Chapter 18

796 34 2
                                    

Dylan's P.O.V.

Actually hindi ako umalis ng boutique. Pumunta lang ako sa likod at doon pumasok papuntang hideout. Nandoon na ang mga kasamahan ko at hinihintay lang ako. Inihanda na namin ang mga armas para gagamitin mamayang gabi.

Mayro’n kasi kaming natanggap na imformation galing sa head office na aataki ang mga ito mamayang gabi sa isang bar para manguha ng mga babaeng bibihagin ng mga ito.

Pagkatapos mag-ayos pumunta na kami kaagad sa lugar kung saan ang mga ito aatake. Pinag-aralan namin ang mga daanang maaaring daanan ng mga ito kapag makatakas sa amin.

Pagkatapos ay nagmanman kami sa paligid ng magkahiwalay kung may kahinahinalang taong aaligid.

Ilang saglit may isang taong nakaagaw ng attention ko. Kasama ko noon si Clark na nakatingin din sa taong tinitingnan ko. Palihim kasi itong nagmamasid kaya alam kong kasamahan ito ng kalaban. Lalapitan sana ito ni Clark pero pinigilan ko siya.

"’Wag mong takutin. Babalik mamayang gabi ‘yan. Walang naghahasik ng lagim kapag mataas ang araw kaya tandaan mo ang mukhang iyan para mamaya at para may lead tayo kung saan ang mga kasamahan nito." tumango naman ito

Palihim naming sinusubaybayan ang bawat kilos nito. Maya-maya may tinawagan ito siguradong kasamahan nito. Nanatili lang doon ang lalaki hanggang dumilim na. Unti-unti na ring dumadami ang mga tao.

Bandang alas 8:00 ng pumasok ang lalaki sa bar. Binilinan ko si Clark na magbantay roon habang sinundan ko sa loob ang lalaki.

Hinanap ko ito roon. Ngunit hindi ko na ito makita dahil maraming tao sa loob ng bar. Tinalasan ko pa ang pakiramdam ko dahil kailangang hindi ito makawala sa paningin ko. Dahil naging busy ako sa pagmamasid hindi ko napansin ang babaeng nabangga ko.

"Sorry, Kate?" nagulat ako nang makilala ang babae. Pati ito ay halatang nagulat din. Mas nagulat pa ako nang may lalaking umakbay rito.

"Hon. Kanina pa kita hinanap nandito ka lang pala. Teka sino naman ‘to?" tanong nito sabay turo sa akin.

"Boss ni Yesha." sagot nito.

"Ahh ‘yong kaibigan mong mukhang tomboy. Hi, I’m Tyron boyfriend ni Kate." sabay lahad ng kamay nito.

"Teka boyfriend ka ni Kate?" paniniguro ko.

"Yes, may problema ba?" takang tanong din nito.

"Wait hon, may konting misunderstanding lang." Kate.

"Then explain kung niloloko mo ako at boyfriend mo rin ang lalaking ito." medyo nainis na ang lalaking kasama nito.

"I'm sorry Dylan, pero ang totoo magkaibigan lang talaga kami ni Yesh at kahit gano’n pumorma ang kaibigan ko alam kong lalaki ang gusto niya." paliwanag nito.

Magtatanong sana ako ulit nang marinig ko si Dwight sa minispeaker na na sa tenga ko.

"Flash, lumabas kana riyan sa bar, bilis! Kumikilos sa labas ang target." pagkarinig ko agad akong nagpaalam at mabilis na umalis. Narinig ko pang tinawag ako ni Kate pero hindi ko na ito pinansin. Maybe sa susunod ko na lang ito kauusapin.

Pagkalabas ko agad akong pinasakay ni Dwight sa motor nito.

"Anong situation?" Ako.

"Sinusundan ngayon ni Liam ang van. Si Clark at si Zyrus nakasunod din gamit ang sasakyan mo. May dawalang babae silang kinuha na naglalakad malapit sa bar."

"Alright." binilisan pa nito ang pagpapatakbo.

"Flash na connect ko na sa satelight ang kinaroroonan ng van. Deretsuhin niyo lang ang daang tinatahak niyo. Si Liam kasalukuyang pinapahinto ang van. Sundan niyo lang ang lead ko." sabi ni Zyrus mula sa mini phone. Magaling kasi ito sa hacking kaya ito ang inaasahan namin kapag mayro’n kaming gustong i-locate.

Agent Vlogger Becomes My Lover(Book 1)Where stories live. Discover now