Chapter 5

937 42 15
                                    

Yesha's P.O.V.

Napasinghap ako ng sabay na lumabas ang limang gwapong lalaki.

"Hey. Pwedi ka ng umuwi. Kami na ang bahala rito." sabi sa akin ni DJ.

Nilapitan ko ito pero nagulat ako nang bigla ako nitong sinigawan.

"Stop." utos nito.

"Gusto ko lang ipaalam sa ‘yo na bawal ka lumapit sa akin. Lagi mong tandaan na dapat may isang metro lagi ang pagitan natin." DJ.

Hindi ko ito masyadong naintindihan.

"S-sige po sir. Pero hindi po ako uuwi dahil oras pa ng trabaho ko." magalang kong sagot.

"Ako ang boss, kaya dapat sundin mo ang utos ko." madiing utos nito.

"I'm sorry, boss. Pero hindi po kaya ng konsensya ko na tatanggap ng sahod kahit wala akong ginagawa. Kaya…kung ayaw niyo akong makita rito. Ituring niyo na lang po akong hangin." naiinis kong sagot.

"Tama na nga ‘yan. Ano DJ kailangan mo ba ng maraming kita ngayon o gusto mong lumayo mga customer niyo dahil sa ingay niyo?" Liam.

Tumahimik na ito. Kanya-kanya na kaming pwesto habang ako ay sa counter. Sina Clark at Zyrus naman ang nagtatawag ng customer habang sina DJ, Dwight at Liam ang nag-o-offer ng mga damit sa customers.

Biglang may dumating na sexy na babae. Napataas ang kilay ko ng wala sa oras nang sinalubong ito ni DJ sabay kindat. Nang nawala bigla ang paningin ko sa mga ito dahil may nagbayad nakita ko na lang itong nakikipaglampungan na ito sa isang sulok.

Halos lumuwa ang mga mata ko sa nakita. Bukod kasi na hindi kong inaasahan iyon, first time ko ring makakita ng kissing scene sa personal.

Ganito ba ang iniidolo ko? Bakit hindi ko alam ito? Kung alam ko lang dati na ganito ang ugali nito sana hindi ko na lang sinayang ang oras ko rito. Sobrang disappointed talaga ako dahil ang akala kong kabaitan nito sa harap ng camera ay totoo. Talaga ngang magkaiba ang expectation sa reality.

Simula ngayon wala na akong pakialam dito. Ang importante na lang sa akin ngayon ay ang trabaho ko at matulongan si mommy sa mga gastusin sa bahay. Dahil kung ang kapatid ko ang aasahan ko siguradong titirik lang mga mata namin sa gutom.

"Mauna na ako sa inyo dahil medyo gabi na rin. Maraming salamat sa pagtulong niyo." nakangiti kong sabi sa mga ito pasapit ng alas 5:00pm.

"’Di ba first day mo sa work? Kailangang may welcome party para sa ‘yo" Zyrus.

"Oo nga naman. Total marami tayong kita ngayon dapat lang siguro na bigyan mo ng welcome party ang bago mong empleyado DJ." si Liam iyon na nahuli kong siniko si DJ.

"Bahala na nga kayo." walang ganang sabi nito.

Agad akong hinila sa braso ni Zyrus at dinala sa isang kotse na nakaparada roon.

"Pumayag na nga akong sumama siya. Sobra naman siguro kung magkasama pa kami sa iisang sasakyan ‘di ba?" pasupladong sabi nito.

Bigla tuloy ako nahiya sa mga kasama nito dahil lantaran ang pag-ayaw nito sa akin.

"H-hindi na po a-ako sasama sa---"

"Ano ka ba may welcome party ba na wala ang weni-welcome? Masanay kana kay DJ ganyan talaga ‘yan." putol ni Zyrus sa sasabihin ko.

"Sa akin kana umangkas." Liam.

Sumunod na lang ako at sumampa sa motor ni Liam.

"Mag-ingat kayo." Dwight.

Bali sina Dwight, Zyrus, Clark at DJ ang sumakay sa sasakyan ni Dylan. Binigyan ako ng healmet ni Liam dahil may extra naman ito. Nauna ng umalis ang mga ito.

"Sigurado ka bang hindi ka hahawak?" tanong nito.

"Okay lang ako." sagot ko.

Bigla nitong pinaharurot ang motor kaya bigla akong napayakap dito. Ang bilis pala nitong magpatakbo. Muntikan pa akong mahulog kanina kung hindi lang ako naging maagap sa paghawak dito.  Sabi sa akin ni Ate Lauren mga mababait at mapagkatitiwalaan ang mga ito kaya hindi ako nagdalawang isip na sumama.

Binabagtas na namin ang kahabaan ng daan. Dahil pa-gabi na kaya medyo lumalamig na rin ang ihip ng hangin kaya mas lalo akong napakapit dito dahil sa panunuot ng lamig sa katawan ko. Nagulat ako ng biglang inihinto nito sa gilid ng daan ang big bike nito sabay hubad sa suot nitong jacket at ibinigay sa akin.

"Isuot mo muna. Naiinitan ako." sabi nito.

Dahil nga nilalamig na ako kaya hindi na ako tumanggi at isinuot ang jacket nito.

Kahit hindi man nito sabihin alam kong alam nito na nilalamig ako. Napaka-gentleman nito kaya mahirap tuloy paniwalaan na badboy ito.

Agent Vlogger Becomes My Lover(Book 1)Where stories live. Discover now