Chapter 42

519 17 3
                                    

Dylan's P.O.V.

Agad akong dumiretso ng kwarto ko. Dumidilim na rin dahil mag-aalas sais na iyon ng hapon. Naupo ako sa sulok ng aking kwarto ngunit nanatiling nakasarado ang ilaw.

Doon ay binuhos ko sa pag-iyak lahat ng sakit. Biglang bumalik lahat ng anino ng nakaraan. Ang dating masayang pamilya namin noon biglang nasira nang dahil sa lalaking iyon. Kaya abot hanggang langit ang galit ko para rito.

Ano na ang gagawin ko ngayon? Ang ama nito ang kabit ng aking ina. Nang dahil sa kamalian ng mga magulang namin noon, kami ngayon ang nahihirapan. Binasag ko lahat ng mga gamit sa loob ng kwarto ko dahil parang sasabog ang puso ko sa sobrang sakit. Kinuha ko ang larawan ni mommy na na sa loob ng drawer ko na matagal kong itinago noon. Para akong baliw na kinakausap ang larawan nito.

"Ano na ngayon ang gagawin ko mom? Hindi ka pa rin ba tapos sa pagpapahirap sa akin? Ngayong hindi ko na pwedeng makasama ang taong mahal ko nang dahil sa ‘yo. Masaya ka ba? Habang ako ay parang mamatay sa sakit na idinulot mo." sabi ko habang tuloy-tuloy ang pagdaloy ng luha sa mga mata ko.

Maya-maya narinig kong kumatok si Lauren.

"Dylan what happened? Na sa ibaba si Yesha nag-aalala sa ‘yo dahil hindi ka raw niya makita." sabi nito na nagpumilit buksan ang pinto ngunit naka-lock. Hindi ako nagsalalita. Nanatiling nakatikom ang bibig ko.

Maya-maya ang boses na ni Yesha ang narinig ko.

"Dylan my moon. Alam kong na sa loob ka please mag-usap tayo."

Napahalukipkip ako. Isiniksik ko pa lalo ang aking katawan sa pinaka-corner ng kwarto at tinakpan ang dalawa kong tenga. Ayaw kong marinig ang boses nito dahil nadadagdagan lang ang sakit na nararamdaman ko.

Paano na. Paano ako magiging masaya sa piling nito kung everytime na makikita o maririnig ko ang boses nito naaalala ko naman ang ama nito? Kaya mas mabuti pang iwasan ko na lang ito hanggang nakakaya ko pa.

I'm sorry Yesha. Siguro hindi talaga tayo ang para sa isa’t-isa. Ayaw kong saktan ka. Mas pipiliin ko pang magalit ka sa akin kay sa ang magdusa ka pa sa piling ko kapag biglang magbago ang pakikitungo ko sa ‘yo.

Alam kong hindi n’yo naiintindihan kung bakit ko iyon gagawin. Madali sa inyong isipin na balikan ko siya at kalimutan na lang lahat ng nangyari. Pero hindi gano’n kadali iyon. Kailangan ko ng oras para gamutin ang sugat sa puso ko.

Yesha's P.O.V.

Na sa salas ako kasama si Ate Lauren nang marinig namin ang kalabog sa kwarto ni DJ.  Mabilis kaming umakyat para usisain kung ano iyon ngunit naka-lock ang pinto. Sinubukan itong kausapin ni Ate mula sa labas pero hindi ito sumasagot kaya ako ang sumunod na sumubok pero wala pa ring response mula rito. Nanakit na ang kamay ko sa pagkatok kaya pinigilan na ako ni Ate.

"Tama na, bukas mo na lang siya kausapin. Siguro ayaw niya talagang may makausap ngayon. Umuwi ka na muna at bigyan natin siya ng time makapag-isip." pigil sa akin nito.

Sa huli wala rin akong nagawa kung ‘di ang sundin ito dahil ayaw talagang buksan ni DJ ang pinto.

Bumalik ako ng bahay. Agad naman akong sinalubong nina mommy at Ayesha.

"Anong nangyari Yesh?" nag-aalalang tanong ni mommy.

Umiling lang ako at dumeretso na sa kwarto ko. Parang gusto ko ring mapag-isa ngayon. Wala akong ganang makipag-usap. Pakiramdam ko nanghihina ang buong katawan ko.

