Chapter 35

47.9K 1.5K 150
                                    


"Lorenzo, nasaan ka?" Sigaw ng dalaga habang naghahanap sa dilim. She was tired while looking for Lorenzo. Hindi alam ng dalaga kung nasaan siya, hindi na niya alam ang gagawin habang nililibot ang buong paligid.

Madilim na madilim na ayaw na niyang umalis pa mula sa kinatatayuan. Natatakot na ang dalaga, hindi niya mahanap si Lorenzo, hindi niya mahanap ang taong minamahal.

She doesn't even know how she talked like this. Alam niyang hindi siya matatas magsalita ng mga salita dahil yon sa disabilidad niya. "Ren, please... natatakot na ako." She whimpered while calling his name.

Tanging ang binata lamang ang nais niyang makita ngayon pero bakit wala siyang makitang Lorenzo? Bakit ang dilim-dilim? Takbo nang takbo ang dalaga ngunit hindi niya naman alam kung saan siya patutungo.

Lahat ng mga bagay sa harapan niya unti-unting naglaho. Her foster parents were waving at her. She tried to grab their hands, but they were fading as well. "Nay! Tay!" She screamed, but no one could hear her.

Anong nangyayari bakit walang ni isang lumalapit sa kanya? Puno ng kadiliman kung nasaan siya ngayon pero lahat ng mga dumadaang tao kapag nilalapitan niya ay hindi niya nahahawakan.

Ang luha ng dalaga ay unti-unting bumubuhos. Nararamdaman na naman niya ang kalungkutan ang pag-iisa gaya noong una. Ilang beses na ba siyang naghanap ng kalinga at pagmamahal bakit pati iyon at tila mauulit na naman.

Wala na bang gagawin ang dalaga kundi ang maghanap ng mga taong magmamahal sa kanya? She saw Khimlie her hero. "Khimlie!" Tawag niya din dito pero ang mga mata nito ay walang buhay na tumingin sa kanya at tinalikuran siya.

Napaluhod ang dalaga bakit sila nawawala sa kanya? What did she do this time to deserved this? Naalala niyang masaya sila ng mga taong pinagkakatiwalaan niya ngayon pero bakit hindi nila inaalo ang umiiyak na dalaga ngayon?

Ilang mga tao pa ang dumaan sa kanya at pakiramdam ng dalaga ay napakabigat na nang kanyang dinadala.

Tila isa itong pasakit na buhat-buhat ng dalaga hanggang makarating siya sa dulo hindi alam ni Heronisa kung ito ba talaga ang dulo nito o isa na namang pangyayaring sisira sa kanyang puso. Heronisa smiled when she saw her Lorenzo.

Napangiti ang dalaga dahil alam na alam niyang hindi siya tatalikuran ng dalaga ngunit nagkakamali pala siya. Tumalikod din ito sa kanya pero hindi sumuko si Heronisa tumakbo siya at niyakap ang binata sa likod.

"Ren! Ren! Saan ka pupunta? I am here, your baby doll!" Ibang-iba ang pakiramdam ng dalaga, bumuka ang bibig ng binata at tila ayaw na marinig ito ni Heronisa. Ine-expect na nito kung ano ang nais sabihin ni Lorenzo sa kanya.

Hiniklas ni Lorenzo ang mga kamay ng dalaga sa bewang niya at itinulak ito. Ramdam ng dalaga ang pagguho ng mundo niya sa ginawa ni Lorenzo. She didn't expect him to do this. Alam niyang hindi siya matitiis ng binata ngunit ano ito?

"Ren, what's happening?" She cried for him and tried to reach his man but it was useless. Tinalikdan siya nito gaya ng iba at ang mas nakakatakot pa may babaeng nag-aantay sa binata na agad na kinuha ni Lorenzo ang mukha nitong hindi niya nakikita at unti-unting hinalikan.

Heronisa Blythe stared and collapsed. Nabasag ang puso ng dalaga at nagkapira-piraso. Looking at his man who's kissing for another woman is heartbreaking. Heronisa can't take it anymore.

Sumigaw nang sumigaw ang dalaga halos maubos na ang boses nito pati ang mga luha ay tuloy-tuloy lamang sa pag-agos tila bata itong inagawan ng laruan. "Why?! Lorenzo, why?! Lorenzo!" Sigaw ng dalaga. Mahal na mahal siya ni Heronisa pero ang puso ng dalaga ay sinira niya...

Ruthless Men Series 3:Lorenzo's RedemptionWhere stories live. Discover now