Chapter 13

66.3K 1.7K 267
                                    

"Are you all right, Boss?" Traverse asked, staring at the door where Heronisa was sleeping.

Pagkatapos niyang pakainin ang dalaga nang hapunan, pinainom ito ng gamot at pinatulog agad siyang lumabas ng silid. Alam niyang nag-aantay si Traverse sa kanya sa labas ng pintuan dahil aasikasuhin na nila ang walangyang pumasok sa kanyang kuwarto at sinubukang hawakan ang kanyang pagmamay-ari.

"I'm good," sagot ni Lorenzo sa kanyang kaibigan at kanang-kamay. Duguan ang damit ng binata ngunit alam ni Lorenzo hindi iyon kay Traverse kundi sa taong nasa kuwarto sa ilalim nanggaling ito.

"Did you do a good job?" Lorenzo asked of his friend. Traverse nodded and smiled. "You're going to love what I did to him, Boss," proud na wika nito kay Lorenzo na na animo'y magkakaroon ng medalya dahil sa ginawa niya.

Muli munang tinapunan ni Lorenzo ng tingin ang silid bago nag-umpisang naglakad papunta sa kinaroroonan ng walangya. Lorenzo's knows Traverse will do his job. Masaya ang kanyang kaibigan kapag nakakahawak ng mga walang kuwentang tao lalo na at papahirapan nito.

Sa kanilang dalawa, pangalawa lamang si Traverse sa pagiging psychopath dahil ang nagmamay-ari ng titulong una ay si Lorenzo.

"Ang tigas ng g*go, Boss, mukhang mag-e-enjoy ka sa pagpaparusa sa kanya," Traverse then added while puffing his cigar. Nakasunod siya kay Lorenzo habang naglalakad papunta sa basement nila.

Boss ang tawag ni Traverse sa binata kapag nasa pormal na silang pagtatrabaho. He wanted to address Lorenzo as Boss so that everyone knew he respected his superior. Traverse offered Lorenzo a cigarette, which he took.

Sinindihan iyon ni Traverse gamit ang lighter niya. Ngayon, dalawa na silang nagpapausok sa dinadaanan nila habang ang mga tauhan nilang nakakasalubong ay yumuko lang.

Naninigarilyo si Lorenzo upang maibsan ang iniisip niya, hindi niya magawa ito kanina dahil nasa harapan siya ng dalaga at ayaw niyang magkaroon nang pangit na impresyon dito.

Napakainosente ng dalaga upang bahiran niya ng maduduming gawain nila. Ipinangako niyang hindi mababahiran ng dugo ang kamay ng dalaga, hindi ito makakakita nang karahasan at pagtatalo. He desired that she remain pure and innocent because Heronisa is his redemption.

Ito ang kabaliktaran niya na nais niyang manatiling puro upang pangbalanse sa pagkatao niyang napakadilim at napakamakasalanan. Kahit saan man sila dalhin nang paglalakbay na ito hindi niya hahayaang may dugong dadanak sa kamay ng dalaga.

Tama na ang nangyari noon dito, tama na ang disabilidad nito ang naging hadlang upang magkaroon ito ng normal na pamumuhay habang iniisip ang disabilidad ng dalaga. Lorenzo mentally notes that he needs to see a therapist and a psychologist for his woman.

Hindi man ito tuluyang gumaling atleast kahit kaunti ay gumaling ito. Wala siyang masyadong alam pagdating sa espesyalidad na iyon pero may mga kilala siyang Doktor para sa kalagayan ng dalaga.

"Boss." Tila namulat si Lorenzo sa pagkakatulod ng makailang ulit siyang tawagin ni Traverse. Narito na pala sila sa harapan ng basement at tila pati ang buong silid ay sabik na sabik sa pagdating ng isang Lorenzo Giovanni Dizionario parang nagsasabi ito nang: Maligayang Pagbabalik, sana ay gamitin mo ako ng mabuti. Nakakapangilabot ang awrang nakabalot sa basement na tila ba halos lahat ng kaluluwang naging biktima nito ay nakakulong dito.

Marahil kaya natatakot ang mga tauhan ni Lorenzo dito dahil na rin sa mga naging biktima nang kanilang Boss na siyang nakakulong sa silid na ito.

"Tignan natin kung maganda ang ginawa mo, Traverse," nakangising sabi pa ni Lorenzo sa kanyang kanang-kamay. Napayakap sa mga sarili nila ang mga tauhan ni Lorenzo nang makita nila ang ngisi at malamig na mata ng kanilang Boss.

Ruthless Men Series 3:Lorenzo's RedemptionWhere stories live. Discover now