Chapter 52

558 16 4
                                    

Yesha's P.O.V.

Pagpasok ko ng bahay dumeretso agad ako sa loob ng kwarto. Isinubsob ko ang aking mukha sa unan at doon sumigaw.

All this time ang akala ko hindi na ako maaapektohan kapag nakita ko ulit si DJ, pero nagkamali ako. May bahagi sa puso ko na gustong-gusto siyang yakapin ngunit mas dinadaig ng galit ang puso ko para rito. Tumihaya ako at napatingin sa kisame. Ayaw ko na. Hindi na ako papayag na saktan ulit nito. Hinding-hindi ko hahayaang muli nitong wasakin ang mundo ko. Dalawang oras din siguro akong nagkulong sa kwarto nang napagdesisyonan kong maligo.

Na sa salas na si Mommy nang bumaba ako.

"Mom! Alis muna ako." paalam ko. Kumunot naman ang noo ko.

"Gabi na saan ka pupunta?" mom.

"Sa kabilang bahay lang po. Sige po balik ako agad." sabi ko na sinabayan ng lakad. Napabuntong-hininga na lang ito.

Pinagbuksan naman agad ako ni Tyron. Nakasuot ito ng t-shirt na puti at jersey na kulay green. Bukod kasi sa pagpipinta mahilig din ito sa basketball.

Dumeretso ako sa loob ng bahay pagkabukas nito at naupo sa sofa.

"Alam mo, hindi ko maintindihan kong bakit pa bumalik ang taong iyon?" ako.

Umupo muna ito sa tabi ko bago sumagot.

"Alam mo ba sa ikinikilos mo ngayon gusto kong isiping may damdamin ka pa sa kanya." seryosong sabi nito.

Natigilan ako saglit.

"Ron. Gusto kong maging honest sa nararamdaman ko. I think I still love him." Ako.

Ito naman ang natigilan sa sinabi ko.

"How can you still love him sa kabila ng ginawa niya sa ‘yo?" Tyron.

"I don't know. Akala ko noon okay na ako. Akala ko hindi na ako masasaktan kapag bumalik siya pero--- Pero pakiramdam ko bumalik lahat ng sakit." malungkot kong sabi.

"Ikaw lang ang makakasagot kung bakit mahal mo pa rin siya. Akala ko rin noon nakalimutan mo na siya. Pero gusto ko ring malaman kong gusto mo ako, Yesh?" Tyron.

Napatitig ako sa mukha nito. Kinapa ko ang sarili kong mayro’n ba akong gusto rito.

"Mahirap ba sagotin ang tanong ko? Bakit nang tinanong kita about kay DJ napakadali mong aminin sa akin na may nararamdaman ka pa sa kanya?" alam kong may tampo akong nakita sa sinabi nito.

"Ron. I'm sorry. Can you still give me time para pag-isipan ang lahat ng ito?" ako.

"I'm sorry rin na pre-presure kita, alam mo na willing akong hintayin ka hanggang magustohan mo rin ako. You can used me." sabi nito.

"What do you mean?" ako.

"Use me para saktan si DJ. Magpanggap tayong magkasintahan para layuan ka na niya." Tyron.

Napatingin ako rito. Tila may paghahamon sa sinabi nito. Nagkatitigan kaming dalawa.

"Can you help me? Sigurado ka bang pwede kitang gamitin?" paninigurado kong tanong.

"Yes."

"Wala akong maipapangako say--"

"I know. But I'm still willing to be your fake boyfriend. Hindi ako umaasang darating ang time na maging tayo. Ang mahalaga sinubukan ko pa rin." Tyron.

"So. Deal?" ako.

Kinamayan naman agad ako nito.

"Deal."

"So what's the plan?" Tyron.

"Make him regret, iyon ang gusto kung mangyari." Ako.

Matapos naming mag-usap ni Tyron umuwi na rin agad ako dahil masyadong gabi na.

Dylan's P.O.V.

May isang oras na siguro akong palakad-lakad, dahil sa rami ng gumugulo sa isip ko.

"Bakit parang pusa kang hindi makaanak riyan." tanong ni Lauren na kanina pa nakatingin sa ginagawa ko. Na sa sofa kasi ito at nagbabasa ng libro.

Nilapitan ko ito at naupo sa tabi nito.

"Sis, may alam ka ba tungkol sa bagong boyfriend ni Yesha?" napatigil ito sa pagbabasa at biglang tumingin sa akin.

"What? My bagong boyfriend si Yesha?" bigla itong napatayo at pinagpapalo ako ng librong hawak nito.

"Aray sis. Masakit ha." Ako.

"Masakit? Alam mo ba kung gaano kasakit ang naramdaman ni Yesha mula nang iwan mo ito bigla-bigla? So ano na ngayon ang gagawin mo na may ibang boyfriend na si Yesha?" galit nitong sabi.

Muli akong naupo ng maayos at napabuntong hininga.

"I don't know. Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko. Pakiramdam ko napaka-selfish ko kung muli ko na namang guluhin ang buhay niya. Sa nakikita ko masaya na siya sa lalaking iyon." malungkot kong sabi.

"So magiging duwag ka ulit? Kung ganyan ka naman pala e ‘di sana hindi ka na lang bumalik." Lauren.

"Ano ba ang kailangan kong gawin sis? Mababaliw na ako sa kaiisip kung ano ba ang dapat kong gawin." Ako.

"Kung ano ‘yang dinidikta ng puso mo ngayon, iyon ang sundin mo." Lauren.

Sandali kong pinakiramdaman ang sarili ko, ano ba talaga ang gusto ko? Ano ba talaga ang gusto ng puso ko?

"Gusto kong agawin si Yesha sa lalaking iyon. Gusto kung ako ulit ang mahalin niya. Gusto kong puntahan siya sa bahay nila dahil namimiss ko na naman siya." iyon ang sagot ng puso ko.

"So ‘yan pala ang gusto mo, ano pa ang ginagawa mo rito? Lumayas ka na sa pamamahay ko at bitbitin mo na ang maleta mo. ‘Wag kang babalik ng bahay hanggang hindi mo kasama si Yesha." sabi nito.

"Seryoso ka? Saan ako titira kung palalayasin mo ‘ko?" ako.

"Aling Rosa pakibaba ng bagahe ni Dylan," Lauren.

"Sis naman." Ako.

Hindi nga ito nagbibiro dahil nandito ako ngayon. Ibinalik sa sasakyan ang maleta ko na hindi ko pa nailalabas mula pa kahapon.

Dumeretso ako sa bahay nina Yesha. Kailangan kong sundin kong ano ang dinidikta ng puso ko.

Agent Vlogger Becomes My Lover(Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon