Chapter 23

59.8K 1.4K 74
                                    

This Chapter is dedicated to:
RebelliousSeductress

"Please, baby, stay here. Khimlie will teach you everything you need to know again. Traverse and I are going to do something outside." Pamamaalam ni Lorenzo sa dalaga habang nasa tabi ito ni Khimlie.

Pagkatapos nang ilang araw nilang pagkakalayo ay tila ayaw nang mapaghiwalay ng dalawa ngunit ngayon ay kailangan dahil may gagawing importante si Lorenzo. Heronisa pouted while holding her pencil.

Gusto niyang nasa tabi niya lang si Lorenzo pero alam niyang hindi sa lahat ng oras dahil trabaho din ito pero gabing-gabi na at anumang oras ay matatapos na sila ni Khimlie. Khimlie Mariz Arconado was her therapist now.

Ang babaeng tumulong sa kanya ay isa palang therapist ng ospital na pinagtatrababuhan ni Karlos kaya naman tiwala si Lorenzo na nakuha niya ang best na therapist sa kanyang Heronisa. The therapist was clean. Walang anumang mali sa mga records nito at tiwalang-tiwala pa si Heronisa dito kaya naman ito na ang pinili ni Lorenzo. Laking gulat pa ni Khimlie noong puntahan siya ni Lorenzo at i-offer ang maging private therapist siya ni Heronisa.

Hindi niya alam na ang dalaga pala ang magiging pasyente niya. And of course she agreed. Sinong makakatanggi sa sweldong ino-offer ni Lorenzo para lang kahit papano ay maintindihan ng iba ang dalaga.

Tila nanalo siya sa lotto sa ino-offer nitong sweldo sa kanya.

Her monthly salary for teaching and tutoring Lorenzo's woman was one million. 'Di ba ang swerte niya? "Bat, it's eve." React ni Heronisa kay Lorenzo.

Sa loob ng isang linggo ay may tatlo hanggang limang salita na si Heronisa na nakabisado, hindi man fluent ang mga pangugusap na lumalabas sa bibig niya atleast naiintindihan na siya kahit papano.

"I promised, baby doll. Pagkatapos nang gagawin ko sa labas babalik agad ako para matulog na tayo." He bargained with his woman. Traverse just stared at the two while Khimlie listened.

Tila mag-asawang nagpapaalaman pa ang dalawa at tila obligado si Lorenzong gawin ito dahil ayaw niyang mag-aalala si Heronisa o mag-isip ng kung anu-ano habang wala siya. Heronisa looked at him.

Sinusukat ng dalaga kung may katotohanang sa sinasabi ni Lorenzo. Heronisa sighed. Tumayo ang dalaga at niyakap ang binata kung noon ay ilag at takot ito kay Lorenzo ngayon ay tila sanay na sanay na ang dalagang gawin ito.

Noong bago pa lamang siya dito ni ang lapitan si Lorenzo ay kimi at takot pa siya pero tignan mo nga naman ngayon. "Okay, Ren." Pagpayag ng dalaga. Lorenzo smiled silently.

Ayaw niyang ipakita sa iba ang ngiti niya dahil tanging ang dalaga lamang ang may karapatang makita ito. Ipinantay ng binata ang kanyang mukha sa mukha ng dalaga at hinalikan ito ng masuyo sa labi.

Isa-isa namang nag-iwasan ang dalawang manonood nila samantalang ang mga tauhan ni Lorenzo ay hindi sanay na makitang ganito ang Boss nila ay nabilaukan ng mga laway nila. Lorenzo pecked a kiss on his lady's lips.

He kissed her on the cheek and whispered soothing words into her ears. "I'm just yours, baby doll." Bulong ng binata na ikagalak ng puso ni Heronisa. Niyakap niya muna ang dalaga at ibinaon ang mukha sa leeg nito.

He smelled her lilac scent. Babaunin ng binata ang amoy na ito kahit saan man siya magpunta. "Do you remember what I told you in our bed, my dear Heron?" Bulong ulit ng binata sa kanya upang walang makarinig.

"Never trust anyone." When they were hugging, she whispered back at his chest. Paulit-ulit na pinasabi ni Lorenzo ito kay Heronisa. He explained what he was told her. Ayaw niyang maiwan ang dalaga dito sa tuwing mawawala siya nang hindi alam ang nangyayari.

Ruthless Men Series 3:Lorenzo's RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon