Chapter 43

42.4K 1.2K 81
                                    

"It's your fault that you did it. You are hard-headed! I told you not to move until I said so!" Sigaw ng lalaki sa kasamahan na nasa harapan niya at ginagamot ang balikat nitong natamaan ng baril.

Ang lalaki may tama ng baril ay siya ding ang nagligtas kay Heronisa mula sa kapatid nito. "Anong gusto mong gawin ko? Tignan ang Prinsesa habang pinapatay?!" Balik na sigaw nito sa kasamahan.

Ilang taon na rin silang narito, nagtatago habang binabantayan si Heronisa. Ilang taon matapos nilang mahanap ang dalaga ay nanatili sila sa Pilipinas upang bantayan ang dalaga ayon na rin sa kagustuhan ng taong nag-utos sa kanila.

"Hindi ko sinasabing hayaan mo mamatay ang Prinsesa! Ang sinasabi ko lang ay sana nag-isip ka muna sana!" Ilang taon na pananatili nila dito habang palihim na binabantayan ang dalaga ay natuto na rin silang managalog.

They couldn't do anything when Heronisa was on her foster brother's side. Binabantayan din sila ng mga kalaban kaya hindi sila makagalaw nang maayos upang gawin ang trabahong ipinangako nila hanggang sa kahuli-huling hininga nila.

Ang pangakong handa nilang panindigan kahit pa hanggang sa kamatayan. They were doing this because they had been chosen to be her guards until their last breath.

"I'm just doing my job, Saito, instead of scolding me. Bakit hindi nalang natin pagtuunan ng pansin ang mga nais na pumatay sa Prinsesa?" The stranger said diverting the topic.

Alam ng lalaki na hindi ito titigil hangga't hindi siya nagpapatalo. Mula ng ipinanganak pa lamang sila, kaakibat na nila ang responsibilidad na alagaan si Heronisa. Noon, habang nahihirapan ito ay wala silang magawa, dinibdib lang nila ang lahat ng ito habang nakikita ang dalagang nahihirapan.

Wala silang magawa, wala silang maitulong sa dalaga. Now, that they had given the chance. Mamatay na kung mamatay, gagawin na nila ang trabaho nila nang naayon sa ipinangako nila sa nakakataas sa kanila.

Saito sighed deeply, the man were frustrated when he saw his partner awhile ago. Natatakot si Saito na baka ito ay matulad sa iba nilang kasamahan. Dalawa nalang sila kung mawawala pa ito. Paano nila mapoprotektahan ng mabuti ang dalaga?

Sa limampung inatasan na maging bantay ni Heronisa, tanging dalawa nalang ang natitira. Ang iba ay wala na, isa-isa silang nalagas noon. Isa-isang pinahirapan upang malaman kung saan ang lokasyon ng dalaga ngunit ni isa ay walang nagsabi.

They choose to die than to let their hime found by their enemies. Namatay silang may karangalan, namatay sila para sa kaisa-isang tagapagmana. Hindi nila hahayaang pati ang karangalan na dapat sa dalaga ay niruyakan ng kung sinuman.

They were born to protect the Princess, and they will die protecting her. "Please, Ushi, don't do this again. Call me if you want to help our hime. Dalawa tayong magtutulungan para protektahan ang Prinsesa," Saito pleaded.

Baka hindi niya magampanan ng maayos ang trabaho niya kapag siya nalang mag-isa. Ushi nodded while Saito wrapping his wound. Swerte niya lang at sa balikat siya natamaan at hindi mismo sa ulo.

Kahit maling akala pa yon sa parte ni Lorenzo wala itong sinasanto. "I think, he's making a move." Ushi suddenly said. Nangunot ang noo ni Saito at tinapos ang paggamot sa kasama. "What do you mean?" He asked.

Umayos ng upo si Ushi at tumingin sa kasama. "Before, I rescued the Princess. Marami akong napatay na mga tauhan niya. They were ready to kill hime." Paliwanag nito. Sana lang ay ipinaalam ng de Rossi Mafia ang mga bangkay na nakita nila malapit sa pinangyarihan ng muntikang pagpatay kay Heronisa.

Hindi lamang ito simpleng pagpapahina kay Lorenzo kundi dahil nais din nilang mamatay ang dalaga. Isang importanteng tao ang dalaga at hindi dapat ipagsawalang-bahala ito.

Ruthless Men Series 3:Lorenzo's RedemptionOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz