Chapter 41

517 21 0
                                    

Yesha's P.O.V.

Malapit na kami sa bahay. Gumala kasi ako kasama sina Clark at Missio. Nang malapit na ako sa may kanto biglang tinakpan ni Missio ang mga mata ko ng panyo nito.

"Ano ‘to? Bakit biglang may paganito?" nagtataka kong tanong.

"Basta sumunod ka na lang at huwag na umangal." Missio.

Maya-maya ay naramdaman kong huminto ang sasakyan. Inalalayan ako ni Missio na makababa sa sasakyan. Nakailang hakbang pa lang ako nang huminto kami at kinuha nito ang panyong nakapiring sa mata ko.

Unti-inti akong nagmulat ng mga mata. May isang batang lalaking sumalubong sa akin hawak ang isang tangkay ng puting rosas. May iniabot ito sa akin na isang puting card. May letrang "I" sa unahan ng card. Nang buksan ko ang loob mayro’ng nakasulat.

"Star ka ba? Kasi kapag nakikita kita nagniningning ang paligid ko."

Napangiti ako. Inaamin kong kinikilig ako sa ka-kornihan nito. Pagdaan ko sa bukana ng iskinita ay may nakatayong batang babae na may hawak na balloon at may nakasulat na "are".

Nakalimang hakbang pa lang ako ng may batang lalaki ulit na nagbigay sa akin ng rose at card at sa unahan nakita ko ang batang babae na my hawak na balloon na may nakasulat na "you". Sa unahan ng card my letrang "L".

"Papel ka ba? Kasi kapag papeliin ang puso ko, ikaw lagi ang pinipili nito."

Bawat limang hakbang ko ay may mga bata akong nakikita tulad ng nauna.

3rd card “O”

"Bintana ka ba? Kasi binta na naman ang pagpapa-cute mo, kaya nahulog ako sa ‘yo."

4th card “V”

"Si Shasha ka ba? Kasi hindi shashaya ang buhay ko kung wala ka."

5th card “E”

"Apoy ka ba? Para akong nasusunog kapag malapit ka. Hot mo kasi."

6th card “Y”
"Ikaw ba si Sandara? Kasi sa sandarating na mga araw gusto kong maging asawa ka."

7th card “O”

"Isda ka ba? Kasi Yesha is the one for me.”

8th card “U”

"Alam mo bang hindi mabubuo ang "Yes"? Kung walang "s" kaya please say yes."

Sari-saring emosyon ang nararamdan ko habang inisa-isa kung basahin ang nakasulat sa card. Para akong timang na tumatawa, umiiyak napapangiti sa tuwing nababasa ko ang bawat mensaheng naroon. Lalo na nang mabuo ko ang nakasulat sa balloon.

"Are you willing to be my lawful wife?"

At ngayon naghihintay sa akin sa gate ng bahay ay ang pinkamamahal kong ina. Nakita kong lumuluha ito kaya napaluha na rin ako. Agad akong tumakbo at niyakap ng mahigpit si mommy. Napakasaya ko sa araw na iyon.

Dylan's P.O.V.

Para akong naglalakad na walang kaluluwa sa sobrang sakit ng aking pakiramdam. Namanhid ang buong katawan ko kaya parang hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko. Unti-unti na ring tumutulo ang luha sa mga mata ko. Bakit ba kasi ito pa ang ama ng taong pinakamamahal ko? Kinamumuhian ko ang taong iyon. Marami ang masasakit na pinagdaanan ko nang dahil sa taong iyon.

Palabas na ako ng bahay nang makita ko si Yesha na yakap-yakap ang ina. Napakasaya nito. Wala itong kaide-ideya sa nangyayari. Sa isang iglap lang nasira ang lahat ng plano ko. Lahat ng pangarap ko bigla ring naglaho. Tumalikod ako at doon dumaan sa likod ng kanilang bahay at umakyat sa pader. Wala akong lakas ng loob na harapin ito. Kaya hanggang kaya ko iiwasan ko munang makita ito.

Yesha's P.O.V.

Inihatid ako ng ina sa pintuan ng kwarto ko. Umalis naman agad ito. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. Tumambad sa akin ang isang hugis pusong mga petal na nakakalat sa sahig. My isang tarpaulin na nakalagay ang salitang "will you marry me" na na sa ibabaw ng kama ko. Pero ang taong inaasahan kong naghihintay roon ay hindi ko makita. Akala ko noong una nagtatago lang ito. Ngunit hinanap ko na ito sa ilaim ng kama, likod ng pintuan pati nga sa ilalim ng unan binaliktad ko na pero kahit anino nito ay hindi ko makita. Napapagod na naupo ako sa kama ng mapansin ko ang isang basag na frame na na sa sahig. Bigla akong napatayo at deretsong lumabas. Kinabahan ako sa pag-aakalang may masamang nangyari rito.

"Ma, alis muna ako." mabilis kong paalam at tuloy-tuloy na lumabas.

"Si Dylan, bakit hindi mo kasama." narinig ko pang sigaw nito pero hindi ko na iyon pinansin.

Habang naglalakad ako maraming katanungan ang na sa isip ko. Nasaan si Dylan? Bakit wala ito roon? Mayro’n bang kumidnap dito? Baka nagbago na ang isip niya kaya umalis?

Parang sasabog ang utak ko sa mga iniisip. Kailangan kong makita si Dylan para masagot ang lahat ng katanungan ko.

Agent Vlogger Becomes My Lover(Book 1)Where stories live. Discover now