Chapter 26

57.9K 1.4K 83
                                    

Ilang trauma pa ba ang pagdadaanan ni Heronisa upang maging kampante ang pamumuhay niya? She's been through a lot, but her experiences are exacerbating the situation.

Napapagod din ang dalaga pero tila walang kapaguran ang mga pagsubok na dumadating sa kanya. Ang karamay ng dalaga sa sakit na nararamdaman niya ay si Lorenzo na tila hindi din mapakali sa nangyayari sa dalaga.

Sa tuwing lalabas nalang ito, napapahamak ang dalaga. Ganoon ba talaga ang mundo para sa mga may kapansanan? Palagi nalang sila ang nakakaramdam ng mga masasalimuot na mga karanasan gayong ang nais lang naman nila ay mamuhay ng normal kahit pa hindi talaga sila normal.

They wanted to know what ordinary people go through. Mahirap ba talaga yon? Mahirap ba talagang makamit nila iyon? Doon lang naman ay sapat na iyon para sa kanila. Ang mamuhay ng walang panghuhusga o pang-aabuso mula sa ibang tao, iyon lamang ay sapat na para sa kanila.

That will be a huge help to those who have disabilities or disorders. Iyon bang kapag nasa kalye sila ay hindi sila pandidirihan at hindi sila titignan ng may pangungutya sa mga mata ng ibang tao.

"I'm sorry, baby doll, I can't make this world fair to you," Lorenzo said into Heronisa's sleeping arms.

Milyong-milyong karayom ang tumutusok sa puso ng binata sa iisiping hindi lang minsan ito naranasan ng babaeng minamahal.

He can't stop crying for the woman in his arms. Lorenzo Giovanni Dizionario is in tears. Lorenzo is weeping for his wife. Lorenzo is crying because he is unable to improve the world for his baby doll.

Lorenzo never cried, not even at the funeral of his family. Tanging sa dalaga lamang siya umiyak. Tanging ito lamang ang nagpaiyak sa kanya. He didn't cry because Heronisa had hurt him, but because his baby doll was in pain.

"I'm sorry that this world is so harsh on you, cara." Hindi mangangako si Lorenzo ngayon na hindi na masasaktang muli ang dalaga dahil ito na ang nakasanayan ng mga tao sa mundo.

He can't change that, but he can keep his woman safe from them. He may not be the most powerful or influential person in the world, but he has the ability to create their own world just for Heronisa.

Mundong tanging ang dalaga lang ang mahalaga at mundong walang makakapanakit sa dalaga. Ang mundong 'yon ay sa tabi niya at sa buhay niya. Nasa kotse pa din silang dalawa at hindi pa pumapasok ng Mansyon nais na munang akuin ngayon ang oras at sa kanya muna ang dalaga upang mabawasan ang panginginig niya sa galit para muling turuan ng leksyon ang taong muntikan nang saktan ang kanyang baby doll.

Lorenzo texted Traverse to come get him and tie him up in one of his basement rooms. Marami pang silid sa basement ni Lorenzo at willing na willing ang binata na ibagsak roon ang lahat ng mananakit sa dalaga hanggang unti-unti silang kainin ng kamatayan roon.

"I'll be there for you, baby doll. I'll be watching over you." Seryosong saad ni Lorenzo habang idinuduyan ang dalaga sa kandungan niya gamit ang mga bisig niya.

Payapa ang mukha ng dalaga kahit pa sa nangyari kanina tila kilalang-kilala nito ang taong may hawak sa kanya kaya naman relax na relax ang pagtulog nito.

"My love, take your time, sleep as much as you want, but wake up later for me. I absolutely love you." He murmured once more. Atleast nasabi na ng binata ang nasa loob niya kahit pa tulog ang dalaga. He'll say it again once she's awake.

Heronisa had been through a lot, and Lorenzo knows that by saying those three words, she will be overjoyed. 

Pinaandar niya ang kotse habang nasa kandungan ang dalaga, mahirapan man siya ay worth it naman dahil mahigpit at ayaw bitawan ng dalaga ang kanyang leeg kung saan nakabaon ang mukha ng dalaga.

Ruthless Men Series 3:Lorenzo's RedemptionWhere stories live. Discover now