Chapter 43

501 15 2
                                    

Dylan's P.O.V.

Pumunta ako sa bar kasama sina Dwight, Liam, Zyrus at Clark. Walang ideya ang mga ito sa nangyari sa amin ni Yesha. Gusto kung lunurin ang sarili ko sa alak dahil nagbabakasakali akong maibsan man lang ang sakit na nararamdaman ko.

Maraming babaeng nagtangkang umakit sa akin ngunit hind ko iyon pinansin. Ang gusto ko lang ay kalimutan ang lahat.

Zyrus P.O.V.

Nagbeep ang cellphone ko. Isang message iyon mula kay Yesha.

"Hi Zyrus, kasama mo ba si Dylan? Nasaan kayo ngayon gusto ko sana siyang surpresahin." iyon ang message nito. Nireplyan ko ito kung saan kami.

Napapansin ko si Dylan sa sunod-sunod ang inom ng alak na parang may malaking problema ito. Hindi kaya tinanggap ni Yesha ang proposal nito? Umalis na kasi ako agad noong time na iyon dahil nagkaproblema sa cafe ko. Wala akong ideya kung ano ang nangyari.

Dylan's P.O.V.

Malayo pa lang natanaw ko na ang isang babaeng namimiss ko na ng sobra. Palingon-lingon ito na parang may hinahanap. Mabilis kong hinablot ang isang babae sa gilid ko. Hinitay ko munang nakatingin ito sa gawi ko tiyaka hinalikan ang babae. Nakita kong napatigil ito tiyaka nagmamadaling umalis.

Binitiwan ko ang babae. At naramdaman ko ang pagtama ng kamao ni Liam sa mukha ko. Hindi ako lumaban. Hinayaan ko siyang suntukin ako. I deserve it, kaya hindi ko ito kinuntra.

"Sabi ko sa 'yo noon, na 'wag na 'wag mong paiiyakin o sasaktan si Yesha. Ngayon ipaliwanag mo ang ginawa mo." hinawakan ako nito sa kwelyo ng damit ko. Galit na galit ang mukha nito.

"It means sa 'yo na siya, dahil nagsawa na ako sa kanya." sinuntok ulit ako nito ng maraming ulit kaya halos naliligo na ako sa dugo ko.

"Gago ka pala e. Kung alam ko lang na mangyayari ito ngayon ay sana hindi ko hinayaan si Yesha sa isang katulad mo." itinulak ako nito at umalis.

Yesha's P.O.V.

Agad akong napasugod ng yakap kay mommy na nakaupo sa salas.

"Anong nangyayari sa 'yo Yesha? Ilang araw ka ng ganito. May problema ka ba?" mas lalo ko pang isiniksik ang sarili kay mommy tiyaka nag-umpisang umiyak ulit.

"Alam mo bang sobra ang pag-aalala namin ng kapatid mo dahil sa ganyang kilos mo?" mommy.

"Mom, si Dylan po. Nakipag-break na sa akin." Ako.

"Paanong nangyari iyon? Alam kong mahal na mahal ka ni Dylan." Mommy.

"Nakita ko po siya kaninang may kahalikang iba, akala ko. Akala ko, mahal niya rin ako."

"Tahan na anak. Malalampasan mo rin ang lahat ng iyan. Shh, tahan na." pang-aalo ni mommy sa akin.

"Mom. Pa'no ko tatanggapin lahat ng 'to? Akala ko may happy ending na kami. Akala ko okay na ang lahat, pero bakit ganito? Gusto kong isipin na panaginip lang ang lahat ng ito, pero sa araw-araw na gumigising ako. Nararamdaman ko pa rin ang sakit." umiiyak kong sabi.

"Alam mo anak ang buhay hindi puro saya lang. Minsan kailangan ng tao ang ganitong pangyayari para maging mas malakas tayo sa pagharap sa mga problema sa buhay. Kung nangyari man sa 'yo ang bagay na ito ngayon siguro may dahilan si Dylan. 'Di ba sinabi ko noon sa inyo? Na kung mahal mo 'wag mong sukuan. Dahil hindi mo makakamtan ang tunay na kaligayahan kung simula pa lang ay sumuko ka na." tumatak sa akin ang sinabing iyon ni mommy. Bigla itong tumayo at may kinuhang libro sa bookshelves. Mahilig kasi itong magbasa.

"Tingnan mo, ang larawang iyan." may kinuha itong larawan sa hawak nitong libro tiyaka inabot sa akin. Biglang nanlaki ang mga mata ko nang makita ang na sa larawan.

Si papa iyon habang masayang nakaakbay sa mama ni DJ. Nakita ko kasi ang larawan ng ina nito noong kaarawan ni ate Lauren.

"Siguro oras na rin para ipagtapat ko sa 'yo ang totoo. Sampung taon pa lang kayo ni Ayesha nang sumama ang ama mo sa babaeng na sa larawan. Alam ko na may ibang babaeng kinababaliwan ang papa mo noon, pero nagbulag-bulagan lang ako. Hanggang isang araw sinabi niya sa aking iiwan niya tayo dahil sasama na siya sa babaeng 'yan. Mahal ko ang ama mo kaya nagparaya ako at hindi ko man lang ipinaglaban ang nararamdaman ko. Hinayaan ko siyang umalis kasama ang babae niya. Hanggang nabalitaan ko na lang na sumabog ang eroplanong kanilang sinakyan." naluluhang kwento ni mommy.

Muli kung tiningnan ang larawan. Bigla kung naalala ang nabasag na frame. Tama ito nga ang dahilan bakit nagbago bigla si DJ.

"Mom. Ito ba ang dahilan bakit ako nilayuan ni DJ?" tanong ko.

"'Yan din ang naisip ko nang malaman kong mommy niya ang na sa larawan, kaya hindi ako nagalit sa kanya dahil naiintindihan ko ang nararamdaman niya. Ipaglaban mo siya anak at 'wag mong sukuan. Tulungan mo siyang gamutin ang sugat na na sa puso niya. Ipa-intindi mo sa kanya na hindi makahahadlang ang nangyari noon sa pagmamahalan niyo ngayon. Kailangan ka niya kahit 'di niya sinasabi, alam kong kailangan ka niya dahil nakita ko kung gaano ka niya kamahal." biglang gumaan ang puso ko sa sinabing iyon ni mommy.

Tumayo ako at lalabas sana para balikan ito ngunit pinigilan ako ni mommy.

"Alas 12:00 na ng gabi kaya ipagbukas mo na 'yan. Alam kung magiging okay rin ang lahat sa inyo."

Hindi na nga ako nagpumilit lumabas. Pumasok na ako sa kwarto ko para paghandaan ang susunod na araw. Dahil isang linggo ng hindi ako nakatulog ng maaayos kaya mabilis akong nakatulog ng gabing iyon.

Agent Vlogger Becomes My Lover(Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon