Chapter 36

597 24 0
                                    

Dylan's P.O.V.

Pagkatapos naming mag-usap ng grupo, pinuntahan ko na agad si Yesha. Sumunod naman sa likod ko ang apat. Nakita kong busy ito sa pag-entertain ng mga customer kaya hindi ako agad napansin nito kung hindi ako lumapit dito. Agad naman itong ngumiti ng makita ako. Tinulungan ko na ito sa mga gawain, syempre pati ‘yong apat tumulong din kaya mabilis na naubos ang mga customer na nandoon.

Nang umalis na lahat ng customer kanya-kanyang pwesto na kami. Hindi ako umupo, nakatayo lang ako sa gilid ni Yesha.

"Oh my Dylan ikaw ba ‘to?" bulalas ni Zyrus habang nakatingin sa cellphone nito.

Agad namang lumapit ang tatlo ko pang kaibigan pero nanatili lang ako sa tabi ni Yesha, dahil may idea na ako kung ano ang tinitingnan ng mga ito.

"Dylan, bagay pala sa ‘yo ang Hello kitty." pang-aasar ni Clark

"Naalala niyo ba noong nag-carnaval tayo, halos mahilo tayo dahil kay Dylan puro kasi matitiding rides sinakyan natin noon tapos ngayon makikita natin siyang sumakay ng marry go round." sigunda naman ni Zyrus.

Bigla na lang bumunghalit ng tawa si Yesha sa tabi ko habang ako halos gusto ko nang maglaho sa hiya.

"Tingnan niyo ang hitsura ni DJ habang kumakain ng ramen nakatatawa." sabi ni Liam na sinabayan nila ng tawa. Pati ang tahimik na si Dwight nakitawa na rin.

"Yesha, ang galing mo talaga. Ikaw lang ang nakagaagawa niyan kay DJ, kaya congrats sa ‘yo." Nag-tumbs up pa si Zyrus. Binato ko ito ng ballpen dahil sa pang-aasar ng mga ito.

"Siya nga pala Zyrus, balita ko crush mo raw kapatid ko. Gusto mo turuan ko rin siyang pasuotin ka ng barbie?" sabi ni Yesha.

Nagtawanan naman ang lahat.

"Wow, may tagapagtanggol na si DJ. Sana ipinagtanggol niya rin noon ang pag-ibig ko sa kanya." Clark.

"Gutom lang ‘yan, kumain na lang tayo dahil mag-aalas dose na." Liam.

Sabay na nga kaming kumaing lahat. Syempre sino pa ba ang always na ginagawang bangko ng mga ito? Syempre ako ‘di ba? So ako nga ang nagbayad ng lahat ng kinain ng mga ito kahit mayayaman ang mga ‘yan.
Pagkatapos naming kumain isa-isa naring nagpaalam ang mga ito kaya na-solo ko ngayong hapon sa Yesha.

"My star." ako habang nakaupo sa pahabang upuan malapit sa counter

"Hmm?" Yesha.

"Gala tayo bukas, linggo naman e." yaya ko.

"Saan mo gustong pumunta, moon ko?" yesha.

"Ano kaya kung bisitahin natin ‘yong school natin noong college tayo." sabi ko.

"Linggo bukas, kaya paniguradong sarado ‘yon pwera na lang kung gusto mong umakyat sa pader." Yesha.

"‘Wag kang mag-alala madali lang iyon. So deal na bukas punta tayo ro’n ha?" ako.

"Okay deal, matagal na rin namang hindi ako nakagawi roon. Isa pa namimiss ko na rin ‘yong school natin." Yesha.

"Pwede ka bang tumabi sa akin?" sabi ko maya-maya. Lumapit naman ito kaagad at naupo sa tabi niya.

Inihilig ko ang ulo nito sa balikat ko at hinawakan ang kamay nito.

"Nasaan nga pala ang daddy mo? ‘Di ko kasi siya nakita noong birthday ng ate mo." tanong nito.

"Sa Korea na tumira si dad. Actually hindi na ito bumalik ng Pilipinas mula ng umalis si mommy. Doon din kami tumira, bumalik lang kami rito sa Pilipinas 3 years ago. Ilang beses ko pa ngang pinilit itong umuwi pero ayaw talaga. Naisip ko na lang na sobra itong nasaktan sa ginawa ni mommy. How about you? Hindi ko yata nakita papa mo?" baling ko rito.

Biglang nalungkot ang expression ng mukha nito.

"Ten years old pa lang ako namatay na ang ang father ko."

"I'm sorry, hindi ko alam na wala na pala siya. Sayang ‘di man lang ako nakapagpasalamat sa papa mo na ipinanganak ka niya." Ako.

"Ikaw talaga, ang dami mong nalalaman. Normal lang naman na mapag-uusapan natin ‘yang mga ganyang bagay, dahil kinikilala natin ang isa't-isa kaya ‘wag kang humingi ng sorry." sabi nito. Hinalikan ko ang ibabaw ng ulo nito tiyaka ito niyakap ng mahigpit.

"Thank you talaga, dahil dumating ka sa buhay ko. I am very thankful na ibinigay ka ng Diyos sa akin kahit napakasama kong tao." emosyonal kong sabi.

"Sshh. ‘Wag mong sabihing masama kang tao, dahil alam kong napakabuti ng puso mo." pag-aalo nito sa ‘kin.

"I love you so much my star." Ako.

"I love you too my moon." Yesha.

"Siya nga pala anong age mo gustong magpakasal?" tanong ko.

Bigla itong napaayos ng upo at tumingin sa akin.

"Bakit mo naman natanong?" Yesha.

"Para malaman ko kung kailan ako magpro-propose sa’yo." sabi ko.

Bumalik ito ulit sa pagsandal sa balikat ko bago magsalita ulit.

"Siguro, handa na rin ako magpakasal kahit ngayong taon." sabi nito.

"So, ibig sabihin anytime pwede akong magpropose?" panigurado kong tanong.

"Yeah, anytime my moon. Basta ikaw ang lalaking iyon hindi ako magdadalawang-isip na tanggapin ka sa buhay ko." Yesha.

"Paghahandaan ko ang araw ng proposal ko sa ‘yo kaya kapit ka lang. Gusto kong maging maganda at espesyal ang araw na iyon." Ngumiti ito habang tumingala sa akin. Nagkatinginan ang mga mata namin. Maya-maya pa ay ito na ang kusang humalik sa labi ko.

Napakasaya ko sa bawat sandali na kasama ito. Sigurado akong ito na ang babaeng nakalaan para sa akin, kung totoo man ang sinasabi nilang tadhana.

Agent Vlogger Becomes My Lover(Book 1)Where stories live. Discover now