Chapter 49

48.5K 1.4K 357
                                    

"F*ck! F*ck!" Mura ni Lorenzo habang pabalik-balik sa loob ng silid ni Heronisa dito sa ospital. Panay din ang palakad-lakad ng binata paroon at parito. Matapos ang nangyari sa Japan, hindi na ninais pa ng binata na manatili sa lugar na iyon at kahit kailan ay hindi na niya gugustuhin pang tumapak roon.

Idiniretso niya sakay ng Private Jet si Heronisa pabalik ng Pilipinas at agad na dinala sa ospital. And now, here they are. Matapos isugod sa Emergency Room ay agad na nilunasan ang dalaga, sinalinan ng dugo at inilipat sa Presidential Suite si Heronisa.

Ilang oras na ang makalipas nang makadating sila rito at maglulunch na. Malalim na ang gabi ng umalis sila sa Japan kasama pa ang iba. Umuwi na ang mga kapatid niya pabalik sa mga pamilya nila.

After that crazy 'escapade' in Japan, they deserved it. Lorenzo yanked his hair in frustration. He's worried because he doesn't want any complications with his baby doll. If that happens, he'll be damned.

Tama na ang nangyari doon sa Japan at nitong mga nakaraang araw. Ang dapat na mangyari ngayon ay maging masaya si Heronisa sa piling niya at hindi na aalalahanin pa ang mga nangyari sa Japan.

Kinakabahan si Lorenzo dahil umalis ang Doktor upang alamin ang mga laboratory results ng dalaga hangga't hindi pa ito nagigising. Nagpaiwan si Saito at Ushi sa Japan upang ayusin ang pagdadala sa matandang Kazuma sa Pilipinas dahil wala na ring kamag-anak na natitira ito bukod kay Heronisa.

Wala pang desisyon kung ano ang mangyayari sa mga natitirang miyembro ng Clan ngunit ang dalawa na ang bahala roon. Si Traverse naman ay iniaayos ang bagong Estate na lilipatan nila dahil ayaw ni Lorenzo na matandaan pa ni Heronisa ang nangyari matapos dukutin ito ni Hiroshi.

As for the dead bodies in Japan, Alejandro and Hellion volunteered to get them. Ang tiyan ng mga alaga nila ang magiging huling hantugan ng mga bangkay na iyon. Lorenzo then jumped into his position and get his gun out.

Itinutok niya agad ito sa bagong pasok na siya namang nagtaas ng kamay. "Woah! Boss! Ibaba mo 'yan! Hindi pa ako handang mamatay!" Nakataas ang dalawang kamay na sabi ni Traverse.

Sinamaan niya muna nang tingin ito bago ibinaba ang baril. Hindi ba naman kumatok at dumiretso lang pumasok. Sinong hindi mapaparanoid pagkatapos noong nangyari sa kanila? Nakita ng binata na may kasama si Traverse.

He remembered that was the girl who saved his baby doll. "Ayos na ang pinapaayos mo Boss, dinalhan ko na rin kayo ni Heronisa ng masusuot  at sinama ko na rin ang bata kasi walang magbabantay." Aniya na medyo nahimasmasan na sa pagiging paranoid ng boss niya.

Tumango nalang si Lorenzo at ibinalik ang tingin sa dalaga. Lumapit sa kanya ang batang babae nang hindi niya napapansin at hinila ang manggas ng suot niya ng bata. Napatingin siya rito.

"Ayos lang po ba si Ate?" Tanong nito. Naupo si Traverse sa sofa na nasa loob nitong suite. "She is. She needs to rest." Sagot niya sa bata na tumango lang ang bata sa kanya at lumapit na kay Traverse at naupo nang tahimik sa tabi nito.

All the stress he feels is now slowly fading. Basta ba nasa tabi niya lang si Heronisa, lahat ng problema niya ay kayang-kaya niya. Sabi nga ng dalaga noon, siya ang Superman ni Heronisa. But the truth is that Heronisa is his peace. She represents his serenity and peace. Heronisa is his redemption.

Si Heronisa ang nag-iisang taong makakapagpabigay nito sa binata. Napakadelikado man ng buhay niya, alam ng binata habang nasa kanya si Heronisa magagawa niya ang lahat kahit imposible pa ito.

Nilapitan ni Lorenzo ang dalaga at hinalikan ito sa noo. When someone entered the room again, hindi lang si Lorenzo ang napalabas ng baril kundi maging si Traverse. Alerto naman ang bata at tumabi sa kama ni Heronisa.

Ruthless Men Series 3:Lorenzo's RedemptionWhere stories live. Discover now