Madaling araw na ako nakatulog pero maaga pa rin ako nagising. Naligo ako at nagbihis dahil gusto kong balikan si DJ sa bahay nito. Kahit kagabi pa ako hindi kumakain hindi ako nakaramdam ng gutom. Kaya hindi na ako nag-breakfast at agad na pumunta sa bahay ni DJ.

Fast forward...

Na sa harapan na ako ng kwarto nito. Tila ba’y nagdadalawang-isip pa ako bago kumatok. Nakailang katok pa lang ako nang bumukas ang pinto. Napangiti ako sa pag-aakalang okay na. Pumasok ako sa loob at sinarado ulit ang pinto. Nagkalat ang lahat ng gamit nito sa sahig. Nang tiningnan ko ito. Napakagulo ng buhok nito. Napakalungkot ng mga mata. Bigla ko itong nilapitan para yakapin dahil bigla akong naawa sa hitsura nito ngunit pinigilan niya ako.

"Let's break-up." walang emosyong sabi nito. Natigagal ako saglit sa sinabi nito.

"Prank ba ‘to? Gumaganti ka sa akin ‘no?" natatawa kong sabi pero aaminin kung kinakabahan ako sa nakikitang kaseryosohan ng mukha nito. Nagkunwari akong naghahanap ng camera ng bigla nitong hablutin ang kamay ko.

"Sabi ko break na tayo. Hindi ito prank o ano pa man. Sawa na ako sa ‘yo kaya ako nakikipaghiwalay." hindi ako nakagalaw para akong natuklaw ng ahas sa sinabi nito. Pagkatapos ay biglang nangilid ang luha sa mga mata ko.

"N-Nagbibiro k-ka lang ‘di ba? Please stop this prank, nasasaktan na ako." gumaralgal na ang boses ko.

"Naniwala ka talagang pwedeng magbago ang isang playboy na katulad ko? Dahil lang sa isang babae? Nagsawa na ako sa ‘yo kaya kailangan na rin kitang despatiyahin sa buhay ko dahil nakahanap na ako ng kapalit mo." DJ.

"Bakit ka pa mag-pro-propose kahapon kung iiwan mo lang pala ako ngayon?" nag-umpisa ng pumatak ang mga luha ko. Ayaw kong umiyak pero nasasaktan ako sa bawat katagang lumalabas sa bibig nito.

"Dahil gusto ko lang subukan kung kaya nga kitang pakasalan, pero bigla na lang nagbago ang isip ko." umiwas ito ng tingin na parang may itinatago.

"Alam kong mahal mo ‘ko dahil naramdaman ko iyon. So please, stop this nonsense." nagsusumamo kong sabi rito.

"Kalimutan mo na ako. Dahil kahit kailan hindi magbabago ang isip ko. Umalis ka na rito at ‘wag na ‘wag ka ng magpapakita sa buhay ko. Hindi kita mahal at kahit kailan ay hindi ako naniniwala sa pag-ibig. Kaya ‘wag kang mag-ambisyong mahal kita." pagkatapos nitong sabihin ang mga katagang iyon hinila ako nito palabas ng kwarto, sabay sarado ng pinto.

Dylan's P.O.V.

Pagkasara ko ng pinto napadausdos ako agad mula sa pagkakatayo dahil biglang nanginig ang mga tuhod ko. Pinakawalan ko ang mga luhang gustong pumatak mula pa kanina.

Bawat masasakit na salitang binibitawan ko kay Yesha parang mga itak din iyong tumutusok sa puso ko. Ayaw kong sabihin sa kanya ang mga bagay na iyon. Ngunit kailangan kong gawin iyon para magalit siya sa akin at mabilis niya akong makalimutan. Gusto kong ito na mismo ang kusang lumayo kaya nagawa ko ang bagay na iyon.

Narinig ko ang mga hikbi nito sa kabilang pader na nagdudugtong sa amin. Maya-maya pa ay narinig ko ang mga yabag nito palayo sa kwarto ko.

Tumayo ako at sinuntok ng malakas ang pader ng kwarto ko. Nakita kong dumugo ang kamao ko ngunit hindi ko maramdam ang sakit. Mas masakit ang nararamdaman ng puso ko.

Galit na galit ako sa sarili ko, sa ama nito at sa buong mundo dahil pakiramdam ko pinaglalaruan lang ako ng tadhana.

Agent Vlogger Becomes My Lover(Book 1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu