Chapter 12

879 33 0
                                    

Dylan's P.O.V.
Na sa salas pa kami ng ina ni Yesha ng may biglang pumasok na babae. Sexy ito kung manamit ang mga babaeng gusto ko. Pero nang titigan ko ito hindi ako nagkainteres dito. Hula ko, ito ang kambal ni Yesha dahil magkamukha ang mga ito kahit maiksi ang buhok nito. Nagtatakang tumingin ito sa akin.

"Sino ‘yan?" tanong nito.

"Hi, I’m Dylan, boss ni Yesha sa trabaho." sagot ko.

"Ahh, okay. Yesh bakit ‘di mo sinabing gwapo pala ang boss mo." nakangiting sabi. Nabasa ko sa isipan ng babaeng na sa harap ko na type niya ako.

"Umayos ka nga Ayesha nakakahiya sa bisita ko." sagot nito

"Sige pogi bihis muna ako, usap na lang tayo mamaya pagbalik ko." kumindat pa ito na parang nagpapa-cute bago ito umalis.

Naghahanda na si Yesha ng niluto nito sa mesa. Nilapitan ko ito at tinulungang maghanda.

"Bisita ka rito, kaya ako na." sabi nito.

"It's okay, nakakahiya naman kung kakain lang ako na walang ginagawa." sagot ko.

Hindi na ito nagreklamo. Naglagay ako ng mga plato sa mesa nang napasigaw ito. Mabilis akong lumapit sa tabi nito. Nakita kong natalsikan ng sabaw ang kamay nito. Agad ko itong hinila papunta sa lababo at binuksan ang gripo. Inilagay ko roon ang napasong kamay nito sa umaagos na tubig kaya magkahawak kami ng kamay ngayon.

Sabay pa kaming napalingon nang may tumikhim sa likuran namin. Si Ayesha na ngiting-ngiti habang tumitingin sa amin.

"Bagay kayo." sabi nito sabay upo sa mesa.

"Umayos ka nga," defensive na sagot nito.

Dumating na si Tita Clara, ang mommy ng mga ito kaya tumigil na ang dalawa kaya nag-umpisa na rin kaming kumain. Masarap magluto si Yesha. Hindi makikita sa hitsura nito pero nakuha nito ang panlasa ko kaya nabusog ako. Pagkatapos kumain ay umakyat na sa kwarto si Ayesha dahil mayro’n daw itong gagawin. Ang ina naman nito ay pumasok na rin sa loob dahil magpapahinga muna. Kaming dalawa na lang ang naiwan doon.

"Hmm Yesh, sorry talaga sa ginawa ko. Sana maging magkaibigan tayo." sabi ko habang nagliligpit ng pinagkainan.

"Marami na akong kaibigan kaya hindi ko na kailangan ng dagdag." sagot nito.

"Uhm. Okay, pero sana dumating ang time na maidagdag mo ako sa mga kaibigan mo."

Tinulungan ko itong maghugas ng pinagkainan. Ayaw pa sana nito pero pinilit ko ito, kaya pumayag din sa bandang huli. Mga 1:26 pm na nang matapos kami sa ginagawa dahil 12:45 na rin nang kumain kami kanina. Magpapaalam na sana ako rito nang may biglang kumatok sa pintuan.

Binuksan nito ang pinto at iniluwa roon ang dalawang cute na babae. Agad na napatingin ang mga ito sa akin.

"Kailan pa kayo naging close ng idol mo?" sabi ng isa.

"’Yang bibig mo Missiolini guguntingin ko talaga ‘yan." narinig kung sabi ng isa sa katabi nito na agad namang tinikom ang bibig.

"Hi. I’m Kate ka--"

"Girlfriend ko." agaw ni Yesha sa sasabihin nito sabay akbay rito.

Alam kong babae ang gusto nito pero hindi ko inii-expect na may girlfriend ito. Tiningnan ko ang babae at binasa ang iniisip nito pero ‘love’ nga ang nakikita ko roon.

"Nice meeting you. Aalis na rin ako." sabi ko.

"Kararating lang namin bakit aalis ka na agad?" Missiolini.

"Oo nga samahan mo na lang kami mag-mall ngayon at saka magsimba." Kate.

Tumingin muna ako kay Yesha. Napakaseryoso ng mukha nito. Dahil wala rin naman akong gagawin ng araw na iyon pumayag na rin ako.

Hinintay naming magbihis si Yesha. Panay naman ang tanong ni Kate.

"’Di ba blogger ka?"

"Yes. Nanood ka ba ng mga blog ko?" tanong ko.

"Kami hindi, pero si Yesha nanonood." Missiolini.

Nakita kong siniko ito ni Kate. Bakit may nababasa yata akong pagpapanggap sa mukha nito?

Maya-maya ay lumabas na si Yesha. Tulad ng get-up nito. Nakasuot na naman ito ng maong na maluwang, t-shirt din na maluwang habang patalikod ang pagsusuot ng sombrero.

Sabay na kaming lumabas ng bahay.

"May dala akong kotse mas okay siguro na sumakay na lang kayo." Yaya ko.

Pumayag naman ang dalawang kasama nito at nagpati-una ng pumasok sa likuran ng sasakyan kaya walang nagawa si Yesha kung ‘di sumakay na rin sa harap katabi ko. Tahimik lang kami sa byahe. After 15 minutes nakarating kami sa mall dahil malapit lang naman iyon.

Sabay na naglakad ang tatlo habang ako naman ay nakasunod sa mga ito. Hindi yata gumagana ang pagkababaero ko ngayon. Para wala kasi akong ganang makipaglandian. Sa tuwing dadalaw kasi ako ng mall siguradong may mabibihag ako agad.

Pumunta ang mga ito sa isang jewelry shop dahil bibili raw ng kwentas na pang regalo ni Kate para sa ina nito dahil birthday sa susunod na araw.

Habang busy ang mga ito. Tumingin-tingin na rin ako sa mga kwentas na nandoon. May isang kwentas na nakaagaw ng pansin ko. Ang pendant nito ay isang halfmoon na may nakakabit na star. Mahilig ako sa astronomy kaya siguro nagustohan ko iyon. Agad kung binili iyon at pinabalot dahil balak kong ibigay iyon kay Yesha mamaya bilang peace offering dito.

Naglibot-libot lang kami sa mall para pampalipas ng oras. Nang mapagod ay nagpahinga kami sa may foodcourt. Bumili ako ng 4 na burger at apat na juice para may kakainin kami habang nagpapahinga.

Napansin kong love as a friend ang nakikita ko sa mata ni Kate para kay Yesha. Niloloko lang kaya nito si Yesha? Ayaw kong makialam sa relasyon ng mga ito kaya hahayaan ko na lang na si Yesha ang makakaalam na hindi siya totoong mahal ni Kate bilang lover nito.

Agent Vlogger Becomes My Lover(Book 1)Where stories live. Discover now