"Oo nga salamat bg sobra, send ko nalang yung address ng lugar"

Binaba na ni Vhong ang tawag at agad na tinext saakin kung nasaana sila.

"Tambunting.....dito rin ako nakatira dati ah, kapitbahay ko ba dati si ion....or baka sya si...." Sabi ko sa isip ko.

Napailing-iling naman ako sa naiisip ko.

Imposible namang si ion yung batang napapanaginipan kong nakakalaro ko.

Naglakad ako papuntang elevator at bumaba na sa lobby, binilinan ko na rin ang mga guards sa gagawin at nagbook ako nang sasakyan, wala kasi akong dalang kotse.

~fast forward~

Makalipas ang dalawang oras ay nakarating rin ako sa lugar, masyadong traffic kanina kaya inabot akong dalawang oras kahit malapit-lapit lang to sa building namin.

Agad naman akong pumasok sa looban at hinanap si Vhong.

Inilibot ko ang Mata ko sa bawat iskinita at finally nakita ko rin si Vhong, kumaway ito saakin at lumapit.

"Mag-isa ka lang?"tanong nito.

"Oo"

"Tsk,tsk mapahamak ka dito, tondo to vice, tas ganyan pa suot mo" nagaalalang sermon nito sakin.

"Yaan mo na, nagmadali ako eh....si ion pala nasan?"

"Nasan cr natawag ng uwak....lika" natatawang sabi nito sabay lakad papunta sa inuman nila.

Pagkapunta namin ay nakita kong maraming tao don, may babae, lalaki bakla at tomboy, napatingin naman silang lahat sakin kaya ipinakilala ako ni Vhong.

"Ay mga pre, si vice nga pala, boss namin" pakilala sakin ni Vhong.

"Boss lang ba talaga or girlfriend mo yan Vhong" asar nang isang bakla.

"Uy issue ka queen ahh"defend naman ni Vhong.

"Di mo yan jowa...single yan?" tanong Naman nang isang lalaki sabay tingin sakin Mula ulo hanggang paa.

"Uy hands off dito pre, may nagmamayari na dito" defend ulit ni Vhong.

"Kilala kita teh, model ka ba?" tanong ng isang babae.

Tumango naman ako at nagsitigil silang lahat.

"Owww shaks kaya ang ganda"

"Sinabi mo pa"

"Naaalala na kita"

"Ganda nga talaga, bagay na model"

Iilan sa sinasabi nila.

Ngumiti lang ako at humarap kay Vhong pero may kausap Ito sa phone at unti-unting lumayo para hindi maingayan.

Maya-maya naman ay may biglang humawak sa bandang balakang ko.

Nagulat ako at napaharap bigla.

Isang lalakina malaki ang katawan at medyo gwapo, nakangisi sya saakin, halata sa namunugtong mata nito na lasing at tigang sya.

I was scared, lumapit sya ng lumapit saakin hanggang sa ma corner ako, wala namang nakapansin saakin dahil medyo madilim sa Lugar.

Papalapit na ito nang papalapit saakin ng may biglang sumapak dito at bigla nalang din ito tumumba sa sahig.

Nakita ko naman si ion na nasa ibabaw na nang lalaki at pinagsususuntok ito habang nasigaw ng "walangya kang manyak ka, manyakin mo na lahat wag lang si vice pre. bastos kang hayop ka"

Napansin kami ng mga Tao at pinigilan ang dalawa.

Nang kumalma na ang lahat ay bigla akong hinila ni ion sa braso at naglakad palabas.

Si Vhong naman ay sumunod saamin.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" biglang tanong sakin ni ion.

"Susunduin ka"

"Tsk, sundo?....ganyan suot, wala ka pang sasakyan"

"Nag grab ako"

(Ehem hindi sponsored)

"Kahit na...Vhong ikaw ba nagsabi sakanyang pumunta dito?"

Umiling si Vhong sa takot.

Nakakatakot kasi naman talaga lalo na at seryoso si ion.

"Sa susunod wag mo na akong susunduin. Nandyan naman si Vhong, kaya ko nga sya isinama para may magaalalay pa sakin, di naman yan nagiinom masyado eh"

"Kahit na rin abuh, malay mo rin nalasing yan eh, san ka matutulog sa tabi ng mga babae don?!" galit na sagot ko sakanga.

"Eh kesa naman sa pumunta ka pa dito eh mapanganib dito, di ka nga tunay na babae pero yung mga tao dito totoong manyak, masamang tao pa ang iba!" sigaw nya pabalik.

Natakot naman ako dahil sa boses nya at nakikita ko yung ugat sa leeg nya, namumula rin yung mukha nya sa sobrang galit sakin.

Paiyak na ko pero pinigilan ko, strong ako di ako iiyak.















I'm Into You (version 2.0)Where stories live. Discover now