Chapter 51

536 16 0
                                    

Dylan's P.O.V.

Mabibigat ang mga hakbang na nilisan ko ang bahay ni Yesha. Gulong-gulo ang isipan ko habang naglalakad. Iniisip ko kung boyfriend na ba ni Yesha ang lalaking kasama nito kanina? Kung napalitan na ba ako sa puso nito? Kung masaya na ba siya sa piling ng iba?

Halos sumabog ang utak ko sa mga isiping iyon. Hanggang sa napahinto ako sa paglalakad. Three months ago umalis ako na walang paalam. Naging duwag ako at tinakasan ang problema na dapat hinarap ko noon kasama ito. Ngayong nakita ko itong may kasamang iba. Tatakbo ba ulit ako? Magiging duwag ba ulit ako na hindi man lang sinubukang lumaban?

Hindi. Bigla kong inihakbang ang mga paa ko pabalik. Pabilis nang pabilis ang lakad ko pabalik. Hanggang sa tinakbo ko na. Kailangan kong balikan si Yesha at bawiin sa lalaking iyon.

Yesha's P.O.V.

Nakangiti pa ako hanggang sa makalabas ng gate. Siguro oras na rin para palitan si DJ sa buhay ko. Hindi na ito babalik kaya bakit ko hihintayin ang isang taong nang-iwan?

Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko ang pares ng itim na sapatos na humarang sa aking daraanan ng malapit na ako sa gate namin. Nakayuko kasi ako habang naglalakad kaya lagi akong nakakakita ng piso sa raan. Unti-unti kong ini-angat ang mga mata patungo sa mukha ng taong nagmamay-ari ng sapatos. Unti-unting nabura ang ngiti sa labi ko nang makita kung sino ito. Napalitan ng galit ang sayang bumabalot sa puso ko nang mga oras na iyon.

"Anong ginagawa mo rito?" malamig kong tanong.

"Gusto kitang makita." DJ.

"Umalis ka na dahil ayaw na kitang makita pa." sabi ko sabay iwas dito.

"Miss na miss na kita." natigilan ako saglit.

"Pwes ako hindi kita namimiss. Matagal na tayong tapos." Ako.

"Ikaw pa rin ang laman ng puso ko." DJ.

"Nagpapatawa ka ba? Aalis ka tapos babalik at sasabihing ako pa rin? Marami ng nangyari mula ng umalis ka kaya para sa akin tapos na lahat sa ‘tin." Ako.

"Hindi ako nandito para makipagtalo. Nandito ako para magpaliwan--" DJ.

"Na ano? Na dahil sa ama ko kaya iniwan mo ako?" nagulat ito sa sinabi ko kaya natigilan ito.

"Paano mo--" DJ.

"Paano ko nalaman? Kung hindi ka sana umalis ng araw na iyon, kung hinintay mo sana ako hindi tayo sana ganito ngayon." alam kung nanginginig na ang boses ko.

"I'm sorry, kung naging duwag ako." hahawakan sana nito ang kamay ko pero umiwas ako.

"Hon. Anong nangyayari rito? At sino ang lalaking ito?" bigla na lang sumulpot si Tyron sa kung saan at inakbayan ako. Medyo nagulat ako pero alam ko ang gustong palabasin nito kaya sinakyan ko.

"Wala hon, mayro’n lang nagtanong ng daan. Pwede ka ng umalis." sabi ko sabay talikod para pumasok sa loob. Pero bigla nitong hinawakan ang kamay ko.

“Hindi ako naniniwala na pinalitan mo na ako riyan sa puso mo, nang gano’n lang kabilis." sinubukang kunin ni Tyron ang kamay nito na nakahawak sa akin. Pero sadyang malakas si DJ kaya hindi nito makuha iyon. Nagkatitigan ang dalawang lalaki. Parang may apoy sa mga mata ng mga ito habang nagsusukatan ng tingin.

Nagulat na lang ako ng biglang sinuntok ni Tyron si DJ kaya nabitiwan nito ang kamay ko.

"Sabi ko bitiwan mo siya. Bakit ba ang kulit mo?" Galit na sabi ni Tyron.

"Pare ayaw ko ng gulo. Kaya pwede ba ‘wag kang makisali sa gulo namin ni Yesha." sabi ni DJ sabay pahid sa bibig nito na may bahid ng dugo.

"Ikaw ang umalis DJ. Wala na tayong pag-uusapan, kaya ‘wag ka ng bumalik dito." Taboy ko.

"Yesha, please. Mag-usap tayo." DJ.

"Si Tyron na ang mahal ko sana naman maintindihan mo iyon." Ako.

"Hindi ako naniniwala." DJ.

Dahil wala na akong choice, hinalikan ko si Tyron sa labi para maniwala ito.

"I’m sorry DJ. Pero ayaw ko ng masaktan ulit ng dahil sa ‘yo" naisip ko

Dylan's P.O.V.

Nagulat ako sa biglang paghalik ni Yesha sa lalaking iyon sa mismong harapan ko. Naramdaman ko ang biglang panghihina ng katawan ko. Sobrang bigat ng dibdib ko. Para akong nalulunod dahil nahihirapan akong huminga dahil sa sakit. Napaatras ako. Tumalikod. Hindi ko kayang tingnan ang nakita ko. Parang may libo-libong matatalim na bagay ang tumutusok sa puso ko.

Umalis ako. Palayo roon. Unti-unting naglaglagan ang mga luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung kakayanin ko ang lahat ng ito.

Tyron's P.O.V.

Nanatili akong nakahiga sa damuhan hanggang naisipan kong bumangon. Tiningnan ko muna si Yesha kong nakauwi na pero nakita ko itong may kausap na ibang lalaki. Napakaseryoso ng usapan ng mga ito kaya naisip kong ito ang lalaking tinutukoy ni Yesha dahil ngayon ko lang iyon nakita.

Lumapit ako dahil nakita kong hindi na mapakali si Yesha. Nagbigay ako ng hudyat dito na nakahanda akong magpanggap na boyfriend nito para tabuyin ito.

Pero nagulat ako sa ginawa nito. Alam kong palabas ang halik na iyon pero umasa ako.

"I'm sorry kung ginamit kita." sabi nito pagkatapos bumitiw sa akin. Ngayon ko lang napansin na wala na pala roon ang lalaki. Masyado akong nadala sa halik nito.

"Okay lang. Gamitin mo lang ako hanggang kailangan mo. Palagi akong nandito para sa ‘yo." Ako.

"Sige aalis na ako, kailangan kong mapag-isa ngayon." sabi nito tiyaka pumasok na sa loob.

Naiwan ako sa labas. Sa nakikita kong ikinikilos nito alam kong si DJ pa rin ang na sa puso nito. Malungkot na bumalik ako ng bahay. Sana matutuhan din akong mahalin ni Yesha. Sana.

Agent Vlogger Becomes My Lover(Book 1)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora