas na isinandal sa pader. Alam kung nagulat ang mga kasamahan ko sa ginawa ko pero wala akong pakialam.

"Sabihin mo kung anong problema mo, hindi 'yong tatakasan mo ako." galit na sabi ko

"Ayusin mo ang ugali na ipinapakita mo kay Yesha, dahil 'pag inulit mo pa 'yong nakaraan, hinding-hindi na kita uurungan." galit nitong ganti sabay tapik sa kamay ko. Tuloy-tuloy na itong umalis doon.

"Bakit kayo ganyan ni Liam?" Zyrus.

"May misunderstanding lang kami kaya 'wag niyo na alalahanin." Ako.

"May kinalaman ba ito kay Yesha?" Clark.

Hindi ako sumagot.

"Ayusin niyo ang problemang ito dahil maaapektuhan ang trabaho natin sa ginagawa niyo." seryosong sabi ni Dwight at umalis na rin.

Hindi na kami nakapagplano sa dapat na gawin dahil bukod sa hindi na kami kompleto ay sira na rin ang araw ko.

Dylan's P.O.V.

Hindi ko magawang tingnan si Yesha dahil sa nangyari kanina sa amin ni Liam. Alam kung sobra ang nagawa ko kaya siguro oras na rin para baguhin ko ang pakikitungo ko rito.

"Yesha. Gusto mo ng kape? Bibili kasi ako." bumalatay ang gulat sa mukha nito.

"Teka Dylan si Yesha ba ang tinanong mo?" Zyrus.

"Alam mo Dylan ang pag-ibig parang kape lang 'yan. Sa una lang mainit." Clark.

"Tumigil nga kayo. Bakit bawal ba magyaya? Kayo baka gusto niyo ring magpabili." palusot ko.

"Nanibago lang kami dahil noon parang ipis kung tratuhin mo si Yesha." Dwight.

"Pwede naman magbago ang tao 'di ba? Ayaw ko rin na mayro'n akong hindi kasundo rito." Ako.

"Tama ka nagbabago ang tao, pati ang feelings nagbabago rin." Clark.

"Tumingala nga kayo. Oh, ano magpapabili ba kayo o hindi? Libre ko pa naman." sabi ko.

Agad namang tumigil ang mga ito. Umalis na ako agad at bumili ng kape.

Agent Vlogger Becomes My Lover(Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon