Chapter 20

786 27 3
                                    

Yesha's P.O.V.

Araw iyon ng sabado kung saan pupunta kami sa resort ni DJ para mag-overnight doon. Mamayang hapon na ang alis namin. Kagabi tinawagan ko ang dalawa kung kaibigan tungkol sa imbitasyon ni DJ. Halos mabingi ako ng tumili ang mga ito sa kabilang linya. Alam kong excited ang mga ito dahil noong college kami maraming beses na kaming nagplano na mag-overnight sa isang beach pero hindi natutuloy.

Nag-ayos na ako ng mga damit na dadalhin ko sa beach. Dalawang t-shirt at jersey shorts ang dinala ko dahil iyon ang karamihan sa mga damit ko. Inilagay ko iyon sa isang backpack na maliit kung saan kasya lang ang mga ito. Matapos masiguradong naayos ko na ang mga dadalhin ko nagpaalam sa ako sa aking ina.

Pagdating ko ng shop nandoon na si DJ. Mamayang hapon pa namang ang alis namin.

"Maaga ka yata." Ako.

"Ahh yeah, kailangan kong tulungan kang mag-ayos para maaga tayong makaalis." Dylan.

Tinulungan nga ako nito. Pero rati lagi itong naglalaro sa cellphone o ‘di kaya ay nahihiga sa upuang pahaba na nandoon. Bihira lang itong tumulong sa akin syempre boss ko naman ito kaya dapat lang.

Pagsapit ng alas 11:30 ng tanghali niyaya ako nitong kumain sa labas. Sumama na ako rito dahil gutom na rin ako. Sinarado muna namin ang shop dahil walang magbabantay.

Dinala ako nito sa isang fastfood chain na malapit lang naman doon. Actually nilakad lang namin.

"Samahan mo ko mamili ng mga dadalhin natin sa resort." sabi nito pagkatapos naming kumain doon.

"Pano ang boutique?" tanong ko.

"Hindi naman siguro ako mababankrupt kong magsasara ako ng kalahating araw ‘di ba?" ngiti-ngiti nitong sabi.

"Alright, sasamahan na kita dahil mukhang marami nga tayong kailangang bilhin." pagpayag ko.

Pumunta kami sa isang supermarket para mamili. Ako ang taga-push ng cart at ito naman ang kumukuha ng bilihin. Minsan tinatanong ako nito kung okay na ba o ano pa ang kulang at kailangang bilhin.

Matapos mai-karga lahat ng binili namin ay bumalik na kami sa shop dahil alas 2:06 pm na. Ang usapan kasi namin ay magkikita-kita na lang kaming lahat sa shop para sabay-sabay na kaming pumunta sa resort.

Bandang alas 2:20 nang makabalik kami sa shop. Pagkababa ko pa lang sa sasakyan ay napansin ko agad ang isang itim na van. Lumabas doon si Ate Lauren.

"Hi sis, kanina ka pa?" bati ni Dylan sa kapatid.

"Kararating ko lang. Hi Yesha kumusta? Hindi ka ba pinapahirapan ng kapatid ko?" baling nito sa akin.

"Hindi naman po, mabait naman po si Dylan." Ako.

"Talaga? Ibig sabihin kabahan ka na sa kabaitan niyan, dahil tiyak akong may masamang balak ‘yan." natatawang sabi nito.

"Shut up Lauren. Kapatid ba talaga kita o kaaway?" Dylan.

Nagtawanan lang kami ni Ate Lauren sa reaksyon ni Dylan bigla kasi itong nainis.

Ilang sandali lang ay nagsipagdatingan na rin ang ibang mga makasasama namin. Pagdating ng mga boys pinagtulungan ng mga itong ilipat sa van ang pinamili namin ni Dylan kanina. Nang makumpleto na ay isa-isa na rin kaming sumakay ng van.

Na sa pinakalikod namin nilagay ang mga gamit. Pagtapos sa sumunod na upuan ay;

Zyrus – Clark – Missio - Kate

Sa gitna naman.

Vacant – Dylan – Ako - Liam

Sa front seat naupo si Ate Lauren at si Dwight ang nagda-drive. Isasara na sana ni Dylan ang pinto ng sasakyan nang biglang nagsalita si Liam.

"May isa pa tayong makakasama." Liam.

"Sino?" kunot noong tanong ni Dylan.

"Isang taong magugustohan mo."

Kumunot ang noo ni Dylan sa sinabi ni Liam.

"Here she is." napatingin kaming lahat sa tinitingnan ni Liam. Isang babaeng kakababa lang ng taxi at naglalakad na papunta sa amin.

"Shit! Bakit mo inimbetahan si Lyndi." inis na tanong ni Dylan kay Liam.

"Nagkita kami sa bar nang araw na hindi ka nakasama. Hinanap ka niya so isinama ko siya ngayon." nakangising sabi ni Liam.

"Fuck you Liam!" inis na sabi ni DJ.

"Hi guys. Sorry if pinaghintay ko kayo." maarteng sabi nito ng tuluyang makalapit.

Umupo ito sa vacant seat na katabi ni Dylan. Humalik pa ito sa pisngi nito pagkaupo nito. Napansin kong ikiniskis ng babae ang malaking boobs nito sa braso ni Dylan nang isara nito ang pinto.

Napakalandi talaga ng babaeng ito. May isang maliit na backpack din itong dala. Naka-sleeveless na kulay pula ito at mini-mini skirt dahil sobrang iksi ng palda nito. Nakasuot pa ito ng heels. Sigurado ba na alam nito na beach ang pupuntahan namin o baka akala nito sa mall kami pupunta?

Agent Vlogger Becomes My Lover(Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon